ELEKSYON: Boto Ko, Isang Daan

10 1 0
                                    

Mga maliliit na lobo
Sinisimbolo ng ating boto
Akala mo'y parang hangin na di makikita
Pero ramdam ng mga taong edukada

Isang daan, dalawang daan
Kung 'san may pera ay papaboran
Aanhin ang dami ng salapi?
Kapalit nama'y pagkasira ng puri

Desisyo'y iba ang nagdidikta
Katapata'y nakadepende sa kanila
Anong nangyayari, bakit ganito?
Asan na ang dignidad ng tao?

Panalo ka, talo sila
Natutuwa ka, nalulungkot sila
Konsensya's asan nilagay
Binili ang boto, para lang manalo

Nagsaya sa 'walang ebidensiya'
Ngunit maraming dilang nagkokompisa
Aanhin ang panandaliang kasiyahan
Nagkasira naman ang pagsasamahan.

Perang kapalit ay katapatan
Pagkakaibigang nabahiran
Pagsasamang pinagtibay ng panahon
Nawakasan, dahil sa isang daan ng eleksyon.

-05/14/18

T h o u g h t sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon