Elizabeth...
Hinalikan nya ko. Hinalikan nya ko.. Aishhhhhhh! Bwisit kasi na lalaking yun bakit nanghahalik nalang bigla?! Oo sa may noo lang yun pero halik pa din yun! Halik na nakita nila tita, di tuloy ako tinigilan kakatukso nila kuya Ome kanina. Pano ko ngayon pakikiharapan yun ng di naiilang.
Para na akong baliw na kinakausap ang sarili. May mangilan ngilan na din na tumitingin sakin, pero naman kasi! Sinubsob ko nalang ang mukha ko sa palad ko.
"Eli?" gulat na nagangat ako ng tingin ng may tumawag sa pangalan ko, si sir Aren pala kuya ni Ivan.
"ay hello sir. Hehehe" inaayos kopa ang sarili ko dahil pakiramdam ko eh mukha akong baliw ngayon.
"are you okay?" tanong nya saka umupo sa katapat kong upuan. Andito kasi ako sa library mag-aaral sana pero di nga ako makaconcentrate.
"hehehe okay naman po." nginitian ko pa sya para convincing. "Ano po pala ginagawa nyo dito?"
"may ibinalik lang akong book, then I saw you. Mukhang may problema ka kaya i approached you."
"nakuuu okay lang po ako sir, wag nyo po pansinin yun" naku naman Elizabeth nakakahiya ka baka isipin nya eh baliw kana.
"if you say so, bakit pala magisa ka lang ngayon? I mean may mga kaibigan ka naman db?" nagaalangang tanong pa nya di ko tuloy napigilang mapatawa.
"oo naman sir, absent nanaman po kasi ung bff kong si Keila may inaasikaso daw."
"how bout my brother? Magkaibigan daw kayo di ba?" naku naman, ayaw ko nga po makita kapatid mo ngayon eh.
"ay may pasok po ata sila sir eh."
"sir? Didn't I tell you not to call me sir? Aren will do. Parang ang tanda ko naman kung isisir mopa ko." nakangiting sabi nya. Napakaganda talaga ng lahi nila. Walang maipintas.
"ay sorry, syempre po kasi anak kapo ng boss ko kaya nakakahiya naman po kung pangalan lang tawag ko sayo." nagiiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa pagtitig nya pakiramdam ko eh matutunaw nako anytime.
"exactly! Si daddy ang boss mo at hindi ako so stop the sir." tumango nalang ako hirap makipagtalo baka magalit pa eh.
"halika meryenda tayo! Wala ka namang pasok di ba? Samahan mo nalang akong kumain!" sabi nya sabay hila sakin patayo.
"halla... ayyy nakuuu wait lang po." tatanggi sana ako eh pero hila hila na nya kamay ko kaya sumunod nalang ako.
Nasa may grounds na kami ng makasalubong namin ang football team. Naku naman!
"kuya?! What are you doing here?" bati ni Ivan sa kuya nya. "El?" nagpalitpalit pa sya ng nagtatanong na tingin samin saka sumimangot.
Problema nito?
"nakita ko sya sa library kinakausap ang sarili nya, mukhang may pinagdadaanan. Kawawa naman kaya isasama kong kumain." napanganga ako sa sinagot ni Aren, natawa naman ang team pero mas napanganga ata ako sa sinabi ni Ivan.
"I see, can I join you? Di pa din kasi ako kumakain eh."
"p.... pe.... ro.... bro.. ouch" di na natapos ni Mark ang sasabihin dahil simpleng siniko sya nito.
"sure, wala ka bang lakad? tara na." tumango lang si Ivan at nauna ng maglakad.
"bye Eli! Bye kuya Christian!" sabay sabay na sabi naman ng team na puro mga nakangisi.
Problema ng mga yun?
Sasakyan si Aren ang ginamit namin, andito kaming tatlo dahil tinatamad daw na magdrive yung isa. Busy silang naguusap tungkol sa business ako naman ay tahimik lang na nakikinig.
BINABASA MO ANG
Fate - COMPLETED
FanfictionKahit sino o ano pa ang humadlang kung kayo ang para sa isa't isa universe na mismo ang gagawa ng para magtagpo kayong dalawa.