Dedicated to IamYourFanIamYourFan ❤
-----
Anghel Pov.
Hinila niya ako doon sa mga nagkukumpulang mga studyante habang nag chi-cheer ang mga ito. Nakita ko si Legend kasama ang tatlong lalaki na nakikipag away sa anim na mga lalaki.
"Please awatin mo na sila kuya." Sabi ng babaeng humila sakin.
Kuya? Wait...
"Ikaw si Aisha Foresteist, ang kapatid ni Legend?" Hindi mapakaniwalang tanong ko sa kanya, ngumiti siya ng mawalak sakin.
"Welcome back Anghel Sy Tough."
Napailing ako kaya pala medyo familiar siya sakin, hindi ko alam na first day of school makikita ko kaagad siya. At ang kuya niyang wala parin pinagbago PALAAWAY parin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hanggang ngayon palaaway pa rin ang kuya mo." Inis na sabi ko sa kanya medyo ngumiwi siya.
"Actually nagbago naman siya eh. Nabago siya ni Angelica, kaso simula ng mamatay si bestie, bumalik na naman siya sa pagiging palaaway." Malungkot na sabi niya.
Nakaramdam ako ng kirot dahil sa sinabi niya pero agad kong inalis yun. Bakit ako makakaramdam ng kirot dahil sa sinabi niya? Eh, ano kung nabago siya noon ng kakambal ko? Pakiilam ko ba!
"HOY VANCE LOOKWOOD TUMIGIL KA NA PLEASE?" Sigaw ni Aisha.
Lumingon sa kanya yung tinawag niyang Vance.
"WAIT LANG MHINE STAYPUT KA LANG JAN. I LOVE YOU." Sigaw nung Vance sabay kindat.
Tinukso si Aisha ng mga studyanteng nanunuod habang namumula siya at nahihiya.
Infairnes gwapo naman yung Vance, lahat sila gwapo pero mas gwapo nga lang si Legend. Lalo na nakadagdag sa kanya ang nakakaakit nitong mga mata na kulay brown.
Napangisi ako.
"Hanep marunong na palang kiligin ang tinggil mo, may boyfriend ka na pala." Pang aasar ko sa kanya.
Nanglalaki ang mga mata niyang hinampas ako sa braso.
"Watch your mouth Anghel, masyadong bastos yang mga term na ginagamit mo."
Natawa ako sa kanya.
"Magkamukhang magkamukha kayo ni Angelica kaso mas mabait siya kaysa sayo, mahinhin siyang magsalita at malambing ang boses niya. Pero ikaw masyadong maldita magsalita at bastos ang bunganga." Sabi ng katabi ni Aisha, inirapan ko siya.
"Maldita ako pakiilam mo ba." Inis kong sagot sa kanya.
"Sige na Anghel awatin mo na sila kuya." Tinaasan ko ng kilay si Aisha.
"Bakit hindi ikaw ang umawat sa kanila?"
"Hindi siya makikinig sakin kay Angelica lang naman siya nakikinig eh." Sabi niya sabay buntong hininga.
BINABASA MO ANG
THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]
FanfictionTHEY SAID PANGIT daw ang ugali ko. Napakaarte ko daw, maldita, masungit, matapobre, prangka INSHORT BITCH! But I DON'T FUCKING CARE kung anuman ang isipin nila or sabihin sakin ganito na ako lumaki alangan naman baguhin ko pa ang ugali ko para sa...