Ina Ko

8 1 1
                                    

Sana di nalang ikaw
Pwede namang iba ang maging ilaw
Hihilingin ko ng paulit ulit sa Maykapal
Na sana, di nalang ikaw ang nagbigay sa 'kin ng buhay.

Siyam na buwan akong dinala sa sinapupunan
Nagkamalay, nagising sa kamusmusan
Ngunit bigla mo akong iniwan
Sa ibang pamilya'y naghanap ng kanlungan.

Bakit mo 'ko binalewalang-bahala?
Bakit sa 'kiy ayaw magtiwala?
Dahil ba bunga ako ng isang kasalanan
'Sang buhay na patotoo ng iyong kahihiyan?

Bigyan mo naman ako ng pansin
Kahit sagli'y alayan ng tingin
'Wag puro paninisi at pagdadalamhati
Palaging sigawan ng poot at pighati

Ina, ako diba'y iyong anak?
Dugo't lama'y sakin dumadanak
Ako'y pagtuunan ng pagdamay at paglingap
'Pagkat Ina, kailangan ko 'yong pagyakap.

-12/14/2018

T h o u g h t sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon