"Hi, I'm Mark, pwede bang makipagkilala?" Sabay ngiti nito sa kanya.
"I'm Theia." pautal utal naman niyang sagot.
Tinukso sila ng mga katrabaho ni Thiea. Napagkasunduan nilang iwan na lang si Theia at mauna ng umuwi.
"Saan ka ba umuuwi? Pwede ba kitang ihatid?" tanong ni Mark.
"Sorry, pero ngayon lang tayo nagkakilala ihahatid mo na ko? Ang bilis mo naman!" Napataas ang kilay ni Theia at bahagya siyang napangiwi.
"Okey,sige,pwede ka bang yayain na lang kumain kahit diyan lang, sige na please, Miss Theia."
Kahit gutom na ay naisip rin ni Theia na hindi muna soya dapat magtiwala lalo na sa isang lalaking ngayon lang niya nakilala.
"I'm sorry but i really need to go home, maybe next time na lang." Saka niya pinara ang unang taxi na dumaan at sumakay kaagad. Naiwan si Mark na biglang bigla sa buong pangyayari.
Hindi alam ni Theia kung ano ang iisipin. Nakokonsiyensya siya pero lihim ring natutuwa sa ginawa niyang pagsusuplda. Naisip niya na tama naman ang ginawa niya na hindi muna magtitiwala kay Mark. Naalala niya ang huli niyang nakarelasyon. Mas mahalaga sa kanya ngayon ang pamilya dahil sa panganay siya at siya ang tanging inaasahan na magpapaaral sa nakakabatang kapatid.
Hanggang sa pagtulog ay hindi niya matanggal sa isip niya ang kanyang ginawa. Naisip niya kung bakit makokonsyinsya siya gayong ilang besses na naman niyang ginawa ang ganung pagsusuplada sa marami-raming lalaki.
Ano nga bang meron ang lalaking 'yun?
Kinabukasan, sariwa pa sa isip niya ang mukha ni Mark, iniisip niya kung dapat ba siyang humngi ng tawad dito. Hindi tuloy siya mapakali sa trabaho. Naroon pa rin ang panunukso ng mga katrabhao, lalo na si Marites.
Lunch break, nang ikuwento niya kay Marites ang nangyari.