Kinaumagahan ay tuwang-tuwa si Reese na nakakapit sa braso ng kababata niyang si Zach dahil pinayagan niya na itong lapitan siya. Nag-inarte pa sa una si Zach pero kalaunan ay nalaman din ng kababata niyang pinagloloko siya nito dahil halatang ayos na ang pakiramdam ni Zach.
"Where do you want to go first?" Umagang-umaga ay hyper kaagad ang dalaga sa nakikita niyang dagat habang naglalakad sila.
"Can we swim na?" Umiling si Zach at nilingon siya.
"We'll eat first, Reese. We still have a lot of time to swim. Let's just tour around before that." Biglang nagningning ang mga mata niya sa tuwa. She badly wants to tour around with him.
"Okay." She happily respond na nagpangiti kay Zach. Natanaw nila ang mga kaibigan nila na hinihintay sila sa isang restaurant kung saan tanaw na tanaw ang dagat.
"Hey, lovers. Kanina pa namin kayo hinihintay." Nakasimangot na saad ni Aljun.
"Lovers?" Kunot noong tanong ni Reese. Nilingon siya ni Zach at bahagyang tumapat ang bibig niya sa tenga ng dalaga.
"Don't mind him. He's broken, that's why he's not in the mood to talk to us." Natawa si Reese at napailing nalang.
Nakatanaw sa kanila ang mga kaibigan nila habang inaalalayan siyang umupo si Reese. Hindi talaga nila maiwasang isipin na imposibleng magkababata parin ang turingan ng dalawa. Halatang-halata na mahal naman nila ang isat-isa pero hindi naman nagkakaaminan.
"Puro seafoods." Ungot ni Zach ng makita ang mga menu.
"Malamang Zach." Sarcastic na sabi sa kanya ng kaibigan niya. Tinaliman lang niya ito ng tingin.
"Let's find somewhere else to eat." Nakasimangot na sabi niya at hinawakan ang kamay ni Reese pero hinila lang siya ng dalag para pigilan.
"What's wrong? Hindi ka ba kumakain ng seafoods Zach?" Nagtatakang tanong ni Kyla na nagsimula ng mag-order.
"Ayoko. Reese, let's go." Pagpupumilit niya sa dalaga. Tinignan lang siya ng masama ni Reese at hinila paupo sa tabi niya.
"Stay here, Zach. I'm sorry guys but please do understand him. You know, may pagkamaarte si Zach sa pagkain and his friends know this." Nakakaintinding tumango ang mga kaibigan niya habang ang mga kaibigan naman ni Zach ay normal lang sa nakikitang pagrereklamo niya.
"Hindi ako maarte." Tumaas ang kilay ni Reese at inilapag sa harap niya ang menu kung saan may mga lamang dagat na nakakain.
"Shit. What the hell." Bigla siyang napa-aray ng kinurot siya ng dalaga.
"Kakain ka o kakain ka?" Pagsusungit niya dito. Padabog na kinuha naman niya ang menu.
"Tss. Eto na nga." He hissed at kunot noong nagpili ng pagkain.
Palihim na napatingin siya sa mga kaibigan ni Zach at kaibigan niya at mahinang napangisi. Alam nilang walang magagawa si Zach kapag siya na ang nagsalita.
Nagtagumpay siyang palampasin ang kaartehan ni Zach. Wala siyang narinig na reklamo ng kababata niya pero kitang-kita niya ang pagkadiri sa mukha at hanggang sa matapos silang kumain ay hindi parin naaalis ang pagkakunot ng noo ni Zach.
"You should've seen your face, man! You looked epic." Kung kaninang wala sa mood si Aljun ay ngayon naman ay siya ang nangungunang nang-aasar sa kaibigan. Hindi nagsalita si Zach at kinuha ang tubig na nasa harapan niya.
"Damn! I feel like I was tortured." Nakangiwing saad niya at nagsitawanan ang lahat habang siya ay tuloy sa pagbusangot.
"Lambingin mo na, Reese. Ikaw lang naman kahinaan niyan." Bulong sa kanya ni Jiro na nakita ni Zach kaya tinignan niya sila ng masama.
BINABASA MO ANG
Kababata
RomanceSana dumating ang araw na mapatawad mo ako sa lahat. I love you. Gusto kong malaman mo na hanggang ngayon ay mahal na mahal kita Zach Collins Ang iyong kababata, Reese Ali Andraza