Picture ni Sabine sa right side. :">
--------------------------------------------------------
"I want you to be mine."
"Pero paano si Sab?"
"I'll let her know in time."
Leche. Hanggang dito ba naman ay hindi pa rin ako tinatantanan ng eksena ng pagtataksil na iyon.
"I don't want to hurt her. She is my bestfriend."
Takti ka. Sinaktan mo na nga ako.
"We love each other. She will understand."
Naintindihan ko, kaya magsama kayo.
Naiinis na pinahid ko ang mga luha sa mata ko. Ano ba kasi nangyayari saken? Crying as if I'm hurting and running away does not make me, Sabine Kate Guanio, brave. Oo, aaminin ko. I don't even love Bryan THAT much, pero bestfriend ko si Stephanie at yun ang masakit. Paano na lang pala kung mahal na mahal ko talaga si Bry at inagaw siya saken ni Steph?
Tss. Parang ayoko yatang isipin.
Magbestfriends kami ni Stephanie since elementary. Si Bryan naman ay anak ng kasosyo ng parents ko sa negosyo. Bata pa kami ay kami na ni Bryan ang tinutukso ng lahat na magkakatuluyan. Kaya naman ang mga magulang namin na praning, ayun at nagpaka-Kupido na. Pinagkasundo kami kahit hindi naman namin mahal ang isa't-isa. Well, I thought Bryan loves me. Ang sweet niya kasi at maalaga. At hindi ko man aminin, I think I fell for him because of his traits. Ang siste lang, bago pa man ako mahulog nang tuluyan sa lalaking mapapangasawa ko ay inahas na siya sakin ng bestfriend ko.
Saklap, ano?
"Ah miss, gusto mo ng panyo?"
Napatingin ako sa lalaking naka-shades sa tabi ko. Kanina lang ay matanda yung katabi ko sa upuan ah. Ganoon na ba ako ka-engrossed sa problema ko at di ko napansin na may tumabi na pala saking GWAPO?
"No, thanks. May Kleenex ako."
"Sige na kunin mo na ito. Unless gusto mong gamitin paulit-ulit yang tissue mo na puro sipon?" Nakangiti sakin yung lalaki. Aba, feeling close ka ha?
"Paano mo nasabing puro sipon ito?" Tiningnan ko yung tissue na hawak ko. Malagkit na nga pala. Eww. Nilukot ko iyon at tinapon sa loob ng handbag ko. Naka-aircon kasi yung bus kaya di ko maitapon sa labas.
"Need I say more?" Nakatawa yung lalaki.
Inirapan ko siya. Hmp. Presko! As if hindi siya sinisipon. Umayos ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana, all set na wag pansinin ang katabi ko.
"Miss kung may problema ka, you can share it with me. Mahaba-haba pa naman ang byahe."
Hindi ako sumagot.
"Magaling akong magpayo.."
Deadma.
"At gwapo ako."
Tumingin na talaga ako dito. Ang hangin din ano!
"Hoy mister para sabihin ko sayo, wala akong problema. Ikaw siguro may problema sa pagiisip eh. Pagamot ka muna bago mo ako kausapin. Okay?" Pagkatapos nun ay tinalikuran ko na.
Hindi na umimik yung lalaki. Napabuntong hininga ako dahil naguilty naman ako sa inasal ko. Okay, maybe I was being so rude. Siguro nga ay mukha na akong timang dito na iyak ng iyak kaya hindi ito nakapagpigil na alukin ako ng panyo niya. Siguro ay dapat na mag-sorry ako..
"Ah Miss--"
"Ah Mister--"
Sabay kaming lumingon sa isa't-isa at sabay pa kaming nagsalita.
"Ikaw na muna." Sabi niya.
"Hindi, ikaw na muna." Sabi ko.
"Okay, sabi mo eh.."
Hinintay ko siya magsalita. Para kasi siyang nahihiya na ewan. Oh no, wag niya lang sabihin na crush niya ako. I mean.. I know MAGANDA ako at lahat-lahat na pero I just don't think I'm ready for another heart break yet. Well, kung heart break ngang matuturing ang lokohin ako ng fiance ko na hindi ko naman talaga minahal.
But then again, all heart breaks are the same, ika nga ng ex-bestfriend kong taksil.
"Well? Ano ba sasabihin mo?" Hantagal ha.
"Ano kasi eh.." Kamot-kamot pa siya sa ulo.
"What!"
"May sipon ka sa gilid ng labi mo.." Sinasabi niya iyon na parang nagpipigil na tumawa.
"AnNoOooo!?"
BINABASA MO ANG
Terminal.
HumorLove comes unexpectedly and often accidentally. Love is fallen into and is a blessing. Don't limit yourself on what you should feel. Expect to fall and discover magic. :)