Kabanata 9

4 0 0
                                    

Huling araw nila sa probinsya kaya mas sinulit nila ang araw dahil sa susunod na araw ay balik nanaman sila sa school.

"Where's Zach?" Tanong ni Reese sa kanila ng maabutang nagkukumpulan sa gilid at nagkukulitan.

"Oh! Goodmorning! Hindi ko alam kung nasaan eh. Nangisda na yata?" Reese sarcastically laugh at Jiro's joke.

"Funny."

"Eto naman. Ang sungit mo ah. Meron ka ba?" Natatawang sabi naman ni Aljun.

"Kayo ah. Wag niyo ngang lokohin 'yan. Kagigising lang niyan. Alam niyo naman na kapag hindi niya nakikita si Zach eh naiinis 'yan." Hindi nakalagpas sa tenga niya ang mapaglarong tinig ni Cattleya na sinundan naman ni Kyla.

"Nagkulong silang dalawa kagabi sa kwarto ni Reese! I even heard Zach was shouting and giggling. May nangyari na ba?" Nanlaki ang mga mata niya at biglang namula.

Hindi maiwasan ni Reese na batuhin ang kaibigan niya ng hawak niyang tinapay. Bigla niyang naalala yunh nangyari kagabi. Nagulat siya ng biglang kumatok sa pinto niya si Zach. Kanina kasi ay may kumatok na ibang lalaki sa kwarto niya at kinukuha ang number niya kaya nagsumbong siya kay Zach.

Wala naman silang ibang ginawa ni Zach kung hindi ay magharutan sa kama pero hanggang doon lang 'yon. Hanggang yakap at kiliti lang silang dalawa. They know they limits. Specially now.

"Where is he?" Muling tanong niya sa mga kaibigan niya.

Napailing nalang siya ng hindi nila ito pinansin at nagsimula ulit tuksuhin siya. Inirapan niya lang sila at tsaka siya tumalikod. Akmang lalagpasan niya ang kusina ay napatigil siya dahil nakita niya ang kanina pa niya hinahanap.

Bigla siyang nakaramdam ng inis sa mga kaibigan niya sa labas dahil hinayaan nila si Zach dito sa kusina na mag-isang nagluluto.

"Ang dami naman niyan." Mukhang nabigla si Zach sa pagdating niya. Lumingon siya saglit sa kanya at marahang ngumiti.

"You're awake. Just give me a minute. Malapit ng matapos 'to." Lumapit si Reese kay Zach at tinignan kung anong niluluto niya.

"You really know how to cook eh? Bakit hindi mo ako tinuturuan?" Nakangusong tanong niya.

Ngumiti lang si Zach habang inihahalo ang niluluto niya.

"Baka mapaso ka pa." Napairap siya at pinagmasdan nalang si Zach habang nag-uusap silang dalawa.

"Reese!" Gulat na singhal ni Zach sa kanya ng magsimula na naman itong sundutin siya sa bewang. Parang musika ang mga halakhak ni Reese sa tenga ni Zach.

"Ang lakas ng kiliti mo, Zach!" She giggled at muling kiniliti si Zach. Napahalakhak na din siya at pinatay ang stove.

Mapaglarong hinarap niya si Reese na nagsimulang umatras.

"O-Okay, i'll behave no... Zach!" Natatawang tatakbo sana siya pero nakulong siya sa braso ni Zach at nagsimula na siya nitong kilitiin.

"You're so playful, Reese." Nakangising sabi sa kanya ni Zach at mas lalo itong kiniliti.

"Zach! Stop it!" Natatawang pigil niya sa kamay niya. At halos mapaluha na siya sa tawa.

Paatras-sila ng paatras hanggang sa napasandal si Reese sa ref. Napatigil lang silang dalawa ng dahil doon at huli na ng mapagtanto nilang sobrang dikit nila sa isat-isa.

"Z-Zach..." Halos pabulong na tinig ni Reese ang pagtawag sa pangalan niya.

Walang gustong mag-iwas ng tingin sa kanila. Parehong mabilis ang tibok ng puso ng dalawa habang titig na titig sa mga mata nila. Halos kapusin ng hininga si Reese ng biglang bumaba ang tingin ni Zach sa kanyang labi. She unconsciously bite her lips na ikinamura ni Zach.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon