Paalam, Mahal Ko

10 1 0
                                    

"Paalam"

Paalam, mahal ko tapos na tayo
Nangyari na ang gusto mo
Nasaktan mo na ako.

Sinunod ang mga ibig at nais mo
Sapagkat sabi mo na ito ang magpapasaya sa'yo
Isinantabi ang sariling pangangailangan
Mapunan lang ang iyong mga kahilingan.

Tumagal ng isang taon
Pero biglang lumabo ang relasyon
Nagsimula sa matatamis na salita
Nawakasan ng mga mapapait na kataga.

Lintik lang ang walang ganti
Sa dalagang nanggagalaiti
Minahal n'ya ng sobra sobra
Sinaktan lang s'ya ng bonggang bongga.

Isip ko'y litong-lito
Puso ko'y gulong-gulo
Bakit ba kay daling magmahal?
Kayhirap namang masaktan.

Sabi ng mga kaibigan ko
'Nagmumuka kanang tanga,'
Minamahal mo ang lalaki na sobrang tanga',
Hindi ako nakinig, puso lang ang dininig
Sobrang katangahan
Patungo sa kapahamakan.

'Nung i-stalked ko ang 'yong kaibigan
Biglang natuklasan masakit na katotohanan
Matagal na minahal kong tao
Punyeta! Hindi pala s'ya ang tunay na nasa litrato!

Sana'y pwedeng isumpa
Panlolokong iyong ginawa
Malinaw pa sa sikat ng araw
Nagmukha akong pangit na may dalaw

Luha'y 'di mapigil, nagsisiunahan sa pagpatak
Bawat salitang nagdulot sa puso na mawasak
Hindi s'ya tunay na lalaki
'Pagkat marunong s'yang maglaro ng barbie.

Kung sa pelikula may kontrabida
Sa akin nama'y sarili ang kakompetensya
Hindi na nga nakita ang aking halaga
Iniisip parin siya, nag-aalala.

Masakit dahil nagtiwala ako sa'yo
Hindi nako ulit mahuhulog sa kamandag mo
Pangakong magtatagal ang 'tayo'?
Napako lang, hindi ka naman pala totoo.

Ang katotohanan, saki'y nagpamulat
Tapos na ang dramang pakapalan ng balat
Tiwalang hindi pala tiyak
Nagdulot sa puso kong mawasak.

Ikaw ang pinili sa dami ng nagbabakasakali
Ako daw ay may saltik
At ikaw naman ay panget na adik

Ang kapal naman ng mukha mo
Ginamit mo pa ang ibang tao para isakatuparan ang 'yong plano
Siguro ang panget- panget mo
Kaya nagtatago ka sa likod ng gwapong litrato

Ako namang si Tatanga- tanga
Nagpauto, nagpakagaga
Inaway ang sariling barkada
Pinaniwalaan ang bersyon mong magbabaho kana

Hanggang kelan ba kita iibigin?
Kahit ano kasing gawin puso ko'y ikaw parin ang pipiliin
Ibinigay sa'yo lahat ng atensyon
Napabayaan narin pati edukasyon

Ex-lover kong poser
Tama talaga walang forever
'Wag mo na sanang ulitin sa iba
Tama nang ako ang iyong nabiktima

Mahal ko, tama nang pagpapanggap
Aminin mo na sakin ang tunay mong ganap
Luha ko'y ilang ulit ng pumatak
Mga pangakong paulit ulit na pumalpak.

Reply mo'y inaabot ng linggo
Reply ko nga la'y isang segundo
Kaya't lalong gumuho ang aking mundo
'Nong akong 'yong niloko.

Pilit ko nang gustong makawala
Sa bangungot na aking napala
'Nong ika'y ibigin parang nasa pelikula
Pero ang katotohanan, lahat pala'y pantasya.

Ang nasayang na puso
Pilit hinahabol ang iyong mundo
Ngunit isip at katawa'y hinahapo
Gusto nang huminto
Bakit ikaw pa?
Sa lahat ng aking nakilala
Mundo ko'y ikaw ang sumira
Ngunit nais nitong ika'y makasama.

T h o u g h t sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon