Chapter Four

339 12 0
                                    

Pumasok siya sa office ni Reus at pina-upo naman agad siya ng lalaki sa harapan nito. Napansin niyang may pagkain sa coffee table nito.

"So you are Coffee Jane Sarmiento. I'm quite surprised you work here, much more you are an Engineer. No wonder you act so tough huh?" Diretso nitong sabi.

"Look sir, I'm really sorry I slapped you the last time we met. I admit it was entirely my fault that I acted that way. I never knew your name and haven't in my dreams knew you will be our new President. I know my reasons are not acceptable but I was just really not in myself that time." sagot niya sa pasaring nito.

"Isn't it two months late for apologies?" He responds. "Anyway, let's eat first and drop the formalities will you? Nasampal mo naman na ako." Sabay tawa nito at inabutan siya ng pagkain.

"Don't give me that look. I am not yet forgiving you but I have to let you eat first at baka kasi masampal mo uli ako dahil sa gutom" he said grinning.

Sabay namang kumalam yung kanyang sikmura dahil sa gutom. Ilang oras din silang nagmeeting kanina. Tinanggap niya yung pagkain at kumain ng walang imik.

He then asked her about the on-going construction; and surprisingly they've discussed about work for an hour or so without bickering.

"Ihahatid na kita pauwi and no buts." May awtoridad nitong saad.

"No need sir. Sanay naman nako sa gabing pag-uwi". Tanggi niya.

"I said drop the formalities Coffee, and I insist okay? Let's just say this is part of your payment for slapping me. And by the way, just call me Reus." At giniya na siya sa pintuan ng opisina nito.

"Ano kaya binabalak ng lalaking ito?" sambit ni Coffee sa sarili.

~~~

Inihatid siya nito sa apartment niya sa Makati. Bababa na sana siya sa kotse nito ng pinigilan siya.

"Give me your phone number." Saad nito.

Grabe sa pagka-straightforward ang lalaking to pero binigay naman din niya agad thinking it was all related to work.

"Thanks and good night Coffee." He winked and smiled sweetly at her saka umalis.

Pumasok siya sa bahay at napaupo. Parang naghina siya sa mga nangyari. Ang pagkikita uli nila ng lalaking nasampal niya na si Reus Primo Del Verbo pala, na ngayon ay Presidente ng kompanyang kanyang pinapasukan. Ang nakapagtatakang pagtrato nito sa kanya na parang walang nagyari at may pahatid-hatid pa ang kumag.

"Hays Coffee, gaganti ata siya sa'yo." Kausap niya sa sarili. "Geez. Ayoko ng isipin yun. Bukas na nga lang."

~~~

Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi ni Reus dahil sa di inaasahang pagkikita nila ni Coffee. He has been eager to find her kaso na-busy lang siya sa trabaho but now that she's within reach, there's no way he'll let her go again this time.

Aminin man niya o hindi, tinamaan siya sa babae. Di niya ito makalimutan. That slap shook his world.

~~~

Kinabukasan, dumiretso agad si Coffee sa QC para i-monitor yung progress ng konstruksyon. Nakatanggap siya ng tawag galing sa isa sa mga bagong Field Engineer na may ginagawang kalokohan ang Materials Engineer na assigned, pinapalitan yung ibang materyales to substandard at yun ang pinaka-ayaw niya.

Sa konstruksyon, napaka-importante ang kalidad nga mga materyales na gagamitin dahil nakasalalay din dito ang kapakanan at kaligtasan ng nakararami.

She went to the bunk house immediately and then asked for the masterlist of materials sa isang staff roon na si Merly. She scrutinized everything from the very beginning of construction until today.

Buti nalang isang buwan palang ang nakaraan. Pinatawag niya si Engr. Vasquez, yung Materials Engineer at pinasama niya ito sa pagcheck ng mga materyales.

She recieved a text as to where he was hiding the substandard at napag-alaman niyang may anomalyang nga na nangyayari.

"Ano ang ibig sabihin nito Engr. Vasquez?" galit niyang tanong.

Nagtangka pa itong magkaila pero pinakita niya ang mga dokumento at ang pisikal na mga materyales ay hindi nagtutugma.

"You had you're chance and you blew it. Now you're fired." Mariin niyang sabi.

"Ma'am, patawad po. Meron lang ako matinding pangangailangan kaya nagawa ko ito. Give me another chance ma'am." Nagmamakaawa nitong saad.

"Hindi rason ang pangangailangan para gumawa ng kabulastugan."

Nagpagdesisyunan na niyang tanggalin ito at hindi na yun magbabago pa. Nagpatawag din agad siya ng meeting sa lahat ng staff na naroon.

"Everyone, Primo Construction will never tolerate this behavior. So I am warning you, do your job and do it well. Isipin niyo na ang paggawa ng isang gusali ay isang paggawa ng tahanan. Kung hindi mo pagbubutihin, kung hindi mo bibigyan nga kahalagahan, unti-unti itong mabubuwag at masisira. Hindi lamang ikaw ang maapektuhan kundi pati na rin ang mga kasama mo at ang pamilya mo.

The chance I am giving to Engr. Vasquez ay ang hindi namin pag-report sa kanya para matanggalan ng lisensya o ang ma-blacklist siya dahil naawa ako sa pamilya niya. But he is forbidden to take part to any other projects of Primo and its partners. This is a warning to everyone; be good and you'll be rewarded. That goes to doing bad as well."

Nagtanguan naman lahat ng staff at isa-isa ng nagsibalik sa trabaho.
She then instructed the Field Engineers to reconstruct the portions kung saan ginamitan ng substandard materials. Buti na nga lang at i-ilang sections lang.

~~~

Ang astig ni Coffee! 😀

Her Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon