Simula

65.7K 1.3K 90
                                    

Warning! This story contains explicit scenes, offensive words which is not suitable for the young readers. Teenfic muna kayo mga beh

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, business and events are only products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

Thank you HOE4YAGO for the cover! You're amazing!<3

🚩🚩🚩

I silently put my things inside my bag.
Napatingin ako sa wrist watch ko and saw that it was already 5:45 pm. Mag gagabi na pala

Lumabas ako ng library at nakitang dumidilim na

Konti na lang ang mga estudyante dahil kanina pa nag uwian. May event kanina pagtapos nun maaga kaming pinauwi. But I had to browse some books para sa thesis namin. Hoping to find related studies

Nasa hallway na ako nang mapansin kong maraming nagtatakbuhan at di maiwasan na mabangga nila ako

Nakarinig kami ng putok ng baril kaya napaupo ako ganun din yung mga kasama ko rito

"EVERYONE! PROCEED TO THE GYMNASIUM NOW!"

Malakas na tinig mula sa speaker ang narinig namin

Kinabahan ako sa narinig ko. Something's off

"Pumunta lahat sa gym!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng sigaw. Isang armadong lalake. Pinagtulakan nya ang isang babae papunta sa may gym

Sumunod ako papunta sa may gym. Nakita kong may mga nakaitim na mga kalalakihan na pilit na hinihila yung mga estudyante sa loob ng gym

Napatakip ako ng bibig ng makitang binaril nya yung isang babae sa dibdib na ayaw sumunod sa kanya

Nilibot ko ang paningin ko at napansin kong maraming mga nakahandusay na mga estudyante sa paligid

They killed them

"Kung ayaw nyong matulad sa mga bangkay na yan sumunod kayo!"

Naramdaman kong may tumulak sakin mula sa likod kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod

Gusto kong umiyak pero alam kong wala ring mangyayari pag ginawa ko yun

Pero habang nililibot ko ang paningin ko di ko na napigilan ang luha kong pumatak nang makita ang kalagayan ng mga kapwa estudyante ko sa loob

Some of them were lying on the cold ground... lifeless

Ang daming dugo sa paligid. Tanging mga iyak ang maririnig mo

This is a hostage taking. Maraming legal laws silang navi-violate. This will lead them to imprisonment. Anong balak nila sa amin?

Alam kong hindi sikat ang paaralan na pinapasukan ko. Pinatayo at pinapatakbo ito ng isang pribadong tao para sa mga tulad kong walang kakayahang makapag bayad ng tuition fee. Kumpara sa iba ay konti lang ang estudyante rito. More or less 200 students. Mag-iisang taon pa lang ang paaralan na ito. Tapos nasa medyo liblib na lugar pa. Pero bakit ito ang napili nila?

Nabigla ako nung may isang lalakeng humila sa akin at dinala ako sa harap kasama ng isang grupo ng mga kababaihan

"Ang gaganda nga ng mga babae dito!"

"Tangina ang kikinis nila!"

"Baka pwedeng humingi tayo ng isa kay Boss"

Nangilabot ako nung tumingin sakin yung nagsabi nun

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon