Raine's P.O.V
"Dali na!", gigil kong sabi sabay hila sa bestfriend ko na si Yzabelle.
"Teka nga lan--Aray! Dahan-dahan naman sa paghila! Hindi naman siguro ako garter no?!", inis na sabi ni Yzabelle na ikinangisi ko lang sa kaniya sabay peace sign.
Birthday kasi sa bestfriend naming si Thena ngayon at inimbetahan niya kami sa isang pool party kaya hindi ko maiwasan ang ka excited ko kanina.
Maya-maya palang ay dumating na yung kotse ni Thena kaya mas lalo pa akong nagiging excited. Nagmukha tuloy akong asong ulol.
"Sakay na mga bes!", sabi ni Thena.
Agad naman kaming sumakay at doon na kami nagpatuloy sa chikahan.
"Raine, anong nangyari sayo at nagmukha kang inaway sa mga pusa. Ayusin mo nga yang buhok mo!", bulyaw ni Ynah sabay bigay ng suklay sakin. At inirapan pa talaga ako.
Ayan. Siya si Ynah, isang bestfriend kong fashionista at kaugali lang ni avah maldita. Buset din to minsan eh.
"Oo na sorry na", sabi ko at sinuklay na ang buhok ko. Napansin ko na ngisian lang ako ni Belle kaya agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.
"Ikaw belle, ano na naman yang iniisip mo at talagang nakangisi ka pa? Don't tell me iniisip mo na naman yung crush mong mabaho ang kili-kili?", tanong ni Ynah na ikinatingin kaagad ni Belle sa kaniya.
Syempre at dahil priceless yung mukha ni Belle, hindi namin mapigilan ang tawa namin ni Yzabelle.
"Ha? Hindi no! Lowls", sabi nalang ni Belle at nagumpisa ng nagbasa uli.
Maya-maya palang ay nandito na kami at nag park na yung kotse kaya agad naman kaming bumaba at nagtatalon-talon.
"Wieeee excited na akong lumangoy!", masayang sabi ni Belle.
"Lul. Eh ang tanong, marunong ka bang lumangoy?", tanong ni Thena na ikinahagalpak lang namin ng tawa.
"Syempre naman! Kaya nga ako excited eh. Pupunta ba ako dito kung hindi ako marunong? Che", sabi ni Belle at nauna ng lumakad na may pa kending-kending style pa. Mukha siyang buang at ang sarap niyang sapatusin.
"Come on girls!", sabi ni Ynah at sumunod na kay Belle. Isa pa to. Tss.
Sabay kaming lima papunta sa magiging room namin at medyo naiilang na din ako dahil every step namin ay pagtitigan kami sa mga tao. Nag gi-give way na nga yung iba eh.
Hindi naman kami famous pero siguro, talbog lang talaga ang kagandahan namin. Owss sila lang pala. Hindi ako kasali no, maiba kasi ako. Huehue.
After some freaking minutes, sa wakas nandito na kami sa harapan ng magiging room namin.
Kinuha na ni Thena yung susi at binuksan na yung pintuan at ang aircon mismo ang sumalubong kaagad samin.
"Ah ang sarap naman dito", sabi ko at agad ng humiga sa kama.
Syempre mag relax muna kami. Kakabyahe lang kaya namin.
"Ang ganda naman dito", sabi ni Belle at umupo sa isang sofa.
"Yeah. Parang ako", sabat naman ni Ynah na ikinatingin namin sa kaniya.
"O ano? Bat ganiyan kayo makatingin sa'kin? Totoo namang sinabi ko ah? Lowls", sabi ni Ynah sabay hubad sa jacket niya.
"May bagyo yatang paparating. Bigla nalang kasi umihip ng malakas ang HANGIN eh", sabi ko. Emphasizing the HANGIN kaya sinamaan naman ako ng tingin ni Ynah.
Whoops.
"Tch. Whateves. Anyways, tara na sa labas! Maligo na tayo!", sabi ni Ynah sabay hubad sa robe niya at ngayon, she is now wearing a maroon one piece swimsuit na may pa ekis-ekis versa pa sa likod.

BINABASA MO ANG
FRIENEMIES (On-going)
Teen FictionPaano nalang kung ang kinaiinisan mo ng lubusan ay ang iyong magiging kasintahan? May mabubunga pa kayang forever sa hulihan?