Belle's P.O.V
Kakabanyo ko lang at naglalakad ako ngayon sa hallway nung biglang may natapakan akong bagay na slide na kung saan, ikinaslide ko din.
"BOOM BAGSAK! WAHAHAHA!", sabi ni Yzabelle sa di malayo.
Tumayo ako at pinagpagan ng dumi yung pwet ko.
Aish! Sino ba kasi ang nagtapon ng balat sa saging dito?! Hindi ba uso ang trashcan nila? Amp.
"HAHAHAHA ang epic! HAHAHA!", tawang-tawa pa si Yzabelle sa lagay na diyan.
"Puchang balat yun", sabi ko at kinuha yung balat sa saging at naghanap ng basurahan.
May nakita akong basurahan sa gilid ng mesa sa kabilang dulo kaya agad naman akong lumapit doon at tinapon ang balat.
Saktong paglingon ko sa harapan ay may nakita akong group of friends na lalaki. Mga lima lang din naman. At nagtatawanan sila. Napansin ko yung isa na busy'ng busy sa pagkain ng saging.
Pucha. Siya ba yung nagtapon sa balat ng saging sa hallway? Tsk, tsk. Sayang o, gwapo pa naman, hindi lang uso ang trashcan sa kaniya. Tss.
Agad na akong umalis nung tumingin si saging boy sakin. Sheteng inamels, SPELL HOT.
Nakabalik na ako sa pool at nakikisama na din sa mga trip nila.
"Belle, bato-bato pik tayo? Kung sino ang matatalo, siya ang taya", alok ni Thena sakin.
"Geh", sus. For sure panalo na ako dito. Walang makakatalo sakin eh. Bwuahaha.
"Bato bato pik!", sabay naming sabi sabay labas ng papel. Pero papel din ang kaniya.
"Bato bato pik!", sabay labas ng bato. Kaso bato din ang sa kaniya! Aba pucha!
"Aish! Gaya-gaya ka eh! Bato bato pik!", sabay labas ng gunting. KASO GUNTING DIN ANG SA KANIYA!
"Nu ba yan! BATO BATO PIK!", sabi ni Thena.
Pucha.
"WAHAHAHAHA! IKAW ANG TAYA! HABULIN MO AKO!", sabi ni Thena kaya agad naman siyang tumakbo at lumayo sakin.
Walang gana akong tumayo at tiningnan lang siya.
"Oy belle! HAHAHA anue na? Dalii! Habulin mo ako!", sabi ni Thena.
Tiningnan ko lang siya. Inaantok yata ako eh.
"HOY BUGOK! Pag di mo ko nahabol, aagawin ko yung crush mong mabaho ang kili--
"NO FREAKING WAY!", agad na sabi ko at kumaripas na ng takbo para habulin si Thena.
Kahit na mabaho ang kili-kili sa nilalang na yun, MAHAL KO YUN! Poowwcha. Obsesse na obsesse ako dun eh!
Yzabelle's P.O.V
Nakakadiri talaga to minsan si Belle eh. Well, I mean, nagkacrush siya sa isang nilalang na kung saan, mabaho ang kilikili? Yucks!
Okay fine. Siguro GWAPO man siya sa paningin niya, pero kahit na! Kung marunong siyang magpagwapo, dapat marunong din siyang magrexona! Kainiz.
"HULI KA BALBON!", rinig naming sabi ni Belle sa di malayo.
"Teka lang! May sign kasi na 'Slow down' o!", sabi naman ni Thena na ikinatawa lang ni Belle.
"Bahala na basta nahuli na kita!", sabi ni Belle.
"Bahala ka din basta ikaw pa din ang taya", sabi ni Thena.
"Hmph! AYAW! Bahala ka", sabi ni Belle.
"Ang ingay talaga sa hinayupak na yun", sabi ni Ynah.
"Putek nagugutom na ako", sabi ni Raine at tumayo. "Samahan mo muna kaya ako shimai? Para hindi naman ako magiging lonely", sabi ni Raine.

BINABASA MO ANG
FRIENEMIES (On-going)
Teen FictionPaano nalang kung ang kinaiinisan mo ng lubusan ay ang iyong magiging kasintahan? May mabubunga pa kayang forever sa hulihan?