Chapter 41

5K 71 4
                                    

"Ah, Ma'am Katrina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ah, Ma'am Katrina. Kumapit po kayo sa balikat ni Sir Jeffrey. Then, ikaw naman Sir Jeffrey, kumapit ka sa baywang niya," utos ni Raymart sa kanyang mga kliyente habang kumukuha na siya ng pictures.

"Ganito ba? Medyo nahihiya kasi ako, e."

"Relax lang po kayo, ma'am. Sisiguraduhin ko na maganda ang kalalabasan nitong prenuptial photoshoot nyo."

"Oo nga naman, honey. Tayu-tayo lang ang tao rito sa garden resort. Ibigay mo na ang one hundred percent mo sa pagpo-pose," sabi ni Jeffrey.

"Sige na nga."

At pumose na ito nang maayos.

"Okay, good! Another pose naman po."

Sina Marco at Jasper ay abala naman sa pagvi-video na gagamitin para sa prenup music video.

"Pare, tignan mo ang langit. Parang babagsak na ang ulan. Kailangan nating matapos ito ng maaga, kundi ay baka abutin tayo ng ulan," sabi ni Jasper.

"Oo nga. Umiitim na ang ulap."

Kinuha ni Jasper ang cellphone at nagbuklat ng inbox. 

"Nasaan na ba kasi si Francine? Mas mapapadali ang gawain ni bossing kung nandito siya. Kanina ko pa siyang tinatawagan at itinitext, pero hindi naman siya sumasagot."

"Hindi ba't sinabi ni Bossing na baka tanghaliin si Francine?"

"Ano kayang nangyari do'n?"

Then suddenly, habang sila ay nagtatrabaho ay biglang bumuhos na nga ang malakas na ulan. Dali-daling kinuha nila ang mga gamit at patakbong nagsipag-balikan sa cottage.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, e. Kapag minamalas ka nga naman," inis na pagkakasabi ni Jasper.

Kinausap ni Raymart ang kanilang client, "Ah Ma'am and Sir, paano na ho 'to? Hindi na yata tayo makakapag-shoot ngayon. Mukhang matatagalan pa bago tumila ang ulan."

"Wrong timing po si Haring Ulan," pagsabat ni Marco.

"Nakakainis naman, honey. Ang bongga-bongga na nga ng posing ko kanina, 'tapos bigla namang umulan. Para bang may kumukontra sa kasal natin," inis na sabi ni Katrina.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Ulan lang 'yan. Walang makakapigil sa kasal natin kahit sino ano pa 'yan," sabi ni Jeffrey.

"Oo nga naman hpo, Ma'am Katrina," pagsang-ayon ni Marco.

"Kung gusto nyo po, I-resched na lang natin ang photoshoot. Available po kami next week at sa susunod pang linggo. May aasikasuhin po kasi kami ngayong week kaya hindi kami makakapag-shoot bukas o sa mga susunod pang araw," sabi ni Raymart

Sumagot si Jeffrey, "Okay. Gusto ko rin sanang baguhin na ang lugar ng prenup photoshoot namin."

"Ganun po ba?"

"Ayoko na sa garden resort. Baka kasi umulan na naman sa susunod, mahirap na, 'di ba?"

"Sure. Kayo po ang bahala. Saan nyo po ba gustong mag-shoot tayo para makapag-ready din po kami?"

"Tatawag na lang ako sa 'yo kapag nakapili na kami ng lugar. Pero siguro, baka sa hotel na lang or kahit saan na hindi tayo mababasa kapag umulan."

"Sige po, sir. Hihintayin ko po ang tawag nyo." Then, kinuha ni Raymart ang kanyang camera at ipinakita sa kanila ang pictures. "Don't worry, magagamit pa rin naman po natin iyong shots kanina. Medyo marami-rami din naman akong nakunan. Tignan nyo po."

"Naku! Ang gaganda nga ng kuha sa'tin ni Raymart, honey." namanghang sabi ni Katrina.

Samantalang habang ipinapakita ni Raymart ang pictures sa kliyente, may napansin naman si Marco sa hindi kalayuan.

"Sino 'yon?" Tumayo pa siya at naningkit ang mata sa pagtingin. "Pare, nakikita mo ba 'yon? May tao, oh."

"Natural may tao rito, resort 'to eh," pamimilosong sagot ni Jasper habang may tinitignan sa kanyang laptop.

"Hindi, pare. Ang ibig kong sabihin ay may naglalakad sa ulanan. Parang wala sa sarili."

"Pati ba naman iyong naliligo sa ulan ay pinapansin mo pa?" Natawa si Jasper. "Hayaan mo siya. Trip nya yun, e. Kung nainggit ka, e 'di maligo ka rin."

"Sira! Para kasing pamilyar sya sa---" At biglang nanlaki ang mga mata niya nang naging malinaw ang nakita. "Put*ngina, pare! Si Francine!"

"Francine?"

"Si Francine iyon, 'di ba? Iyong naliligo sa ulan!?"

"Ano? Si Francine naliligo sa ulan?" sabay tiklop niya ng laptop at napatingin din siya sa tinitignan ni Marco. "Aba oo nga! Si Francine!"

Nabigla rin si Raymart pati na rin ang mga kliyente nang makita ito.

Humarap si Jasper kay Raymart. "Bossing! Yung loveydabs mo!"

"Bakit sya nagpapaulan!?"

"Ah, eh, excuse lang po," sabi Raymart sa mga kliyente at kumuha agad siya ng payong para puntahan si Francine.

Nagtaka naman si Katrina. "What's happening? Sino iyong naliligo sa ulan?"

"Ah eh, kasamahan po namin," sagot ni Jasper.

"Kasamahan?"

"Opo. Wala po yatang shower sa kanila kaya naligo siya sa ulan."

Siniko siya ni Marco. "Adik ka. Ano ba'ng pinagsasasabi mo?" Then, kinausap niya ang mga kliyente. "Ah, hayaan na lang po natin sila, Ma'am at Sir. Gusto nyo po bang tignan iyong mga nakunan naming video?"

"O, sure! Maganda ba ko do'n?"

"S'yempre naman po, kayo pa!"

"Ay! Bongga!"

Samantala, nang malapitan ni Raymart si Francine ay saka lang niya napansin na tila wala ito sa sarili. Patuloy pa rin ito sa paglalakad at hindi man lang siya nakita nito na nasa harapan.

Sinukuban niya ito ng payong.

"Francine!"

"R-raymart..."

"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Bakit ka nagpaulan?"

"Raymart..." Tumulo ang luha sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Raymart..."

"Bakit? Ano'ng problema? Bakit ka umiiyak?"

"Raymart, si Miggy..."

"Ano'ng nangyari kay Miggy?"

"S-sina Miggy at Vera, nahuli ko sila. Nahuli ko sila, Raymart. Pinagtaksilan nila ako!"

"A-ano?"

"Raymart, anong gagawin ko?" Lumakas ang pag-iyak nito.

Hinila ni Raymart ang katawan ni Francine papalapit sa kanyang mga bisig at awang-awa na niyakap ito nang mahigpit.

"Ang sakit-sakit! Paano nila nagawa sa 'kin iyon? Paano nila ako nagawang pagtaksilan!?"

Hinaplos ni Raymart ang likuran ni Francine para gumaan ang pakiramdam nito. "Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan, Francine."


*****

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon