Chapter 9

88 0 0
                                    

Xy's

A week after I passed the auditions, nag-start na ng training with my 1st year batchmates na nakapasa rin. It was intense and serious, ganito pala ang road to being an idol? Yung tipong 'di mo na makikita ang crush mo sa sobrang busy. Babawi ako crush wait ka lang sa bahay, ha?

Bammie is currently chilling sa sofa, netflix pa more kahit hindi naman sya ang nagbabayad. Ang yayaman ng mga idol sa bahay na 'to pero subscription nila sa akin pa in-assign sa gastusin, hirap.

"Kamusta training? Nakaka-keep up ka pa ba sa acads?" tanong ni Kuya JB na kumukuha ng mapapapak sa ref habang nakaupo naman ako sa upuan ng dining table. Thank you universe, it's a rest day.

"Opo naman, edi pinauwi na ko Mama sa Pinas kung hindi. Kailangan ko ba talagang kumayod sa club na 'yon Kuya? 'Di ba pwedeng lowkey na pamumuhay na lang sa school?" rant ko naman, ewan, ayoko na dumagdag sa ingay ng mundo ng GOT7. Masaya ako para sa validation at lahat ng pros ng pagiging idol pero okay lang din naman kung hanggang suporta lang ako eh.

Ako lang 'to. Mediocre for life. Kapatid ng Idol na nakikitira sa dorm nila, periodt. I feel like I have nothing to offer sa mundo eh.

"Xy, it's always up to you naman. Hindi ka namin pinipilit, we are proud enough that you grabbed the opportunity," sabi naman ni Wangwang Jackson sabay tapik ng ulo ko at gulo ng buhok ko.

"Keep it up, gurl! Kahit naman taksilin mo JYP kung ayaw mo rito eh, itatapon kita sa pledis para kasama mo Seventeen dahil alam ko namang iyon ang nais mo, sus!" Pang-aasar ni Yugyeom, aAAAAAAAAAA Seventeen!!! Sige na motivated na ako, chour.

"Aba teka ka-" paggatong ko,

"Jowang-jowa palaaaaa, ba't di na lang si Mark hyung jowain mo?" dagdag ni Bambam, alam mo... itong si Bambam talaga makapaki-alam sa love life ng iba kala mong meron sya!

"Hoy tama na yan, mag-urong ka nga rito Bam, pagod na si Youngjae maglinis ng kalat mo uy!" paninita ni Kuya. Ewan ko talaga kung bakit kapag usapang Mark lagi nyang kina-cut off eh.

Asan nga pala si Jinyoung? Buong araw ko syang di nasilayan sa bahay, pati si Mark. Bungi-bungi na members ng GOT7 sa dorm, busy kayo gorls?

Sabagay, nabanggit nga pala nila na may upcoming tour sila, at isasama raw nila ako sa Manila stop! Hay salamat sa universe at libre ako sa concert for once in my life.

"YUGYEOMIE PABOOOO," sigaw ng kakarating lang na Koya mong Jinyoung, speaking of. Agad namang sumalubong si Yugyeom sa pinto at nagbugbugan ang mga gaga roon.

"Oh, buhay ka pa pala? Asan na si Mark?" interview session starts now, featuring Youngjae opo. 

Hindi muna sya sumagot for good 10 seconds, nakatingin lang sya sakin? Na parang nasa akin ang lahat ng dapat nyang sabihin? Okay lang ba 'to?

"HUUY!" awat ko sa excessive eye contact sabay isang clap nang magising sya, na gising naman sya. Hirap, wag mo nga akong tingnan ng ganyan, kumukulot bangs ko sayo eh.

"AAahhh... kagagaling ko lang ng company, practice na raw bukas at kumayod na raw tayo para sa upcoming tour. Tsaka si Xy raw, isama ko kay JYP? Isasali ka raw ng Twice?" chill na sabi nya habang dumidiretso sa tabi ko sa upuan.

"TWICE KA RYAAAAAN, GAGANG 'TO," alam ko namang nambibwiset ka naman 'to, inaasar nga ako lagi na sedentary lifestyle eh, huhu hindi po ako pang Twice baka masira pa sila. Nagtawanan naman ang bully na GOT7 at tumuloy sa unproductive ways nila. 

Nagsettle sya sa tabi ko ng casual, as if daily routine namin kumain ng magkatabi. Eneber? Dun ka nga? "Tara labas, mainit," aya nya sabay tayo sa upuan at hatak sakin. Nakapambahay lang ako na sweater at pjs, oki lang ba 'to?

"Haaaa? Saan punta? Sobrang lamig naman sa labas eh,"

"Kape? Dyaan lang, tara naaaaa Xyla. Ngayon lang kita maso-solo eh," wushu, parang di true. Bonding kayo gorl?

"Baliw, edi dito mo na lang ako solohin. Wala namang paki-alam sa mundo yang si Bambam puro netflix lang sa sala eh," sabi ko naman habang tumatawa, half hoping na dito na lang kami kasi baka magalit si Kuya. ANO BANG SOLOHIN luh kaaaaa

"Ah, samahan mo na lang ako mag-jogging para di ka sedentary lifestyle tulad nyang si Bambam? Bukas pa yung park malapit sa school ngayon oh, para rin pag nagtrain ka ulit magaan pakiramdam mo," pilit nya pa, hirap humindi? It's almost 5pm and the sun is probably about to set. Mas masarap mag jog paggabi, para diretso tulog. 

"Sige na nga, tara na, ito lang suot ko habang ikaw balot na balot ng kung ano sa mukha para di mamukhaan ha?" 

He smiled like the sun that I'm anticipating to see is already right in front of me.

---

AN:

Here's a short UD as I try to pick up myself together at yung harmony ng story, pasensya na nawala ako sa universe at di ko na rin magets ang storyline ko kaya nagdoubt ako kung itutuloy pa :<  Pero holla, I'm still seeing a request comments for a UD so I tried to write again. I promise to be better. Thank you so much po, it's aquarius szn mga bes!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[GOT7 FF] Living With GOT7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon