Anghel Pov.
"Hija."
Hindi agad ako nakaimik ng makita ko sila tita Belen at tito Jonie kasama si Legend.
Lumapit sa akin si tita at hinaplos ang mukha at buhok ko.
My kung anong humaplos sa puso ko ng gawin niya iyon sa akin, nakikita ko rin sa mga mata niya ang saya na makita nya ulit ako.
Hindi ko alam kung bakit pero nagustuhan ko ang ginawa niya sa akin pakiramdam ko kasi para niya akong anak na nalayo sa kanya at sabik na sabik akong makita.
Ang parents ko kasi simula ng umuwi ako sa bahay parang wala lang sa kanila na nakita ako.
Oo na ako na ang uhaw sa pagmamahal, masisisi niyo ba ako? Simula palang ng maliit ako sila lola at Angelica lang ang nagmahal sa akin. Kahit nga ang mga parents ko hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila.
"Kamusta ka na? Bakit hindi ka pumunta sa bahay ng makauwi ka na dito? Kung hindi pa kami pumunta dito sa puntod ni Angelica hindi ka pa namin makikita." Sabi ni tito sabay ngiti.
Sinulyapan ko si Legend na malamig lang na nakatingin sa amin tumingin ako kay tito bago nagsalita.
"Sorry po medyo na busy lang ako pero balak ko naman po talaga na pumasyal sa inyo." Tumango si tito.
"Kung ganon pumasyal ka na lang sa bahay kapag my time ka na." Nakangiting sabi ni tito.
"Opo tito." Nakangiting sabi ko.
"Ang laki laki mo na at ang ganda ganda." Puri sa akin ni tita.
Namula tuloy ako sa sinabi niya lalo na sa sinseridad niyang sabi, niyakap niya ako at ganun din ang ginawa ko. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw na niya akong pakawalan.
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya kaya natutuwa talaga ako na may nagpaparamdam sa akin nito ngayon.
Sana ganun din yung mga taong nakakakilala sa akin.
Tumingin ako kay Legend nakatingin na siya sa nitso ni Angelica.
"My Angel. Kamukhang kamukha mo talaga siya siguro kung nabubuhay pa ang kakambal mo sigurado ako na kasing ganda mo siya. Please araw araw kang pumasyal sa bahay namin para hindi ako masyadong nalulungkot namimiss ko na kasi ang kapatid mo. Kapag tinitignan kita nakikita ko siya sayo, pumasyal ka sa bahay ah? Ipagluluto kita ng mga paboritong pagkain ni Angelica."
Parang my kutsilyong sumaksak sa puso ko dahil sa sinabi niya.
Si Angelica na naman?
Lumuwang ang pagkakayakap ko sa kanya umalis ako sa pagkakayakap niya at pinilit kong maging blangko ang mukha ko, lalo na at tinitignan ako nila tito at Legend.
"Magkaiba kami ng paboritong pagkain ni Angelica tita." Malamig na sabi ko sa kanya.
Magsasalita pa sana siya ng hilain siya ni tito siguro nakaramdam siya sa pagbabago ko dahil sa sinabi ni tita. Binigyan ako ni tito ng *Sorry* LOOK.
"Aalis na kami Hija." Sabi ni tito.
Hindi ko siya inimik tumalikod na lang ako sa kanila at humarap sa nitso ng kakambal ko.
Narinig ko ang mga yapak nilang papaalis na nagsindi ako ng kandila mataman akong nakatingin sa nakaukit niyang pangalan.
Napapikit ako para pigilan ang luhang gustong lumabas sa mata ko masyadong sumama ang loob ko dahil sa sinabi ni tita, kanina akala ko pa naman yung yakap at haplos nya para sa akin yun pala para kay Angelica yun.
Nakikita niya ang kakambal ko dahil sa akin minsan naisip ko what if kaya kung hindi kami magkamukha ni Angelica? Siguro nakikita ng ibang tao yung AKO mismo, feeling ko nagiging shadow ako ng kakambal ko.
Masakit isipin na hindi ako makita ng ibang tao bilang ako, masakit isipin na nakikita ako ng ibang tao dahil sa kapatid ko.
Halos lahat ng tao lagi akong kinukumpara sa kanya, siya ang nakikita sa akin masakit na nga na kinukumpara ka sa iba, what if pa kaya kung kapatid ko ang nakikita nila sa akin.
Dumilat ako at hinaplos ang nitso ng kakambal ko.
"Kahit lagi ka nilang nakikita sa akin, kahit lagi akong kinukumpara sayo hindi parin ako makakaramdam sayo ng galit o kahit manlang sama ng loob. Mahal kita eh, kapatid kita, kakambal kita, kaya kahit ang sakit sakit ng nagiging shadow ako sayo never akong magagalit sayo o magkakaroon ng sama ng loob. Alam ko naman na hindi mo rin gusto na kinukumpara ako sayo." Naalala ko yung sinabi niya sa akin noon.
"Magkamukha lang tayo Anghel pero magkaibang magkaiba tayo. Kung kikilalanin ka lang ng maigi ng mga taong nasa paligid natin malalaman nila na magkaiba tayo. Sobrang magkaiba."
"Kaso ayaw nilang akong kilalanin eh, puro pang huhusga ang natatanggap ko sa kanila walang nagmamahal sa akin, maswerte ka kasi maraming nagmamahal sayo. Bakit kasi kailangan niyo pa akong iwanan ni lola? Alam niyo naman na kayo na lang ang meron ako, alam niyo naman na kayo na lang ang magmamahal sa akin diba?" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at kusa na itong nag unahan na tumulo sa pisngi ko.
Biglang humangin at pakiramdam ko may malamig na yumakap sa akin, na iimagine ko ang mukha ng kakambal ko na nakayakap sa akin habang malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
Nagtagal pa ako ng ilang oras bago ko napag decision'an na umalis na. Nag alay mo na ako ng dasal para sa kanya at syaka umalis kumunot ang noo ko ng makita ko si Legend na nakatayo sa kotse niyang mamahalin habang nakayuko ito at nasa bulsa nito ang dalawa niyang kamay.
Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya nag angat siya ng tingin sa akin at heto na naman ang puso ko kumakabog ng malakas ng matitigan ko ang brown na brown na mata niya na nakatingin sa akin.
"Hoy Fuck boy anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"What the fuck! What the hell you call me Fuck boy?" Galit na sabi niya sa akin, nginisihan ko siya.
"Oo. Ang hilig mong magsabi ng 'FUCK' eh, edi FUCK-BOY alangan naman na tawagin kitang FUCK-GIRL. Babae ka? Babae ka?" Ang kunot niyang noo ay mas lalo pang kumunot.
Pang aasar ko lang sa kanya ang FUCKBOY haha. Mabenta naman eh, lalo na sobrang salubong na ang dalawang kilay ng gwapong lalaki na 'to.
Kapag hindi ko siya aasarin tatawagin ko siyang ASIAL pero kapag nasa mood akong asarin siya FUCKBOY. Katulad na lang ngayon trip ko siyang asarin at halatang napikon siya sa tawag ko sa kanya.
Ha. Pikonin. Wala parin pagbabago ang lalaki na 'to pikonin parin.
"So, Fuck boy ano nga ginagawa mo dito? Akala ko ba sumabay ka na kanila tita sa pag uwi?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Tss. I have my own fucking car. Kaya bakit ako sasabay sa kanila umuwi?" Nagkibit balikat na lang ako.
"Akala kolang naman naka alis ka na."
"Kung nakaalis na ako tingin mo ba makikita mo pa ako dito?" Pamimilosop niya.
Binuksan niya ang pintuan sa passenger seat.
"Sakay." Malamig na sabi niya.
Namilog ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"P-p-pasakayin mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Nakaramdam ng saya ang puso ko sa isipan na nakasakay ako sa kotse niya at kaming dalawa lang.
Ayyiieee.. Asial naman eh..
"Ano bang sabi ko diba sakay? Kung ayaw mo bahala--" Hindi ko na pinakinggan ang iba niyang sinabi dahil nagmamadali na akong pumasok sa loob ng kotse nya. Tinignan ko siya.
"Oh. Ano pang tinatayo mo jan? Sakay na." Napapailing na lang siya na sinarado ang pinto pagkatapos pumasok na siya sa loob ng kotse.
Lihim akong napangiti..
Tangina. Kinikilig ako pakurot nga ng tinggil haha.
***
BINABASA MO ANG
THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]
FanfictionTHEY SAID PANGIT daw ang ugali ko. Napakaarte ko daw, maldita, masungit, matapobre, prangka INSHORT BITCH! But I DON'T FUCKING CARE kung anuman ang isipin nila or sabihin sakin ganito na ako lumaki alangan naman baguhin ko pa ang ugali ko para sa...