Ikatlong kabanata (pa'no ba yan nakakatatlo na)

68 5 0
                                    

Kinaumagahan...

        "OMG, ano ng nanyare kay Sissy, ano na lang ang sasabihin natin kay Uncle" mangiyak-ngiyak na tanong ni Cleah, dahil pina alam na sa kanila kung ano ang nangyare kagabi at sa buong magdamag na lumipas ay di nila nakita sina VL at ang sumagip dito.

        "Hindi ko alam pero kailangan malaman ito nina Uncle at Auntie, para mapadali ang paghahanap sa kanila. Tatawag na ako sa kanila." - Mica

        Samantalang sa kabilang bahagi naman ng hallway ay naguusap din sina Josh at Justine.

        "Hindi ako makapaniwalang magagawa iyon ni Bien." -Josh

        "You're right he's a really brave man, pero kailangan malaman ito ng parents niya dahil for sure mapapabilis ang paghahanap sa kanila pati na din dun sa babaeng tinulungan niya kung malalaman ito nina Tita." -Justine

_________________________________________________

Samantala sa isang isla...

        Nauubo pa ng magising si VL habang nakadapa sa buhanginan. Dahan-dahan itong tumayo at pinagmasdan ang nasa harapan niya. Bumungad sa kaniya ang mga nagtataasang mga niyog, napakadami nito sa harapan niya. At ng tumingin ito sa paligid niya ay doon niya nakita ang isang lalaki na nakahandusay din malapit sa kaniya.

        "OMG!" agad siyang lumapit sa binatang iyon, at pilit na ginising "Hey, wake-up please wake-up" natuwa naman siya ng gumalaw ng bahadya ang mga mata nito at dahan-dahan iminulat.

        "Thanks God you're alive" sa laking tuwa niya niyakap niya ito. At halatang nagulat si Bien sa ginawa ni VL. Dahil di naman sila magkakilala. Pero nagawa din ito ni VL dahil natatandaan niya ang mukha ng binata. Ito ang nagligtas sa kanila kagabi. At kung kasama niya ito sa isla ibig sabihin sumunod pa ito sa kaniya para iligtas siya.

        "W-w-w wait I... can't breath.." - Bien

        "Ooooppps sorry" agad na pumiglas sa pagkakayakap si VL, nakaramdam tuloy siya ng hiya.

        "It's okay *inikot niya ang paningin sa buong paligid* I think na sa isang island tayo?" -Bien

        "Oo nga and I hope may mga nakatira dito geez I can't imagine na mangyayare sa akin ang ganito" -VL

        "Halika, libutin natin ang lugar baka may mga nakatira dito" tumayo na si Bien at tinulungan din makatayo si VL.

        "By the way, miss anong pangalan mo?" -Bien

        "Huh?! Ahm I'm Lara" pakilala ni VL remember dapat tago pa din ang pagkatao niya kahit sabihing nasa isla pa sila. "And you are?" inilahad ni VL ang kanang kamay nito.

        "I'm Bien *nakipagkamay din ito sa kaniya* 

        "Nice meeting you!" nginitian nila ang bawat isa at nagpasyang maglibot sa kabuuan ng isla na iyon. Medyo magaan naman ang pakiramdam nila sa isa't isa at nagsimula ng magkwentuhan tungkol sa mga naramdaman nila ng mga oras na mangyare aksidenteng iyon sa kanila.

_______________________________________________

        Laking pasalamat nila ng mapag alaman nila na may mga nakatira nga sa isla na iyon. Maliliit at nipa hut lang ang mga bahay ng mga nakatira doon. Mukha namang hindi naiiwan ng sibilisasyon ang lugar dahil may mga ilaw na dito at natural na damit ang mga suot nito ng mga tao dito.

Destiny Do Exist!! (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon