TAN 1

17 0 0
                                    

I opened the whole ceiling of my car and turned off the aircon. Wala na akong pakialam kung mahamog pa sa labas. Binagalan ang takbo ko. It’s still dark but i can now hear the roosters crow continuously.  Mangilan ngilang bahay pa lang ang nadaan kong bukas ang ilaw. I looked at my watch. It’s 3am. My phone rang and I saw Kar’s name on it I answered it. “Bat gising ka pa?”

“Thank God you’re still awake! Hindi pa tapos yung sa pagkain. Nag uusap pa kung sinong bibili at kung sinong magluluto. Anggulo nila dun so umalis muna ako.” Paliwanag nito. “Ikaw? Bat gising ka pa?”

I was about to answer when she spoke again. “May manok din pala dyan no? Akala ko mga ‘birds’ lang na malalaki ang nandyan.” She quipped and we both laughed.

“Fren ha, green ka na pala. Wag masyado sa probinsya at nahahawa ka sa kaberdehan.”

“Hay, buti nga ako nakakaalala pang umuwi sa sintang pinagmulan ko e.” parinig niya. “Okay lang fresh naman yung greenery.”

“Nakakaalala din naman ako lagi. Yun nga lang, di natutuloy.”

“At di na ako aasa kung kelan matutuloy.” I changed the topic dahil baka madulas ako bigla at masabi ko ang totoo.

 “Akala ko ba alas – nuweba pa mag uumpisa ang party? Bat nandyan ka na agad? PRO ka lang di ba? Nasan na yung ibang officers?” Tanong ko kay Kar. I inhaled the fresh air. Amoy na amoy ang bango ng probinsya. Fresh na fresh. Nagbakasakali daw siyang tinawagan ako kanina dahil hindi na nito matiis ang atmosphere doon. Kasalukuyan kasi siyang nasa ICU resort for the finishing details ng reunion namin which will happen tonight. Isa kasi ito sa mga officers ng batch namin.

“Hay naku pano naman kasi ultimo pag uusap nila, kelangan andun ako. Para akong owl messenger muntik ko na ngang gayahin si Hermionie at sabihin kaninang, ‘I’m not an owl!’ Pero nagpigil ako” She sighed. “Pero nagmamadali na ako, para maaga matapos to nang makauwi na ako agad. Alam mo bang ang awkward awkward makipag usap dito kasi parang magkakagalit lahat?” kwento nito. Reunion kasi ng batch namin ngayon and everyone is there. At bilang isang officer ng Alumni batch namin ay isa siya sa mga organizers ng mga reunions namin and ibang affairs na involved and batch namin. Pupunta kaya siya?

“Hanggang ngayon ba hindi pa nagbabati yang mga yan?” imbes na itanong ko kung dumating yung taong yun ay iba ang itinanong ko kay kar na ang tinutukoy ay ang kaibigan naming si Kristel at ang kaklase naming si Elyn na apparently lahat ng nasa tropa niya’y hindi in good terms sa tropa namin dahil sa nangyari sa dalawa.

“Sinabi mo pa! Kung hindi lang malayo yang New York, magtatampo na sana talaga ako sayo nang bongga at itataya ko na pagkakaibigan natin para lang makapunta ka dito. Hindi ko ata kakayaning manatili dito nang dalawang araw kasama sila.” sabi ni kar. I can hear someone shouting in the background. “Naririnig mo ba yun? Nag aaway na naman sila dahil sa pagkain! Gahd! Ako lang ata matino dito.”

“Matino? Whoa? Kelan ka pa naging matino, kar?” I kidded as I turned left and felt excited as I entered the lit arch that said: “ Welcome to Villa Verona”

“Oo na, aamin na akong hindi ako matino.” She sighed. “Ganyan ka naman , noong college tayo, pinagpapalit mo ako sa mga libro mo. Pinagpapalit mo kami sa mga libro mo. Tapos ngayon, pinagpapalit mo naman kami sa pagmemend mo ng broken heart mo. Napakawalang kwenta mong kaibigan.” Nangingiti na ako habang nakatingin sa daan. Trees were on each side, swaying like celebrating on the return of their princess. Gustung gusto ko nang sabihin sa kanya na nandito na ako at di na niya kailangang magdrama.

“Kahit na may dala akong isang box ng twix, kitkat at ferrero? And most of all, a pair of Loubutin, wala pa rin akong kwentang kaibigan?” I saw the waterfalls kaya naman mas lalo akong naexcite. I missed my parents. Nung pinag iisipan ko kung uuwi ba ako o hindi, sila ang pinakamatinding dahilan kung bakit ko mas piniling umuwi. It’s been 5 long years at gusto ko na uli silang mayakap.

Then And NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon