19

31 0 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon kasi pupunta ako sa Flower shop ni Tita Carmen para ibigay ang mga orders ko para sa Wedding..

"Gising kana pala. Kumain kana dito"

Sabi ni Mama pagbaba ko..

Umupo nako at ngumpisang kumain..

"May manliligaw kana pala hindi ka ngkkwento ha."

"Ma, hindi ko yun manliligaw. Nagjojoke lang yun si Tony. Kaibigan ko lang yun"

"Sus. Ok lang yun anak. Matanda kana kaya dapat magboyfriend kana ulit." Sabay kindat.

"Para ano?Para lokohin nanaman siya Ma?"

Biglang singit ng kapatid ko. Nasa likod ko pala siya.

"Ano kaba. Kasama yun kapag nagmamahal. Ano gusto mo tumandang dalaga ate mo?" Depensa naman ni Mama.

"Tama ang Mama mo Sep. Hayaan mong mainlab ulit ang ate mo. Tsaka 21 na ate mo." Nandito narin si Papa at kakain narin.

"Hindi ko naman sinabeng hindi siya magboyfriend e. Ang sakin lang ayaw ko na siyang makitang masaktan at worst umiiyak dahil sa lalake. Ang gusto ko yun hindi na siya sasaktan, yun lalakeng magmamahal sakanya pagtanda." Mahabang sabi ni Sep. Nagkatinginan naman kameng tatlo. Haha napasweet talaga ng kapatid ko.

"Sus.. Ang sweet namam talaga ng bunso namin.. Wag ka mgalala hindi ko manliligaw si Tony. Kaibigan ko lang yun!" niyakap ko nalang si Sep dahil natouch ako sa sinabe niya. Napaka over protective niya talaga pagdating sakin. Ang swerte ng mamahalin nitong kapatid ko.

"Alis nga ate. Ang aga aga makayakap ka."

Sabay tanggal ng kamay ko sa leeg niya.

"Ang arte ha. Ikaw nga ang aga aga ang sweet sweet eh. Kaya swerte talaga yan magugustuhan mo eh." Sabay tusok sa gilid niya. Hahaha

"pshh.. Matagal pa yun no! Wala pa akong nagugustuhan."

"Fine. Sabe mo eh.. Date tayo mamaya??Libre ko!" PAgyaya ko sakanya. Hindi na kasi kame nakakapagbonding eh..

"Eh pano naman kame ha?" Singit ni Papa..

"Oo nga. ang daya niyo. Dalawa lang kayong magkapatid." Sabe naman ni mama.

"Fine.. Hahaha sa labas tayo magdidinner mamaya. Treat ko na! Tapos nuod tayo movie like what we did nun mga bata pa kame.." Masayang sabe ko habang sinusubo ang almusal ko.

"Wow. maganda yan! Wag na kaya tayong pumasok at magbonding nalang tayong apat! hahaha"

"Tinamad ka nanaman pumasok diyan.. Maghahanap buhay muna kame para sayo bunso." Sagot ko sakanya. Biglang nawala ang ngiti niya. Hahaha Excited nanaman.

Tumayo nako at humalik sakanila isa isa.

"Aalis nako. Tx nalang later. see you."

Ngpaalam nako sakanila at lumabas na..

"Hi Beautiful." Biglang may humarang sakin pagkalabas ko ng gate.. Hay si Tony lang pala.

"Buti alam mong maganda ako.Haha"

"Haha. Naniwala ka nanaman. Joke"

Kita mo to sinabihan na nga akong maganda eh binawi pa..

"tseee. Bakit nandito ka? Ang aga aga pa ah."

"Sinusundo ko ang nililigawan ko. Ihahatid ko kasi sa trabaho niya e."

"Epal ka talaga no??Ano bang trip yan ha??Hindi kasi bagay eh"Natatawang sabe ko sakanya. Napakaepal talaga nito..

"Totoo naman kasi Zia. Hindi ako nanttrip. Seryoso ako. Hindi paba halata sa mga kilos ko na gusto kita? gusto kita hindi bilang isang kaibigan. I want you because i like you, i want you because i love you!" Seryoso at derederetso niyang sabe.

Hindi ako nakaimik dun sa sinabe niya. Wala naman kasi akong nakikita na espesyal sa mga ginagawa niya or kinikilos niya.

"Akala ko ba magkaibigan lang tayo?"Seryoso ko rin sabe sakanya. Hindi ko alam king anong magiging reaksyon ko sakanya. Nabigla ako sa mga sinasabe niya

"Yea. Nakipagkaibigan ako sayo para makilala kitang mabuti. Gusto kong ligawan kita. I'm serious.. Handa akong magpaalam sa mga parents mo."

Ano ba ang isasagot ko? Hindi talaga ako handa.

"Wag na muna natin tong pag-usap. Masyado akong nabibigla." Saad ko sakanya sabay talikod.

Naglakad nako palabas ng Village namin. Hindi nako sasabay sakanya kasi feeling ko magiging awkward lang. Hindi naman niya ako sinundan na.

Gusto kong mag-isip. Handa naba akong masaktan ulit? Magtwo two years nakong single. Pero masaya naman ako eh.

Nang makasakay nako sa taxi hindi ko muna inisip yun mga sinabe ni Tony..

Magtatrabaho muna ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon