💪Unang Tagay

600 54 36
                                    

Visayas Avenue, Quezon City

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Visayas Avenue, Quezon City

Buong biyahe walang natanggap na reply si Chanyeol kay Baekhyun.

Hindi magawang makapag-focus ni Chanyeol sa pagd-drive. Knowing na ang lala ng traffic sa Pilipinas, kada hinto ng sasakyan ni Chanyeol, he can't help na mag-isip ng kung anu-ano. Sa kanilang dalawa ni Baekhyun, hindi siya yung nag-o-overthink. Oo, madalas seloso siya to the point na nakakainis na, pero kung ikukumpara ito sa kung gaano kadalas mag-overthink si Baekhyun, mukhang aabutin ata siya ng siyam-siyam.

"Baek, answer the phone."

Pang-61 na missed call na ata ito ni Chanyeol sa boyfriend niya. Pero wala pa ring sumasagot. It's either in-airplane mode ni Baekhyun ang cellphone niya kagaya ng ginagawa niya tuwing nag-aaway sila ni Chanyeol or pinatay talaga niya ang cellphone dahil malala pa sa inaakala ni Chanyeol ang dahilan kung bakit ito biglang naisipang makipag-break.

"Fuck." Binuksan ni Chanyeol ang bintana ng kotse at inilusot ang ulo niya para tanawin ang magshotang mabagal na naglalakad sa unahan. "Hindi lang naman kayo yung magshota sa mundo, mga hangal! Tabi-tabi naman." Paulit-ulit niyang ipinalo ang kamay sa inosenteng busina. "Siguro naman may karapatan din akong makauwi para makalandi sa shota ko, ano?"

Nakabusangot na tumabi ang magshota habang mahinang minumura si Chanyeol. Talaga nga naman. Pag talaga di maganda ang araw mo, saka pa magsusunud-sunod ang mga bwisit.




































Nakapatay ang ilaw sa sala nang pumasok si Chanyeol sa bahay ni Baekhyun. Syempre, hindi siya isang gago na babalewalain yung tanginang text sa kanya ng boyfriend niya, kaya dumiretso siya sa kabilang subdivision para harapin agad ito at kausapin. Hindi tulad ng bahay niya, mas maliit at simple ang interior ng bahay ni Baekhyun. Halos lahat ng gamit dito ay puti at cream-colored lang, lalo na ang mga furniture. Tinanaw ni Chanyeol kung nasaan ang boyfriend niya.

"Baekhyun?"

Patuloy lang na naglakad si Chanyeol hanggang sa nakita niyang bukas ang ilaw sa may dining area. "Babe?"

Doon niya nakita si Baekhyun na nakaupo sa harap ng mesa, subsob sa paperworks na mukhang galing sa masteral subjects nito. Medyo makalat din ang paligid. Nakasalamin ang boyfriend niya at nakatali ng sanrio ang bangs. Doon din napansin ni Chanyeol na naka-grey shirt ito na loose at shorts lang habang hawak ng kanang kamay nito ang rilakkuma pen na bigay ni Chanyeol sa kanya bago ito umalis papuntang Baguio.

Aware si Chanyeol na putangina siya para kiligin sa ganitong uri ng sitwasyon, pero wala siyang magawa. Nakakakilig kasi talaga ang histura ni Baekhyun ngayon. Gabi pa naman.

"Oh, ba't nandito ka?"

Nakakakilig na sana, kaso mukhang hindi talaga ito ang tamang timing. Mukhang hindi masaya si Baekhyun at alam ni Chanyeol sa sarili, hindi magandang sitwasyon ang maabutan si Baekhyun ng galit. na. galit.

Love Shot: A Shot of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon