Chapter 3

18 0 0
                                    

Umagang-umaga goodvibes ako. Para akong shungang nakangiti. Ngiting asong ulul. Kulang na lang may lagay ako ng collar sa leeg ko. Pero as usual, bantay nanaman akong bahay. Nakakabored. Ginawa ko na lahat para lang mawala pag katamad ko. Pinapak ko na lahat ng coffemate at gatas sa kusina, nagpabalik balik sa banyo , naligo na din ako ng ilang beses, napanood ko na lahat ng nakakakilig na thailand love stories pero WALANG WALA TALAGA. Tinatamad din naman ako magmall. Masakit lang sa paa. Ah alam ko na, Hanapin ko na lang yung taong nakita ko kahapon. 

Naghanap ako ng page nung chuchu potography urur. Ang daming pictures. Malamang about photography. Dun sa informations, nakalagay yung mga list ng photographers nila. Nakita ko ung account niya. inadd ko siya at inaccept niya agad. Pagtripan ko nga 'to. inopen ko mga albums niya at nilike lahat ng pictures niya ng hindi na to tinitignan. Ano kayang reaction niya? 

Natawa ako bigla ng maalala ko kung pano siya magsorry kahapon. Pumunta na lang ako sa home at wala ng ibang ginawa kundi magscroll ng magscroll. Wala naman ng bago eh. Hayuu buhay

Pero  nakakapagtaka bakit parang hindi pang Koreano yung pangalan niya ? Poser kaya siya ?

O baka naman..

The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon