Kabanata 5

27.2K 784 34
                                    

Kelly

Hindi ko namalayan na gabi na pala. Naging masaya kasi ang kwentuhan namin nila Sir Jec at Katrina

"Kelly musta naman yung kapitbahay mo?" biglang tanong ng katabi ko

Napahinto ako sa tanong ni Katrina. Nabanggit ko nga yun sa kanya

"Mukhang mainitin ang ulo nya. Mabuti na lang at wala pa sya ngayon"

"I mean yung looks? Hot ba?"

Iniwas ko ang tingin ko. If you only knew

"Wag mo na ngang kulitin si Kelly. Hindi sya komportable sa tanong mo"

"Sabihin mo nagseselos ka lang Sir Jec!" tumatawang sabi ni Katrina

Napailing na lang si Sir Jec sa kanya

"Paano Kelly, mauna na kami. Medyo late na kasi"-Jec

"Dito muna tayo! Gusto ko makita ang kapitbahay ni Kelly"-Katrina

"Wag na makulit. Magpapahinga na si Kelly"

"Sir naman! I really want to see him!"

"Babawasan ko sweldo mo!"

"Tara na nga umalis! Mauna na kami Kelly!"

Nauna nang lumabas si Katrina. Sinamahan ko sila Sir Jec papunta sa pintuan pero napahinto rin agad ako nang makita yung kapitbahay ko na nakatayo roon habang pinagmamasdan sya ni Katrina na may paghanga

Matalim ang tingin nya sa akin na para bang may malaking kasalanan ako sa kanya

"S-sige Sir Jec mauna na kayo. Pasensya na at hindi ko na kayo maihahatid sa baba"

Ngumiti si Sir Jec at tumango

"It's fine Kelly. Magpahinga ka na"

Bago sya umalis ay nakipagtitigan sya sa kapitbahay ko at lumingon sa akin

"Don't hesitate to call me if something happens"

I nodded. I know what he's trying to say at alam kong alam rin yun ng kapitbahay ko dahil kumuyom ang mga kamao nito

Hinila na ni Sir Jec si Katrina paalis na mukhang naestatwa sa kapitbahay ko

Anong gagawin ko ngayon?

I decided to talk to this man baka kasi may kailangan

"M-may kailangan ka ba?"

He glared at me. Napaatras naman ako. Ano bang ginawa ko sa kanya? Bakit parang may atraso ako sa kanya?

"M-may nagawa ba ko?"

"You're seriously asking me that? What time is it now woman?"

Napatingin ako sa wrist watch ko. Kaya ba sya pumunta rito para lang magtanong ng oras?

"8:30 na"

"Fucking right! At ngayon lang umuwi ang mga yun. Ipapaalala ko lang sayo na di lang ikaw ang mag isa rito. Iwasan mo sana makaistorbo"

I'm starting to lose my patience here. Noong una pala ay ramdam kong may issue sya sa akin. Ano ba gusto nyang gawin ko? Gumalaw na parang isang professional agent na hindi gagawa ng ingay?

"Pasensya na kung naabala ka. Wala naman kasi akong naaalala na pinapunta kita rito para lang pagsabihan ako"

"You don't have to ask me. I have my own will woman"

Konting pasensya pa para iwas gulo. Bumuntong hininga ako at pagod syang tinignan

"Matutulog na ko. Pasensya na sa abala"

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon