Kabanata 4

1 0 0
                                    

Nang makarating sila sa kanila ay napansin ni Reese ang pagiging tahimik ni Zach kaya sinundan niya ito ng makalabas ito ng bahay nila.

"Wait Zach!" Tumigil naman si Zach at tsaka siya nilingon.

"Galit ka ba?" Hindi sumagot ang binata. Imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi niya.

"Pumasok ka na sa loob." Sagot niya dito at tsaka siya patuloy na naglakad palabas sa kanila.

Laglag ang balikat niyang pumasok ulit sa bahay nila. Napatingin siya sa paligid at hindi maiwasang malungkot dahil sa wala na naman sa bahay nila ang mga magulang niya. Mabuti nalang at meron si Zach para maibsan ang kalungkutan niya pero mukhang galit ngayon si Zach na ginawa niyang hindi nagpaalam ng personal sa kanya.

She charge her phone pagkapasok niya sa kwarto niya at nagpalit ng damit. Pabagsak siyang humiga sa kama niya at tsaka niya pinagmasdan ang phone niyang nag-power on.

Nang mabuksan na niya ng tuluyan ay doon niya lang nakita na hindi nasend ang text niya dahil sending failed ito. Napasapo nalang siya ng noo ng maalala niyang ubos na pala ang load niya.

Wala siyang ganang bumaba at tinignan ang malinis na kusina. Nagtungo siya sa kusina para tumingin ng lulutuin niya. Pero napatulala nalang siya dahil napagtantong hindi pala niya alam magluto. Napasimangot nalang siya at ibinalik ang mga kinuha niya sa ref.

Naghalungkat pa siya at nakita niyang may natitira pang pizza sa ref. Dahil sa gutom na siya ay 'yon nalang muna ang pagtyatyagaan niyang kaninin. Mukhang magagabihan na naman ng uwi ang mga magulang niya.

Habang ngumunguya ay napatingin siya sa bintana nila kung saan nakikita niya ang harap ng bahay nila Zach. Nakita niya itong lumabas ng bahay nila. Umaasa siyang pupuntahan siya nito pero parang may kumurot sa puso niya ng diretso lang siya sa kotse niya at tsaka niya 'yon pinaharurot paalis.

Napatigil siya sa pagnguya at ibinaba ang pizza sa na hawak niya. Bigla siyang nawalan ng gana kaya inilapag nalang niya ang pizza sa lamesa at tsaka siya bumalik sa kwarto niya.

Nag-isip siya ng gagawin niya. Kung hindi siya naging pasaway ay alam niyang pupunta agad dito si Zach para samahan siya pero sa nangyari ay hindi siya pinuntahan ng binata dahil mukhang may importanteng lakad ito.

She tried to study pero hindi siya makapag-concentrate kaya napapadyak siya sa kama. Hindi siya matahimik dahil ngayon lang siya inignora ni Zach.

Tamad na pumunta siya sa at naupo sa harap ng piano niya at tsaka nagsimulang magtipa ng tunog. Ilang ulit yata siyang nagkamali kaya napadiin ang tipa niya sa keyboard.

She let out a heavy sigh at bumalik sa kama niya at nagtalukbong. Pero agad na napabangon ng marinig na tumunog ang phone niya.

Bigong ibinalik niya ang phone niya ng makitang si Olivia ang nagtext at humihingi ng sorry. Hindi siya nagreply at muling nagtalukbong ng kumot.

Ilang sandali pa ay bigla siyang dinalaw ng antok. Nagising nalang siya ng maramdaman niyang may umaayos sa kanya ng higa. Biglang nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakatayo sa tabi ng kama niya si Zach at malamig ang tingin sa kanya.

"H-Hi... You came." Wala sa sariling bati niya.

"You didn't eat." Umiwas siya ng tingin at napatingin nalang siya sa kamay niya na pinaglalaruan niya.

Narinig niya ang paghinga nang malalim ng binata at nakita niyang may inabot siya sa gilid. Bigla siyang natakam sa chicken curry na nasa tray.

"Saan ka pala pumunta? I saw you kanina." She uttered habang pinapanuod si Zach na seryosong nilalapag ang mini table sa kama ng dalaga at tsaka ito naupo sa tabi niya.

"I bought some ingredients." Bigla siyang napangiti.

"Talaga?" Tinignan siya ni Zach at tsaka inayos ang buhok niya.

"Eat." Tipid na sabi niya ng maayos niya ang buhok ni Reese. Bigong tinignan ni Reese ang pagkain niya.

"Are you still mad? S-Sorry na..."

"Eat, Reese." Natahimik siya at tsaka siya tumango. Mukhang naiinis na naman ang binata sa kanya kaya tahimik na kumain nalang siya.

Ramdam niyang pinapanuod siya ni Zach at maya-maya lang ay tumayo ito. Nakita niyang nililigpit ni Zach ang mga kinalat niyang libro kanina. Gusto niyang sawayin ang binata na itigil ang ginagawa nito pero ayaw niyang masalubong ang malalamig na mata nito sa kanya.

Hiyang-hiya siyang napakain dahil pakiramdam niya ay nagiging pabigat na siya sa binata. Biglang bumigat ang pakiramdam niya at nag-init ang sulok ng mga mata niya. Huli na ng pigilan niya ang mga luhang tumulo mula sa mga mata niya.

Palihim na pinunasan niya ang luha niya pero nagmistulang gripo 'yon dahil ayaw tumigil. Bigla siyang nakarinig ng librong nahulog kaya napaangat siya ng tingin.

Gulat na napatingin si Zach sa kanyang harapan ng tama ito ng hinala na umiiyak nga ito. Minura niya ng ilang beses ang sarili niya bago umupo sa tabi ni Reese at pinunasan ang luha nito.

"Why are you crying? P-Pangit ba ang lasa?" Kinakabahan at natatarantang tanong niya. Napasinghot ang dalaga at tsaka niya niyakap si Zach. Hinaplos-haplos naman niya ito sa likod niya ng malambing.

"I-I just feel that i'm already a burden to you." Hindi 'yon inaasahan ni Zach kaya napakalas siya ng yakap.

Kumunot ang noo niya. What makes her to think that way? Ni minsan nga ay hindi niya naisip 'yon pero ni minsan ay hindi naging pabigat si Reese sa kanya. Masaya nga siyang pinagsisilbihan nito.

"Stop thinking that way, Reese. You will never be a burden to me. Mas gugustuhin ko pang inaasikaso kita kaysa sa nahihirapan ka, okay?" Tumango ang dalaga at tsaka nagpunas ng luha.

Namumula ang mukha niya sa kakaiyak. Tinawanan siya ni Zach at walang kaarte-arteng pinampunas niya ang damit niya sa mukha ni Reese.

"Di ka na galit?" Ngumiti si Zach sa kanya at sinuklay ang buhok niya.

"I'm not. Sobrang nag-alala lang ako kanina. Akala ko may nangyari na sayong masama. Don't do that again, Reese. Mamamatay ako sa pag-aalala sayo." Nakakaintinding tumangk si Reese at malambing na yumapos sa lalaki.

"Okay, I'm sorry again, Zach."

Nang matapos siyang kumain ay nagkwentuhan silang dalawa. Ayos na ayos na sila kumpara kanina. Naging malambing ulit ang binata sa kanya at parang bulang nawala ang malamig na nakapalibot sa kanilang dalawa.

KababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon