Chapter 2: While writing at the cubicle

12 0 0
                                    

Abala siya sa pagsusulat nang may biglang lumapit na lalaki sa cubicle niya. Medyo may katangkaran, bata pa, at may hitsura. Mhaba ang buhok nito tulad ng mga artistang napapanood niya sa mga Tsinovela.

"Excuse me Miss, I'm Mark Manalo'. I'm here for the orientation."

"Please sit down and wait fo Miss Romero to come. all the people in this side are for orientation and on the other side are the ones yet to be interviewed."

      Ngumiti ang lalake, nagpasalamat, at tumalikod. Napngiti rin si Theia dahil sa ganda ng ngiti ng lalake. Umupo si Mark malapit sa kanya, habang naghihintay, pasulyap-sulyap itio saknya. Napansin ito ng mga kapwa niya sekretarya.

      "Uy, Theia, kanina pa tingin ng tignin sa'yo ang cute na kamukha ni Washi Lei," sabi ni Marites na pinakamalapit sa kanya. Naalala niya tuloy ang taiwanese boy band na bumisita sa bansa para i-promote  ang kanilang teleserye. May hawig nga ito kung iisipin dahil may kasingkitan ang mga mata.

       Dumating si Miss Romero, ang head ng Human Resources Department upang i-welcome ang mga bagong-tanggap na agents. Pinasuond niya ang mga 'for orientation' kasama na si Mark at iba pang naghihintay sa kanilang kawrto. Tahimik nilang ipinagpatuloy ang gawain nila para sa araw.

   Alas singko ng hapon nang mag-log out si Thiea. Pagbaba niya sa building, nakita niya si Mark. Tila may hinihintay ito. May kutob na si Thiea na siya ang hinihintay ng lalaki pero tumahimik lang siya.

  Napansin ni Marites ang lalaki. "Theia, ikaw yata ang hinihintay ni Washi Lei, " panunukso nito. Umismid lang si Theia nang pabiro at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng gusali. Hindi pa siya nakakalayo nang lapitan ni Mark. 

POST-ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon