19

1.7K 120 30
                                    

Elizabeth...

Nagising ako na maganda na ang pakiramdam, magiinat sana ako pero di ko maigalaw ang isa kong kamay. Pagtingin ko ay nakita ko si Ivan na natutog sa baba ng kama ko habang hawak ang aking kamay. Natouch naman ako sa ginawa nya. Dahan dahan kong tinapik tapik ang balikat nya para magising

"Ivan... Ivan... Ivan..." unti unti naman syang nagmulat at ngumiti sa akin.

"good morning El. How are you feeling?" sabi nya habang nagiinat nakita ko ang pagkunot ng noo nya saka hinawakan ang leeg bahagya pa syang napadaing.

"morning, bakit dyan ka natulog?" nagaalalang tanong ko sakanya mukhang nagkastiff neck pa ata.

"para sure na magigising ako in case na magkaron ka ulit ng nightmare." he answered smiling.

"thank you Ivan, at sorry nagkastiff neck ka tuloy dahil sakin." Pinakatitigan nya muna ako bago ngumiti saka hinalikan nanaman ako sa noo.

"no biggie El, anything for you."

"huyy! Nanghahalik ka nanaman!" sabi ko sakanya habang tinuturo ko pa sya tinawanan lang naman nya ko.

"pagluluto lang kita ng breakfast, stay in bed." sabi nya at lumabas na ng kwarto. Naiwan naman akong nakatulala at hawak hawak ang aking dibdib dahil mukhang may nagkakarerahan nanaman dito.

Bakit kasi nanghahalik at ang lambing nya. Tsss nasan kaya si Angel? Baka hinahanap na sya nun.

"hayyyy." humiga nalang ulit ako tulad ng sabi nya kahit kasi okay na ang pakiramdam ko parang tamad pa ako bumangon.

Mayamaya lang ay bumalik na sya sa kwarto dala ang isang tray ng pagkain na nilagay nya sa may study table ko saka ako inalalayang bumangon.

"okay na ko Ivan, baka hinahanap kana sainyo."sabi ko sakanya pero sa totoo lang ay natutuwa naman ako sa ginagawa nya. Sino naman kasi ang hindi?

"naaah, i already informed mommy where I am and sabi ko na din na maya maya pa ako makakauwi." balewalang sagot nya habang inaayos ang pagkain sa harap ko. "open your mouth El, i'll feed you." napasimangot naman ako dahil ginagawa nya ata akong baby.

"baliw, para naman akong baby nyan. Kaya ko naman na kumain magisa. Ako na para makakain kana din." sabi ko saka kinuha ang kutsara sakanya at kumain na.

"why El? Don't you want to be my baby?" titig na titig pa saking biglang tanong nya saka kumindat. Muntik pa tuloy akong mabulunan.

"uhuh! uhuh! uhuh! Ivannnnn!" tatawa tawa naman nyang inabot sakin ang tubig. Nakakaloka ang banat ng isang to.

"puro ka kalokohan Ivan! Kumain kana lang para makauwi kana at baka hinahanap kana ni Angel." napasimangot naman sya sa sinabi ko saka binaba ang hawak na kutsara.

"Angel ka ng Angel! I don't have to inform her where I am El, okay let me clarify things with you. Listen very carefully." seryosong sabi nya, nakakatakot talaga sya pag nagseseryoso kaya napatango nalang ako

"Angel, she's my childhood crush we've been friends since elementary days and i admit na i really liked her. We used to be tagged as magkaMU coz we used to be inseparable until she left 2years ago ng walang paalam. I waited El, I waited kahit di naman sigurado na babalik pa ba sya dahil wala naman kaming communication sa loob ng two years na yun. But things changed, my feelings changed when I met someone, kung pano nangyari ng ganun kabilis di ko din alam. I was unsure at first but everything became clear to me when I saw her yesterday yes I was happy that she's back but only because she's a friend. Di ko na maramdaman yung pagkamiss ko para sakanya noon, maybe because sa tagal na din nyang nawala."mahaba nyang explanation di ko naman malaman kung pano magrereact kaya nakatitig lang ako sakanya.

"or not, maybe because natabunan na yun ng bagong feelings ko para sa iba. El! When I saw you yesterday, natakot ako for the first time in my life natakot ako sa iisipin ng ibang tao. Natakot ako sa kung ano yung iisipin mo dahil nakita mong nakasandal sya sakin at magkahawak kamay pa kami, but I swear hinayaan ko lang syang gawin yun dahil nakasanayan na nyang ginagawa yun and ayoko naman na sumama ang loob nya kung pipigilan ko sya." madamdamin masyado ang mga binibitawan nyang salita at sa tono nya mararamdaman mo talaga kung ano yung nararamdaman nya pero nakatitig padin ako sakanya at walang reaksyon, di ko kasi talaga alam ang sasabihin. Napipikon na ata sya sa kawalan ko ng imik kaya napabuntong hininga na sya.

"please say something El, magsalita ka naman."

"bakit mo sinasabi to sakin Ivan? Di mo naman kailangang magexplain sakin." seryosong sabi ko sakanya ng sa wakas ay medyo naabsorb ko na ang mga sinasabi nya dahil sa totoo lang nagwawala na ang puso ko ngayon, nagtatalo na din ito at ang utak ko sa kung saan ba papunta itong mga binibitawan nyang mga salita. Saglit naman syang natigilan at bumuntong hininga nanaman bago nagsalita ulit.

"because I want to explain my self, kasi ayoko ng isipin mo na hinihintay ko padin sya. Hindi na, matagal na, huminto nako simula nung makilala kita. Lately ko lang narealize that's why i'm explaining dahil I want to clarify my intentions with you." parang sasabog na ang dibdib ko sa paghihintay sa kung ano pa ang kasunod nun. Feeling ko ay anytime lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito.

"i like you El! I don't know when it started, maybe nung nakita kitang kasama si kuya, or nung narinig kitang kumanta, or nung sinimulan mokong tulungan sa project ko, or maybe nung unang beses palang kitang nakabunggo. I don't know, but I know and I'm sure, I like you El! I like you bigtime Mary Elizabeth." doon na biglang huminto ata ang ikot ng mundo at tanging sya nalang ang nakikita ko at ang walang pakundangang pagtibok ng puso ko nalang ang tanging naririnig ko.

Gusto nya ko, gusto daw nya ko!

-

Okay? Sabay sabay tayo! Waaaaaahhhhhhhhhhh! Waaahhh!
💓💓💓

Salamat sa paghihintay ng update mga be! 😘

Love. Love. Love.

<3

Fate - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon