"Master"
Sa oras na mag ka malay si Gana ay ito agad ang kanyang sinabi habang agad nitong napansin ang kanyang Master sa kanyang tabi
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Red dito habang agad namang kumilos si Gana
"Ok na ako master, maraming salamat sa pagligtas sakin" Sabi ni Gana na tinangaun ni Red habang agad siyang tumaya upang magtungo sa kanyang kwarto
"Mabuti kong ganon, magpahinga ka muna wag ka magalala sa mga maaring mangyari" Sabi ni Red dito at agad na umalis
*****
"Leader anong gagawin natin?" Tanong ng isang inner student sa isang lalaking dwarf
Katulad ni Red ay nakasuot din ito ng core student uniform, habang may tatlo din itong katabi na mga core student
"Wala pang ginagawa ang Academy tungkol dito?" Tanong ng leader na tinanguan naman ng inner student
"Sa pagkakaalam namin ay walang planong kumilos ng Academy sa ginawa ng mortal" Sabi nito na tinanguan ng leader
"Hindi ito normal" Sabi ng babaeng core student na tinanguan naman ng mga kasama nito
"Ganon paman ay pinatay ang isa sa mga inner student na kasapi sa ating faction, parang tinapakan nadin ng mortal ang pangalan ng ating faction" Sabi naman ng malaking dwarf
"Leader anong plano mo?" Tanong naman ng isa pang lalaking core student
"Old ways, pag bayarin ang ginawa niya. Buhay sa buhay, tawagin ang lahat ng miyembro at palibutan ang courtyard ng mortal" Sabi ng leader na tinanguan naman ng inner student
"Tinapakan niya ang dangal ng Golden Fire Faction"
***
Ilang minuto lamang ng matanggap ng lahat ng miyembro ng Golden Fire Faction ang utos mula sa taas ay agad na nagtipon ang mga ito sa central plaza at sa oras na iyon ay agad na nagtungo ang mga ito sa courtyard ni Red!
Pangalawa sa pinakamalakas at pinakamaraming miyembro ang Golden Fire Faction sa loob ng White Stone Academy
Habang ang nangungunang faction ay ang Flying Axe Faction.
Hindi alam ni Red ang tungkol sa mga faction sa loob ng Academy dahil sa hindi siya naman dumaan sa entrance exam ng Academy
Sa oras na makapasa ang isang dwarf sa entrance exam ay may representative ng bawat student faction ang lalapit sa kanya upang subukan siyang kunin
Sa buong White Stone Academy ang lahat ng mga student ay kasapi sa isang faction, maging si Gana ay kasapi din ng isang maliit na faction
'Hmmm'
Mula sa loob ng workshop ni Red ay agad niyang naramdaman ang mga madaming aura na pumapalibot sa kanyang courtyard habang sa oras na kanyang tingnan ito sa bintana ay agad niyang nakita ang mga grupo ng mga dwarves at bawat isa sa mga ito ay may hawak na sandata habang may emblem sa mga dibdib ng mga ito
"Master! Masamang balita" Agad na narinig ni Red ang boses ni Gana habang agad na pumasok si Gana sa loob ng workshop
"Anong meron?" Tanong ni Red dito habang makikita ang takot sa mukha ni Gana
"Master ang mga dwarves na nasa labas ay mga miyembro ng pangalawa sa pinakamalakas na faction sa White Stone Academy, Golden Fire Faction" Agad na paliwanag ni Gana
"Faction" Sabi ni Red na tinanguan naman ni Gana
"Master yung inner student na nanakit sa akin ay kasapi ng faction na ito at base sa ginawa niyo ay nandito sila para gumanti" Takot na sabi ni Gana habang naunawaan naman ni Red ang sitwasyon
BINABASA MO ANG
World of Weapons Book II "The Nine Worlds"
Ciencia FicciónThe second book of the World of Weapons