Chapter One
"Drawing"Aleiah's Point of View
"Par. "
"Oh. "
"Ang baba ko. Babagsak ako niyan. Paano na? "Pagdadrama ng katabi ko dahil nakuha niya ang pinakamababang score sa exam namin sa science subject.
"Oh tapos? Anong gagawin ko? "Medyo natatawa kong sabi.
Dapat kasi hindi ka tamad.
"Badtrip ka naman eh! "
Tiningnan niya ako ng mapanlisik niyang mga mata na tila ba naasar ito sa akin.
Tinulak niya ang balikat ko na tinawanan ko lang.
How to be OA?
Ang dali ng science..
Kung nakikinig ka.
Well...
"Hindi ka kasi nag-aral tapos sasabihin mo na naman na wala kang time? Ililihim mo pa na wala kang time kasi ka-chat mo 'yong boy friend mo! Engot! Kahit nga hindi ka na mag-aral Beniah eh! Kahit makinig ka man lang sa turo ni ma'am! "
"Wao ha! Maka-sermon, ka-level ng mama ko! Ikaw nga, forty seven lang score mo eh! "Pagmamayabang nito na parang marami akong mali kahit tatlo lang naman.
"Bahala ka diyan. Bahala na si tita Cherelyn sa 'yo! Hmp! "
"Aalis na ako. "Pahabol ko pang sabi.
"Saan ka pupunta? "Sabi nito na parang gusto pang sumama.
"Edi sa imong hart! Ayie! "Biro ko.
"Duh!I'm serious bro"
"Huwag ka na sumama, may bibilhin lang ako. "
"Did I say na sasama ako sa'yo? "
"Well.. Sorry. Advance ako mag-isip. "
"Okay! Fine. "
Nakabusangot at nakakibit-balikat ito ng aking iwan. Napangisi na lang ako. Break time namin kaya dumeretso ako sa school's canteen. Burger na lang ang bibilhin ko.
Teka.
Where is Daniella?
Wala kanina sa classroom ang best bud ko pero pumasok naman.
Hmm..
_ _* *_ _
LIKHANG gala talaga si Daniella. Ubos na kanina pa ang binili ko at patapos na ang oras ng break namin.
Hahanapin ko muna si Jordan dahil baka ako na naman ang mapapagalitan ng school paper adviser namin dahil 'di pa kami nakakapagsimula sa paggawa ng articles para sa diyaryo ng university namin.
Kaya ayaw ko talaga sa journalism eh!
Nawawala na naman 'yong dalawa.
Ugh! For sure, magkasama 'yong dalawang 'yon. Sila pa ba? Of course.
Bumalik na lamang ako sa classroom namin at naabutang nagkukulitan ang mga kaklase ko.
"Aleiah. "
Lumingon ako mula sa likuran at hinarap kung sino ang tumawag.
BINABASA MO ANG
Love Sacrifices (Season 1)
RomanceLove. Isang napakadelikadong gawin. Nakakatakot, nakakapangilabot, nakakapanindig balahibo na parang pagsulat ng pangalan sa kamay gamit ang ballpen. Habang tumatagal, pabura ng pabura hanggang sa mawala na lang ng parang bula.