Lesson #01

1.1K 47 1
                                    

Paki-tama na lang ako kung may mali man sa mga isinulat ko rito.

──────⊱ ✿ ⊰──────

1. KINALULUGDAN

• Kinagigiliwan
• Kinatutuwaan

- Kinalulugdan siya dahil sa pagiging mapagbiro niya.

2. INAAPUHAP

• Hinahanap

- Ano bang inaapuhap mo riyan?

3. KAABA-ABA

• Kaawa-awa

- Talaga namang kaaba-aba ang mga tao na nakatira sa lansangan.

4. NABABANAAG

• Nakikita
• Naaaninag

- Nababanaag ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan.

5. TARANGKAHAN

• Pintuan na yari sa bakal
Gate

- Tingnan mo nga kung sino iyong nasa tarangkahan.

6. NAULINIGAN

• Narinig

- Naulinigan ko ang sinabi niya kahit na ito'y halos pabulong na lamang.

7. AGAM-AGAM

• Pangamba

- Ang kanyang agam-agam ay naglaho ng siya'y hawakan sa kamay ng kanyang nobyo.

8. HINDI ALINTANA

• Hindi inaalala
• Hindi iniisip
• Hindi pinapansin

- Sa sobrang galit niya, hindi na niya alintana ang galos sa mukha.

9. SAPANTAHA

• Hinala
• Duda

- Sa kanyang sapantaha, may ibang babae ang kanyang asawa.

10. SALIPAWPAW

• Eroplano

- Sinundan ng mga bata ng tingin ang salipawpaw na nasa langit.

──────⊱ ✿ ⊰──────

Let's Learn FILIPINO/TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon