4

64 2 0
                                    

"Hi Mommy" Sigaw ko kay mommymavy magandang babae yan at sobrang kinis may apat na siyang anak. pero san ka ang seksi parin niyan. at tinuturin na nila akong kapamilya. Haha ang kapal kasi ng mukha ko e.

"Nak Zia buti naman nakarating ka??" pansin niya sakin.

"Daddy, kunin mo mga dala ni Zia." Utos niya sa asawa niya. Daddy at Mommy ang tawagan nila kaya naki Daddy at Mommy narin ako. hahaha

"Asan na si Josh mamy? e sila Micheal at yun iba anong oras pupunta??" Tanong ko nun mapansin ko na wala pang tao. 6P.m na kasi baka mag sisipag Out palang yun sa Resto. Dito kame palage nagiinum sa bahay nila. My videoke narin dito. haha kaya kahit magwala kame walang pipigil one to sawa. hahaha

"Papunta palang sila. Sabay sabay na daw sila e. Alam mo naman yun si Josh naligo pa."

"Ate Zia!!!"

Sigaw ng mga anak ni Mommymavy in other term mga kapatid ko na rin.. hehehe at yumakap sila sakin isa isa. ang ssweet ng mga batang yan. ang babait pa.

"Hi myk, hi liah, hi mey, hi dhan" sila si myk, liah, mey at dhan mga anak nila mommymavy at daddydon. namiss ko tong mga to.

"my pasalubong ako sainyo nandun sa dala ko.. hehe namis ko kayo" paglalambing ko saknila.

"Namiss ka rin po namin ate!"

"hi guys."Sigaw ng bagong dating na si Jenn at siya ang pinakamaingay ang tining ng boses at ang lakas. minsaan sarap ng bigwasan e.. Hahaha

"Ziaaaaaaaaa!"

"Letche ate Lynn ang lakas ng boses mo. ang ingay mo. asan ang birthday boy??"

"Namiss kita. Busy kana sa bago mong trabaho kaya kinalimutan mona kame.Nanjan si Josh kasabay si Aika, joey at karen"

Tumango nalang ako at yumakap sakanila.  mauubusan ako ng pero pero hindi ng mga kaibigan.

"Kompleto na inuman na.. Haha" sabe ni Joey ng dumating na siya.

"Inuman agad wala bang kainan at kantahan jan??naguguton nako e." Angal ko sakanya.

"Kahit kelan ka talaga Zia ang takaw mo." Sabe ng Birthday boy na si Josh.

"Happu Birthday Josh. namiss kita. pakiss nga." Yakap ko sakanya sabay nguso. hahaha maarte yan sywmpre hindi papayag.

"F*ck you Zia. haha" Pabiro niya sakin.

"Ang hard mo Josh ka. kunwari kapa e Crush na crush mo ko.. hahahah"

"Ewan sayo Zia. tara na kumain! Gutom na nga yan si Zia kung ano ano na sinasabe e."

Haha kitams. umiiwas ibig sabihin totoo. well tropa lang kame walang kataluhan. nagumpisa na kame kumain at kantahan ng Happy Birthday si Josh at Umpisahan na ng inuman.Masaya sobrang saya. Asran kame ng Asran at kwentuhan ng kwentuhan. Sa dame ng mga pinagkkwentuhan namin hindi na namin namalayan ang oras 1A.m na agad naubos narin namin yun alak na binili ko..

Nagpabili pa ulit si Josh ng alak hanggan sa un iba bagsak na at pinatulog na namin. als dos na sabe ko uuwi nako ayaw pa nila ako pauwiin kasi delikado na daw. Kaya ko pa naman. Panlaban kaya ako sa mga inumin.. hahaha

"Josh jan na kayo matulog kina Mamy. Uuwi nako." Sabe ko kay Josh na medyo may tama narin.

"Hatid kita Zia"

"Hindi na. Mas lasing kapa nga sakin e.. Haha"

"Hindi ah. kaya ko pa" Pangungulit niya.

"Mommymavy, Uwi nako."Paalam ko kay mommy.

"Dito kana matulog. Dating gawi nak."

"Hindi na po. my pasok kasi ako bukas e. Baka pagalitan ako ni Arjen Maarte kliyente namin e." Paganggal ko skanya. Dati kasi dito na kame diresto tulog tapos pasok pag gising..

"Ay ganun ba?? Sige hatid ka na namin sa sakayan ng daddy mo."

"Guys Uwi nako. sa susunod nalang ulit." Paalam ko saknila kahit na mga banggag na at wala ng mga pakelam sa mundo..

"Mommy, jep nalang ako walang taxi e.kaya ko na po." Magpapaalam na sana ako ng biglang may tumatawag sakin.

RING.RING.RING

KUYASep Calling...

"hello kuya francio. bakit gising kapng bata ka??"

"Hoy Francia asan kana kanina pako tx ng tx at tawag ng tawag sayo hindi mo sinasagot ha." Yan nanaman galit nanaman tong batang to.

"hoy ate mo ko no.. pauwi nako nandito nko sa jep. matylog kana."

"Susunduin kita.asan lugar kana??"

Makapag sabe ng sundo akala mo naman may sasakyan.. hahaha

"Wag na. kaya ko na no! Hindi naman ako mararape e.bye na" Sabay end call.

"ang kuya mu yun?? Lagot ka nak. hahaha Over Protective talaga yun kapatid mo na yun no.. " Sabe ni mommyMavy sa likod ko.

" Oo nga po e. ewan ba dun. Daig pa sila Mama at Papa kung makapagbantay sakin e."

"Ayaw lang niya na masaktang ka uli.."

"Sige na mommy sakay nako. Bye!" Paalam ko ng makasay nako sa jep.

"Magtxt ka samin pag nakauwi kana."

Hay inaantok nako. pagod pako kung san san kame pumunta kanina ni Arjen. Bukas sa mga Flowers naman. Gusto ko na mahiga talaga.. Buti nalang kagit anong antok ko hindi ako natutulog sa byahe. mahirap na baka my holdaper o rapist.Sayang ang beauty. hahaha.

Hay sa wakas malapit narin makauwi. Pababa nako ng jep at Patawid para makapasok sa Village namin. maglalakad nanaman ako nito. walang ng tricycle e.

Buti nalang nakaheadset ako.

BEEP.BEEP.BEEP

Ay lintik naman napaka kas kasarero nman nito.

"Ate." Sigaw sakin ni Sep na makita niya na bumagsak ako. Buti nalang talaga hindi ako nasagasaan.

"Aray ko naman!"

"Hey watch you're step. This is not yours. So please  tumabi ka hindi yun nakagitna ka." Tinulungan ako makatayo ng kapatid ko. hayop tong lalake na to.makapag salita e nasa gilid naman ako. gusto ata nito masapak e.

"HOY WAG MONG SINISIGAWAN ATE KO. NAGILID NA SIYA. BALAK MO BANG SAGASAAN ANG ATE KO HA?LUMABAS KA DIYAN." Mas galit pa sakin. nak ng teteng naman oh.. Lumabas yun lalakeng muntikan na makaangga sakin at napanganga nalang ako sa gulat dahil anak yun ni 5M. Yun Bastos na lalake kanina..

"What are you saying kid??" Ang yabang. Pogi pa naman.

"Imbis na magsorry ka ang yabang mo pa ha. Ate ko na nga a-----" Hindi na niya natapos kasi pinutol kona agad. Boss to mahirap na baka mawala pa yun Client namin..

"Sorry Sir. Hindi ako tumitingin sa dinadaan ko." Hingin pasensya ko. pero hindi galing sa puso yun.

"Ate anong sorry?? E---" Pinutol ko nanaman si Sep.

"Okay lang Sep. Tara na Uwi na tayo.. lets goo. Sorry talaga Sir." Sabay hila kay Sep. Naguguluhan siya alam niya kasi na hindi ako ngpapatalo e.Umalis na un Poging Mayabang at ang bilis ng paandar. Sana mabunggo ka.

"Ate ano ba un sinasabe mo?? Muntik kana niya mabungo!!" GAlit niyang sabe.

"Yaan muna. hindi naman ako nabunggo e. Tsaka anak yun ng Kliyente namin.Baka bawiin at maghanap ng ibang Planner. Yaan muna. Tara na uwi na tayo. Pagod nako e."

"Hay ewan ko sayo. Sabe kasing wag kana magpagabi e.Tsaka sasama ako sayo e." maktol niya.. Haha parang bata talaga

"Psh. Tara na nga." hila ko sknya. Inaalalayan pa niya ako kasi medyo maskit yun braso ko.

Pagkauwi namin naghilamos at humiga nako sa kama. Alas tres na ng madaling araw ilan oras nalang ang tulog ko. hay nako. Si Sep puyat din un.  Makatulog na nga.. On ko muna ang music ko.. Hehe Hindi kasi ako nakakatulog pag walang music e.

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon