Chapter Six

330 10 0
                                    

"What did you just say?"

"You heard me Coffee."

"Why? I mean, di kita ma-gets so please enlighten me."

"Coffee ang talino mong tao pero ang slow mo din minsan no?"

"At nakuha mo pang magpatawa. Ano nga?" Kinakabahan siya sa biglaang rebelasyon niyo.

"I said, it's you I wanted Coffee".
Diretsong saad nito pero wala siyang maisagot dito. Hanggang sa ihatid siya nito sa apartment niya hinayaan siya nitong makapag-isip.

Papasok na sana siya sa bahay ng pigilan nito ang braso niya at hawakan ang kamay niya.

"Coffee, I'm serious. I'm freakin' serious that I wanted you. Since that incident hindi na kita makalimutan, I've been deeming to find you pero kapapasa palang ng kompanya sa'kin ni Dad kaya hindi ako naka-lugar na hanapin ka but it doesn't change the fact that I've missed you. I longed for you. Gusto kita at simula bukas I will court you whether you like it or not."

Hindi pa rin siya makasagot dito. It was too overwhelming. His revelations are too straightforward at natatakot siya. Natatakot siyang magmahal at masaktan.

Ang layo layo ng agwat nila sa estado ng buhay. Ni hindi niya ito lubos na kilala, pano kung pinagtri-tripan lang siya nito at di naman talaga seryoso sa kanya? Naguguluhan siya.

"I know nabibigla ka pa kaya hahayaan na muna kita ngayon. Good night Coffee" at hinalikan ang kanyang kamay.

Umalis na si Reus pero tulala pa rin siya sa kinatatayuan. Nakaka-gulat naman talaga ang rebelasyong iyon.
Yes gusto na niyang magka-boyfriend pero hindi sa hinagap niya naisip o pinangarap na isang katulad ni Reus. Mayaman, sought-after bachelor halos nasa binata na ang lahat.

Parang nakakapang-liit kung ikukumpara niya ang sarili kay Reus. Hindi sila bagay. Langit ito at hamak na nasa ibaba siya.

"Hay kape ang drama mo. Masyado ka namang nagpapa-impluwensya sa mga napapanood mo." Saway niya sa sarili at pumasok na.

Madaling araw na pero di pa rin siya dinadalaw ng antok.
"Reus! What are you doing to me? Hay pasalamat ka at Linggo bukas."

~~~

"Skye, can we talk?" Tawag niya sa kaibigan kinabukasan pagkagising niya.

"Sure. Come to my place. Sakto nandito si Jessica. Get together tayo." Sagot naman agad nito.

Simpleng maong jeans at plain white shirt na hapit sa katawan ang kanyang sinuot. Nagsapatos lang din siya at nagsuot ng sumbrero.

She really felt weird and she needed to talk to her friends.

Pagdating niya sa bahay nila Skye ay naabutan niyang kumakain ang dalawa ng Fudgy Vegan Beet cupcakes. Paborito nilang bini-bake ni Jessica, her chef friend. Halos lahat ng klase ng putahe ay alam pati pagbi-bake ng cakes and pastries. No wonder her friend is the sweetest among them all.

"Hey girls, I'm here!" At sinalubong siya nito ng yakap.

"We missed you Kape!" Sabay pa nitong saad sa kanya.

"I missed you both. At mas na-miss ko itong cupcakes mo Jess!"

"Ikaw kasi di ka napapadaan sa resto lately. Ikinasal lang si Freya ganyan ka na." Nagtatampong letanya ng kaibigan.

"Love you Jess! Hehe. Pasensya na medyo hectic lang yung sked. Anyways, I'm here now." Bara niya rito.

"Hoy Kape. Marami kang dapat ikuwento sa'min no. Magsimula ka na." Sabi sa kanya ni Skye

"I know alright?" So ito nga at isinalaysay na niya ang lahat tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman kay Reus.

"Oh my gosh! Kape! Finally magkaka-love life ka na!" Excited na hiyaw ni Skye.

"Ang advance mong mag-isip Skye! Akala mo naman seryoso yung tao. Malay ko ba kung pinagtri-tripan lang ako nun? Alam mo naman mga lalaki ngayon maisalba lang ang pride eh gagawin ang lahat kahit makasakit ng iba." Sentimyento naman niya.

"Coffee, to love is to risk. Malay mo naman kung seryoso talaga siya sa'yo? Palalampasin mo ba'tong pagkakataong magmahal uli? Ang maranasan ang magmahal at higit sa lahat mahalin? Isa pa, napaka-tagal na since Ben almost got you and Mark is history. Your present is Reus now."

"You think so Jess? I'm still confused."

"Just give him a chance to prove himself to you, Kape."

"Hey girls! Tama pala dating ko may cupcakes!" Putol ni Gabriel sa pagmo-moment nila.

"Lamon lang talaga sadya mo rito Gabriel Oliver Dela Cerna!" Sambit ni Skye sa kababata.

"Aysus. Na sense ko kasing na-miss mo'ko agad kaya napadaan ako."

"Neknek mo! Batukan kita diyan eh!"

At sabay silang nagtawanan sa inaakto ng dalawa.

Her Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon