Kabanata 10

24.6K 810 12
                                    

Kelly

Inayos ko ang mga gamit ko sa lamesa at lumabas na ng opisina. Wala si Sir Santillan, kanina pa sya umalis. He just told me that he still has something to do. Not that I asked him kaya di ko maintindihan kung bakit nya pa kailangan sabihin sakin yung personal na pupuntahan nya

I mean, he can leave whenever he wants, he's the Boss. I went inside the elevator and pressed the button to the ground floor

The elevator opened and Myrine went inside. She smiled when she saw me

"Hey there Kelly. Ngayon ka pa lang uuwi?"

I nodded at her

"May mga tinapos pa kasi ako"

"You know, di mo naman kailangan pahirapan ang sarili mo. I mean first day mo pa lang"

"Ayaw ni Mr. Santillan sa mga incompetent employees"

I heard her laughed. Mukhang nakuha nya ang gusto kong iparating na ayaw kong mawalan ng trabaho

"You're right. He really hates incompetent people"

Wala akong balak sayangin ang pagkakataon na ito. Once na makapag ipon ako, pwede ng matuloy ang mga plano ko. I can finally go to the place where he couldn't find me. Where I can live without fear... a place far away from him

"In my years of working here, ikaw pa lang yung taong nakilala ko na pinasakay ni Sir Santillan sa private elevator nya"

Napatingin ako sa kanya. May sinabi na rin sa akin ang babaeng nakabangga ko kanina ang tungkol sa bagay na iyan. She even told me to ride the other elevator

Moments later, nakarinig kami ng tunog ng elevator. Nasa ground floor na kami

"Mauna na ko Kelly, nagmamadali kasi ako, see you! "

She waved her hand and I did the same. Lumabas na rin ako ng elevator. Mukhang mahihirapan akong makasakay ngayon. Masyado na palang gabi

"Kelly! Ngayon ka palang uuwi? Gabi na"

He glanced at his wrist watch. It was Luigi, kasama ko sa trabaho

"Yeah, marami lang akong tinapos"

He nodded

"Si Sir Santillan talaga, first day mo pa lang pinahirapan ka na"

No, he didn't. He even told me na umuwi ako ng maaga pero di ko lang talaga maiwan yung mga papeles na dapat tapusin

"Kelly, gabi na at delikado na sa daan. Ihahatid na kita"

I shook my head and smiled

"No need, kaya ko naman umuwi ng mag isa. Thanks for the offer"

"Ayokong mapahamak ka at isa pa mahihirapan ka na makahanap ng masasakyan. I brought my car, we can use it"

I sighed. He's right, mahihirapan talaga ako makasakay at isa pa wala naman sigurong masama kung magpapahatid ako sa kanya. Mabait naman sya at isa pa ay nakita ko rin ang isang kasamahan namin na babae na nasa loob ng sasakyan na tinuro nya. Nakangiting kumaway ito sa akin

Ibinalik ko ang tingin kay Luigi

I was about to accept his offer when a black luxury car stopped in front of us. Mabilis na bumaba yung driver, sya yung driver ni Sir Santillan

"Ms. Kelly ihahatid ko na po kayo"

"Naku Manong Tino wag na po kayong mag abala. Ako na po ang maghahatid sa kanya" sabi ni Luigi

"Pasensya na hijo pero hindi pwede. Ang bilin ni Sir Santillan ay ihatid ko si Ms. Kelly sa bahay nya"

Luigi was about to argue when Manong Tino opened the door in the backseat

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon