Parehas tinakasan nina Voughn Lara at Bienvinido ang itinakda sana sa kanila na pagpapakasal at nagpakalayo-layo nagbabaka sakaling malimutan ng pamilya nila ang kasalan na pinaplano ng mga ito para sa kanila. Kasalukuyang nakasakay ang grupo nina Bien at VL sa isang super ferry papuntang Puerto princesa.
"Mukha namang effective ang pan di-disguise mo VL" sabi ni Cleah sa kaibigan na nakasuot ng nerdy glass, naka short lang ito na may Jumper at nakayellow na T-shirt may suot din itong puting sumbrelo na may dilaw na bulaklak ang naka design dito. Nasa gilid sila ng barko na iyon at minamasdan ang ganda ng karagatan na tinatahak nila.
"Shhhhh, don't call me on that name, Lara na lang para walang makahalata" saway ni VL kay Cleah.
"Okay, wait mga Sissy tignan niyo kung sino yung paparating dali" tawag ni Mica sa pansin ng dalawa. Paano kasi may tatlong hunks lang naman ang dadaan sa hallway kung saan nakatambay sila.
Ang kikisig nilang tignan, aakalain mong mga half foreigner ang mga ito, o di kaya mga celebrity. Pero di ito mamukhaan ni VL kaya sigurado siya di ito nabibilang sa karera na meron siya.
"Hay naku Mica tumigil ka nga dyan, ano naman ang meron sa mga iyan?" takang tanong ni VL at muling ibinaling na lang ang tingin doon sa tubig. May mga nakita siyang mga flying fish na nakikipag karerahan sa barkong sinasakyan nila.
"Hey mga Sissy look oh, Flying fish" natutuwang turo ni VL sa mga kasama. Pero di niya nakuha ang pansin ng dalawa sa halip ay parang mga timang na nagkiligan pagkatapos dumaan nung tatlong gwapong guy sa harapan nila.
"Ang galing nyo talagang dalawa para kayong walang mga boyfriend ah." sita niya sa dalawang kaibigan at nagsimula na itong maglakad palayo sa lugar na iyon.
"Hey VL- este Lara ang KJ mo talaga, minsan lang makakita ng ganoong ka-hot, ka-yummy at ka-handsome sa isang barko no" may kasama pa itong *kilig looks* habang tila may pinag nanasahan sa mga lalaking dumaan kanina.
"Kadiri naman iyang pinag iisip niyo, dyan na nga kayo magpapahinga muna ako. Okay?" nagmamabilis sa paglakad si VL palayo sa dalawa.
"Sandali kami din magpapahinga na din" habol naman ng dalawa at sumunod kay VL na pabalik na sa kaniyang deck.
Kinagabihan....
Tahimik ang lahat ng mga pasahero ng ferry na iyon. Habang sarap na sarap sa pag tulog sina Mica at Cleah, baligtad naman ang nararamdaman ni VL kaya nag desisiyon siya na magpahangin na lang kahit gabi na. Naglalakad siya palabas ng deck nila ng may makasalubong na isang staff ng barko.
"Ma'am may kailangan ho ba kayo?"
"Ha, wala naman magpapahangin lang." -VL
"Ah ganun po ba sige po ma'am, lumapit na lang kayo sa ibang staff namin pag may kailangan po kayo" magalang na paalala ng lalaki sa kaniya. Tumango siya at ningitian na lang ito, dumiretso agad sa likurang bahagi ng barko si VL, dahil wala ng bakante at may mga tao na nandoon sa unahan ng barko at nagkakasiyahan tingin niya ay isang grupo ng mga turista iyon.
Halos walang tao sa likrang bahagi ng barko kaya medyo magaan ang pakiramdam niya at walang makakakilala sa kaniya dito. Ang lamig ng simoy ng hangin na humahampas sa buo niyang katawan, sa ngayon nakasuot na ito ng asul na dress na below the knee ang haba at nakasuot lang ng slipper.
Nagulat siya ng may makita siyang tumatakbong bata, mukhang may kalaro ito at hinahabol siya at naghahanap ng mapagtataguan..
"Teka, bata wag kang maglaro dyan, delikado dyan" saway niya dito ng pumunta ito sa bakal na nagsisilbing terraces ng barko at sinilip ang tubig. Tumayo si VL para sawayin ito dahil talagang delikado ang ginawa ng bata at baka mahulog ito doon.
BINABASA MO ANG
Destiny Do Exist!! (One shot)
Short StoryDo you believe in DESTINY? If YES eh di congrats sa'yo. BUT if your answer is NO, sigurado ka ba? Wag mong susubukan ang tadhana, at wag na wag mo din siyang tatakbuhan. At kung tatakasan mo man ang nakatadhana sayo baka magulat ka habulin ka nito...