5

52 0 0
                                    

"Hooooooy FRANCIA MARIE LEE YUCHING BUMANGON KANA DIYAN"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng may sumigaw sa tenga ko.. Nag ng pagong naman ang sara pa ng tulog ko e. Buraot ba!

"Ano ba natutulog pa yun tao e." Higa ko sabay takip ng kumot at unan.

At etong magaling kong Boss/Kaibigan e hinila ang kumot at hinampas ako ng unan.

"PAG HINDI KA BUMANGON DIYAN HIND KITA PAPASAHURAN. ISAAAAA"

"Ang aga aga. Ano ba kasi ginagawa mo dito??"Anggal ko sakanya. nakakainis naman e. Natutulog pako e.

"ANONG MAAGA 8 A.M NA KAYA. MAY PUPUNTAHAN TAYO SA FLOWER SHOP."

"SINUSUNDO KITA KASI ALAM KO NAMAN HINDI KAPA BABANGON. HOY BABAE SAN KA NAKAKITA NG AMO NA SINUSUNDO ANG EMPLEYADO NIYA??" Dugtong pa niya.

"Fine. Tatayo na. Maliligo lang ako!"

Sabay tayo ko at kuha ng twalya at makababa na sa C.r. Kainis nan inaanatok pako e..

"Hoy babaeng lasenggera"

"Ay Batang bastos. Ano ba lage mo nalang ako ginugulat ha  nakakainis kana! Tsaka ate mo ko."

Isa pa tong lalake na to na manbwibwiset sakin e.

"Ano hangover??Hahaha nagluto ako ng noddles diyan. kainin mo na para mabawasan ang hangover mo. Gusto mo pa sinusundo ka ng amo mo e.haha"

"Shaaatttap Bata. maliligo nako" ANg lakas talaga nito mangasar. Pasalamat siya wala pako sa wisyo makipag asaran Pikon naman siya .

"Ate ako nauna sayo gumising, ako muna maliligo. kain kana muna jan"

"Tigilan mo ko. Tabi nga kasi ako unang maliligo. Nanggagalaiti na yun amo ko." Hinarangan ba naman ang pinto ng C.r

"Pag hindi mo ko pinapasok diyan sasapakin kita. Alis nga ano ba kasi." Naiinis nako talaga dito sa Batang to.

"Ako nga kasi mauuna. Malalate nako sa School e. Pinuyat mo kaya ako."

"Dun kana maligo sa likod sa dirty kitchen". Pahabol pa niya.

"Sige. Ako maliligo sa Likod basta wala kang Allowance sakin ha?" Banta ko saknya sabay punta sa likod..

"Eto naman ate kong maganda hindi na mabiro. pasok kana sa C.r Magshower kana dun. muaaaaaaa"

Hahaha. edi ako ang panalo. May halik pang kasama.

Makapag muni muni nga muna. Hehehe

Minsan naiisip ko bakit niya kaya ako iniwan. 2years na ang nakalipas pero hindi parin ako nakakamove on sakanya. Binigay ko naman lahat ng gusto niya. Nasa akin ba talaga ang problema??

Flashback....

"Zia, Tama na. tigil na natin to. Mas lalo ka lang masasaktan pag pinilit pa natin to. Hindi na magwowork ang relasyon natin.Hayaan muna ko. Masaya nako kay Maricar."

Iyak ako ng iyak habang nakaluhod saknya at nagmamakaawa para lang hindi niya ako iwan. NAhihirapan ako huminga. Ang sakit sa dibdib hindi ko kaya na mawala siya.

"Bakit?? Ano bang ginawa ko?? Bingay ko naman lahat ha. Pati pagkababae ko binigay ko sayo. Lahat lahat. 4Years Patrick 4years. bakit ganto?? Tell me?? Nagmamakaawa ako sayo. Please Don't leave me. I Loveyou."

Iyak lang ako ng iyak. Pilit niya akong tinatayo sa pagkakaluhod ko saknya. Pero ayoko. Hindi ako tatayo hanggat hindi niya ako binabalikan.

"Zi tama na. wag muna pahirapan ang sarili mo. Sorry Zia. Sorry."

"Mahal mo ba siya????"

Tanong saknya ng nakatingin sa mata. Pero siya ngiiwas lang ng tingin..

"Masaya nako saknya. Tama na. Umuwi kana!" Sagot niya sakin ng hindi nakatingin..

"Tumingin ka sa mata ko. Mahal mo ba yan Babae mo?? tell me Patrick. Nagmamakaawa ako sayo. Alam ko hindi niya mahal yun babae.  Alam ko ako parin. 

"Zi, Please. stop it. umuwi kana. Ayoko na sayo. Tama na to."

"FRANCIAAAAAAAA. ANO BA SAMPUNG ORAS KANA DIYAN SA LOOB NG C.R WALA KABANG BALAK LUMABAS."

Bumalik ako sa tamang pagiisip ng magulat ako sa lakas ng katok at sigaw ni Arjen. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.. Bakit ganun?? Bakit hanggan ngayon sobrang sakit parin ang ginawa niya.

Nagbanlaw nako at lumabas. Nawala yun hangover ko dun ah.

"Hehehe. Peace jen. Bihis lang ako."

Bagpeace sign pako saknya.

"Heeep. Bat namumula yan mata mo?? Umiyak ka nanaman no??HAy nako Zia Move on na."

Patay nahalata na.

"H-Hindi ah. Nakatulog kasi ako sa loob e. Ang aga mo kasi manggising. ha-ha-ha." Maniwala ka please. kahit basa ako Feeling ko pinagpapawisan ako ng malamig. huhuhu

"Hoy babae kilala na kita no. HighSchool palang magkaibigan na tayo.."

"Masakit talaga. Pero hayaan mo nalang kusang maghilom ang sakit at sugat. hayaan mong magpeklat kasi balang araw yan peklat na yan, Yan ang magiging dahilan mo para maging matatag ka at matuto sa buhay" Thank you Lord talaga binigyan mo ko ng gantong kaibigan..

"Sige na magbihis kana. Makita kapa ng kapatid mo na ganyan ang mata lalong yari ka." Hindi nako sumagot saknya at umakyat nako sa kwarto.. Hay hanggan kelan ko ba dadahin yun sakit na iniwan sakin ni Patrick. Akala ko ok na ko.

Tok.Tok.Tok

"Ate halika na. Alis na tayo "

Sigaw ni Sep sa labas ng pinto. Makikisabay nanaman samin para makatipid.

"Eto na palabas na." Sagot ko saknya at labas. WAla nakong ganang kumain e.

@Car

"Makikisabay ka nanaman samin ni Arjen." Sabe ko sa kapatid ko.

"Para tipid. Tsaka bakit ba ikaw ang nagrereklamo?? Yun may ari nga ng sasakyan hindi ngrereklamo e. Diba Ate Arjen??"

Psh. Napaka talaga.

Ngumiti nalang su Arjen bilang sagot.

"Mana kasi ako sa ate. Kuripot. Hahaha.Bye. Thank you ate ARjen." Sabe ng batang yun. Hay nako talaga. Kumiss na siya sakin sabay baba ng sasakyan.

"Tignan mo talaga yun batang yun. Pag sa School palageng naka poker face. Tapos pag nasa bahay nyo ang lakas mang asar. Bipolar ata yan kapatid mo e." Sabi ni Arjen habang nakatingin kame kay Sep.

"OO nga e. Ewan ko ba diyan sa lalakeng yan bat ganyan.. May mga kaibigan naman siya jan sa University niya. Pero hindi siya katulad ng pag nasa bahay. Masayahin at Over protective na Kapatid."

Sagot ko nalang sakanya. Totoo naman kasi e. Sa ibang tao napaka sungit niyan. Buti nga kay Jen bumait na siya. Dati snob si Jen jan kay Sep e..

"Sa Flower Shop muna tayo. Kuha tayo ng mag exsample ng ipapakita kay Hipon at 5M. Bago tayo pumunta sa Reception sa Hotel. "

Hay mukang nakakapagod na araw nanaman to..

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon