Chapter One

831 16 0
                                    

"Hoy Kape! Gumising ka na! Kasal ngayon ni Freya. Friend, umayos ka na baka mahuli tayo!" agang sermon sa kanya ni Skye; her drummer, medyo rebel pero napakagaling na artist friend. May-ari ito ng isang studio na ipinundar nito mismo.

They have been friends since college. Nakilala niya ito sa isang event na dinaluhan niya kasama yung mga classmates niya and sila lang yung nasa labas at di nag-eenjoy. She approached her first at nagulat siya na nag-click agad sila, napasarap sa kwentuhan at kalaunan naging mag-bff along with Freya at Jessica. Her other best friends.

"Ba't kasi pinili ni Freya ang sunrise wedding? Naman! Tulog pa mga tao kinakasal na siya." Bagot niyang tugon dahil alas tres palang ng umaga.

"Girl, alam mo namang may pagka-enchanted yang kaibigan mo at maganda raw na simbolo sa pagsasama ang pagsikat ng araw. Isang araw lang naman ang kasal kaya gowra na tayo!" Excited pa nitong tugon.

"Fine." Inaantok na sabi niya at dumiretso na sa kusina para sa morning habit niya--ang magkape. Napagtanto ata ng mommy niya na mahihilig siya sa kape kaya pinangalanan siya nito sa "Coffee"; buti nga english at hindi kape na kape. Kundi, nakuuu.

Anyway, naisip niya yung sunrise beach wedding ni Freya. Napaka uncommon at challenging in her part yet at the same time romantic. Kailan kaya siya ikakasal? Yung tamang tanong eh, kanino siya ikakasal?

Wala siyang love life. Yung first love niya na ka M.U niya nung college at inasahang magiging asawa in the future eh nagkapamilya na at hindi man lang siya pinanindigan. Nalungkot siya sa isiping yun and somehow it still breaks her heart whenever she think about him, si Ben.

Ito yung pinaka-unang lalaki na nagpatibok sa mailap niyang puso, well aside from Mark. Her ideal guy. Salawahan siguro siya pero seriously, she have fallen in love with him with his sweet words, thoughtfulness and care. Pero ayun nga at hindi naman pinush na i-pursige siya at makuha yung "Oo" niya kaya wala ring nangyari.

Hindi naman din niya pwedeng pikutin si Mark kahit naisip na niya yun dahil may pagka-oldie siya. She's a firm believer of God at saka ang pangit tingnan kung siya yung mauna.

Maganda naman siya, may trabaho as a Civil Engineer sa isa sa pinaka-malaking construction firm sa bansa ang Primo Del Verbo Constructions. Mabait rin naman, pero bakit wala pa rin siyang boyfriend? May problema kaya ako?

Hays pero heto, kahit loveless, hintay hintay pa din. Sa tamang panahon ika nga.

"Aray! Skye naman!" biglang pingot sa kanya ng kaibigan.

"Oh please! Stop your daydreaming already and keep going! We have to be there early before the time at mga abay tayo noh!"

"Oo na ito na, maliligo na po", natatawa nalang niyang sabi at dumiretso na sa banyo para maligo.

~~~

At 5:30 A.M nasaksihan nila yung sunrise wedding ni Freya. It was definitely a sight to behold. Enchanting and romantic, kahit sino ma-iinlove sa ganung setup.

At ang ganda ganda ni Freya sa suot nitong simpleng white sleeveless dress paired with a gladiator sandals and a flower crown on her head making her look like a fairy and so carefree.

She's so happy that her hopeless romantic friend is already getting married kahit na nga napakabilis at nakakabigla dahil whirlwind romance yung nangyari sa kanila ni James.

They both met each other nung minsang magbakasyon si Freya sa Naval, Biliran kung saan owner ng isa sa pinaka-sikat at dinadayong resort si James, ang "The Happy Soul Beach Resort". May pagka-reckless at impulsive kasi din itong si Freya. Bagay nga sa pangalan nitong Freya, parang freedom.

She looked at the new married couple staring at each other lovingly habang nagsasayaw. In love nga ang mga loko.

Nagsisintir na siya at nababagot na rin sa love life dahil wala pang nangyayari. Siya na siguro ang huli sa kanilang magkakaibigan.

Freya just got married today. Susunod naman na si Jessica with her long time boyfriend na si Albert. And probably sumunod na rin itong si Skye dahil may Gabriel ito, although in denial nga lang ang loka kahit halata namang in love sa isa't-isa kahit pa mga aso't pusa ang asta ng mga ito.

Ininom ni Coffee ang natitirang wine sa kanyang kopita ng biglang may bumundol sa kanyang likuran.

"What the..!"

♡♡♡

This is my first written romance novel and I'm a self-confessed coffee addict, kaya naisip kung kape ang unang heroine.hehe and also a KDrama fan.

Moreover, all characters are fictional and the names of the resort and alike are all made up except for the mentioned specific places here in the Philippines.

Hope you're enjoying! 😊

🎧 Eroplanong Papel -
December Avenue

Her Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon