Chapter 3. [It's Prada]

75 0 0
                                    

When it comes to down to love, you risk nothing or everything. That's just how it is. :">

--------------------------------------------------------

Umupo ako doon sa lamesa sa dakong gilid ng food court ng terminal. Sosyal na terminal, may Starbucks at Esquires. Hindi pa naman ako gutom pero parang trip ko lang kumain. Alam nyo na.. BORED kasi. ^_____^

Habang nilalantakan ko yung strawberry milkshake at carrot cake ay palinga-linga ako sa paligid. And daming tao na dumadaan sa harap ko. May mga lalaking pasimple ang tingin sakin, akala siguro ako si Kim Chiu. HAHA. Asa lang dahil hindi naman ako intsik. 

"Miss, palimos naman po." Isang bata na medyo yagit ang lumapit sakin. Ava, paano nakapasok ang pulubi sa ganitong klaseng kasosyal na lugar? 

Naawa naman ako dahil over sa paawa effect yung mukha ng bata. Kumuha ako ng sinkwenta pesos sa wallet ko at binigay sa kanya. 

"Ayan. Pwede mo nang ikain yan ng kahit ano."

Hindi umalis yung bata sa harap ko. 

"Ah noy, binigyan na kita ng pera. Ayan o."

"Pahingi naman po ako ng cake para hindi na po ako bumili pa."

Tumaas ang kilay ko. In fairness, mautak na bata. Imbes na gamitin ang pera sa pamimili ay hihingi na lang ito. Pwedeng-pwede itong maging pulitiko paglaki.

Hinati ko yung cake at binigay yung kapiraso sa kanya. Sayang din naman, masarap kasi yung cake. Sinabayan ko na din ng konting milkshake para kompleto rekado na ang tanghalian niya.

"Pwede ho tumabi? Mainit ho kasi sa labas. Baka masun burn ako."

"Ah o sige." Umusog ako para makaupo siya.

Gusto ko nang tumawa sa batang ito. Ngayon lang kasi ako nakaencounter ng pulubing demanding. Habang kumakain siya ay panay ang kwento niya tungkol sa buhay niya. Na sampu daw silang magkakapatid at wala na daw siyang nanay. Namamalimos siya sa mga matataong lugar para may makain sa araw-araw. Kapagka minsan daw na wala siyang kita ay binubugbog siya ng tatay niyang lasinggero.

"Ha? Eh bakit hindi mo isumbong ang tatay mo sa Bantay Bata?"

"Wag na po. Mahal ko din naman po ang tatay ko."

Lubos akong naawa sa kanya kaya binigyan ko ulit siya ng isandaan. Natuwa naman siya. Pagkatapos kumain ay tumayo na ako para maghanap ng taxi na maghahatid sakin sa hotel na pwede kong matuluyan.

"Miss pwede po bang maki-ride sayo? Pudpod na ho kasi tsinelas ko. Malapit lang naman ho ang bahay ko dito."

At dahil sa mabait ako ay pumayag naman ako. Sinamahan niya ako palabas ng terminal para magabang ng taxi. 

"Ganito ba talaga katagal ang mga taxi dito? Halos kalahating oras na tayong naghihintay eh." Tanong ko sa bata na palinga-linga sa paligid.

"Oho. Konting pasensya lang, Miss."

Kumibit-balikat lang ako. Naisip ko, first time ko makapunta dito sa Davao at ni wala akong ideya sa kung paano ko gugugulin ang dalawang linggong bakasyon ko dito. Sabagay noong teenager pa ako ay isa na akong traveller. Sabi nga ni Stephanie, na ex-bestfriend ko na, ay maaring kamag-anak ko daw si Dora the Explorer sa kati ng paa ko maglakwatsa. 

But this time, I have a purpose. Gusto ko makapagisip-isip. Pansamantalang iwan ang buhay ko sa lungsod. 

"O ayan na pala."

Naputol ang pagiisip ko. Napatingin ako sa tinuro ng bata. Lalaking mataba at panget? Eto ba ang taxi driver?

"Good work, Bornok. Mukhang mayaman itong nabiktima mo." Sabi nung lalaking mataba at panget (paulet-ulet?) sa bata. Nag-high five pa nga yung dalawa.

"Excuse me? Anong sinasabi---ayyy!" Napatili ako nang ilapit nung lalaki sakin ang isang kutsilyo.

"Wag kang sisigaw kundi bubutasin ko yang tyan mo. Sumunod ka lang sa sasabihin ko. Naintindihan mo?"

Takot na takot na tumango lang ako.

"Nga pala, holdap ito." Dugtong ng lalaki.

Ohsyet. Gusto kong sumigaw habang kinakaladkad ako nung lalaki pero nakaipit naman sa likod ko yung kutsilyo. Hawak nung bata yung isa kong maleta at yung handbag ko. Manlolokong bata! Bagay na bagay talaga dito ang maging Senador o Presidente.

"Parang awa nyo na. Kunin nyo na lahat ng gamit ko dyan basta itira nyo lang celphone ko at wallet."

"Ano naman gagawin namin sa mga damit mo? Masusuot ba namin yun? Hindi. Kukunin namin ang mga laman ng handbag mo at ititra namin yang maleta mo. Baka naman isipin mo wala akong utang na loob sa pagpapakain mo dito sa anak ko."

"Anak? Walang hiya kang bata ka. Dinaan-daan mo pa ako sa istorya mong pang MMK, yun pala kapareho mo lang itong tatay mong batugan."

Ngumisi lang yung bata at sa utos ng tatay niya ay nilimas yung laman ng handbag ko. Nang makita nitong tatak Prada yung bag ay kinuha din nito iyon. Matapos ang five-minute holdap ay parang walang anuman na umeskapo yung dalawa.

Saka lang ako nageskandalo sa loob ng terminal.

"Holdap! Holdap! Naholdap ako! Nilimas pati yung Prada ko!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Terminal.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon