Thyrone*
"Hello Thy." May photoshoot ngayon. Bagong model. Suzette Swift. Dapat 9:00 am andito ka na."
"Yes boss." Maikling sagot ko. Kasi hindi ko naman naintindihan.
8:00 na pala. Minadali ko na lang ang pagligo at pagkain. Wala akong gana. Ganto pala ang heart broken. Patawa.
Nagpahatid na ko sa driver. Ginulat naman ako agad ni boss. "Oh Thy, anjan ka na pala"
Pumasok na ko ng studio. "ah boss, anong oras photoshoot? "
"Wala pa nga yung bagong model eh baka mamaya konti pahinga ka muna. Ilang araw ka na din walang pahinga." sagot niya sabay abot nung DSLR sa akin.
Umupo naman ako sa couch. "Scan mo muna mga photos jan Thy, Libangin mo din sarili mo. Mahirap magmove on kung isip ka ng isip sa kanya. Kasi kung kayo, kayo talaga"
"Hahaha. ganyan talaga sir"
"Eh anong ngningiti mo dyan?"
"May katext lang sir"
Inayos niya ung tripod at flash tsaka tumabi sa akin. "Ano naman pangalan niya?"
Napahalf-smile ako. "Tamara boss"
"Ah ok yan. Pero tandaan mo. Wag mong gawing rebound ang babae." Tumayo siya at umalis saglit. Ano daw?