Chapter 1: Working at Company

16 0 0
                                    

Sa araw-araw na trabaho ni Theia, maraming papel na nauubos niya sa pagta-type ng mga sulat, memo, at iba pang gawain bilang sekretarya sa isang international call center sa Ortigas. Graduate si Theia ng Computer Secretarial at ilang kumpanya na ang pinagtrabahuan niya bilang isang sekretarya bago pa siya nakapasok sa kumpanya iyon. Mag aanim na buwan na siya roon at swerteng malaking sahod ang binigay ng kompanya.

       Isang-araw, napakarami na nmang aplikante ng opisina nila. Masaya siya nang araw na iyon dahil sa horoscope na nabasa nya noong nagdaang umaga na sinasabing sa araw na iyon niya makikilala ang lalaking magpapaibig sa kanya. Kaya pakanta-kanta pa siya habang ginagawa ang trabaho.

      Ang table ng cubicle niya ay punong puno ng mga papeles ng mga aplikante, mga resumes, biodata, application, ate referral forms. Nakaugalian na niyang magsulat sa maliliit na yellow pads o Post-It para sa mahahalagang gawain at mga taong dapat tawagan at i-inform na natanggap sa trabaho. Amg mga hindi nman natanggap na aplikante ay kinokolekta niya ang mga papeles at itinatamabak sa isang kahon sa ilalim ng mesa niya. Kadalasan, napupuno nya ng Post-It ang monitor ng computer niya ng mga pangalan at numero na tatawagan. Tinutukso tuloy siya na 'taong-Post-It' ng mga ksamahan niya sa trabaho.

POST-ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon