Elizabeth
Maaga palang gising nako, maaga pa nga akong nagising sa alarm ko eh excited kasi talaga ako para sa araw na to.
Nagluluto ako sa kusina ng pumasok si tita, "oh bakit ang aga mo naman masyado nagising at bakit ikaw gumagawa nyan? Si tita dapat ang gumagawa nyan." sabi nya habang nagtitimpla ng kape naming dalawa.
"Si tita talaga, okay lang po ako tsaka excited po kasi ako kaya napaaga po ako ng gising. Upo na po kayo ta, kain napo tayo." sabi ko nang nakangiti sakanya.
"Oh sya, umupo kana din para maaga kang makapag gayak para di rin nga tayo abutan ng masyadong trapik." si tita na ang nag lagay ng pagkain sa plato ko.
Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain, pagkatapos ay pinaligo na nya ako at sya na ang naghugas ng mga kinainan.
Alas syete palang ay paalis na kami ng bahay, sa school na lilipatan ko muna daw kami ngayong umaga pagkatapos mamayang hapon na nya ako dadalhin doon sa opisina.
Excited na talaga akooo.
"Kinakabahan po ako ta" sabi ko kay tita ng malapit na kaming bumaba.
"Kaya mo yan anak, ikaw paba." sagot naman nya sakin ng nakangiti.
Ohlala!!! School ba to o hotel?! Ang gandaaaa...
Natulala na ako sa harap ng gate pagkababa na pagkababa namin ng taxi ni tita. Alam ko kasing maganda to pero di naman ako nainform na super ganda pala as in.
"Eli, napano ka na dyan anak? Halika na para makaenroll kana." hinila pa nya ako papasok dahil para na akong nabato sa labas.
Di ako magkanda ugaga kakalingon sa mga nadadaanan namin ni tita, amazed na amazed ako natigil lang ako sa pagmamasid ng magsalita si tita" andito na tayo sa labas ng office Eli magisa mo nalang pumasok hanapin mo si Miss Hannah sya ung magaassist sayo hintayin kita dito ah? Sabi nya nang may konting pagtulak pa saakin papasok.
"Wow. Ang ganda naman talaga." Nakangiti kong kausap sa sarili
"Hi Ms Salvador right? I'm Hannah." Nagulat pa ako ng bigla syang sumulpot sa harap ko, busy kasi ako sa pag appreciate eh.
"Ayy hello po mam, eli nalang po mam." Inabot ko ang nakalahad nyang kamay. Lambot mga be, nahiya mga kalyo ko.
"Let's go para maprocess na natin ang enrollment mo."
Sumunod naman ako sakanya at pumasok kami doon sa may regristrar daw nila yun. After mga ilang minutes nabigay na sakin ang sked ko. Naibigay na kasi yung mga credentials ko ni tita last week pa kaya sched nalang ang inayos namin.
"So eli, last step mo na to punta ka doon sa second flr, sa IT room201 para sa ID picture mo then you are good to go na." Si ms Hannah ulit yun.
"Cge po mam, thank you po" may kasamang yuko pa.
"Okay eli, see you tomorrow." Ang bait naman nila.
Gaya ng sabi ni ms hannah, nagpunta ako sa second flr para sa id, sosyal mga be dahil 10minutes lang andun na yung id ko di katulad sa dati kong school na the following day pa makukuha.
Naglibot libot ako sa may second flr bago bumaba, nakakatuwa na totoo na talaga ito. Hayyy "pagbubutihan ko to!!! Laban eli! Laban!" Ay hala si tita pala hinihintay ako, lagot. Nagmamadali na akong bumaba para puntahan si tita ng may makabangga ako sa may hagdan.
"Ooops careful miss." Shemay bakit ba lagi akong nababanga, pero infairness ang bango ni kyaaah.
"Ahhh... ehhh, sorry po nagmamadali kasi ako." Pinagpag ko pa ung may pwetan ko bago ko tingalain yung kaharap ko at nashock ako kasi sya nanaman.
BINABASA MO ANG
Fate - COMPLETED
FanfictionKahit sino o ano pa ang humadlang kung kayo ang para sa isa't isa universe na mismo ang gagawa ng para magtagpo kayong dalawa.