Alarm Clock

106 4 0
                                    

Nagising ako sa maingay na tunog ng electric guitar. Mukhang nanggagaling sa di kalayuan ang ingay na nakapagpagising sakin. Haaayy... Ang aga-aga pa. 8:00am pa palang!

Napabuntong-hininga ako. Saka naiiritang bumangon.

"Reb...!!!" Ngitngit na ngitngit ako sabay suntok sa unan.

Isa lang naman ang mahilig mag-ingay dito sa payapang Village ng San Miraculo. Walang iba kundi si Reb Rivas. Wala ba syang ginawa kundi ang tumugtog ng tumugtog ng electric guitar na napakaingay??! Jusko! Dapat isuplong na sya sa Baranggay. Lagi nya na lang pinuputol ang maganda kong tulog.

Dinampot ko ang kulay green kong jacket at saka sinuot iyon. Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto at bumaba ng hagdan. Nakasalubong ko si Yaya Elsa sa may parteng sala.

"Good Morning Ya!" Mabilis na bati ko sa kanya.

"Oh, Bakit ang aga mo naman magising?" Nagtatakang tanong ni Yaya.

"Gawa po ng bwiset na si Reb. Maya na lang Yaya, nagmamadali po ako." Lakad-takbo na ang ginagawa ko. Araw-araw ko na lang bang gagawin to? Ano bang kasalanan ko sa may kapal at pinaparusahan ako ng ganito?

Hinihingal na huminto ako sa tapat ng isang malaking bahay na kulay parang grayish-blue at white ang pintura... Nakita ko si Mrs. Rivas na nagdidilig ng magaganda at pulang-pulang mga rosas sa garden sa harap ng bahay nila.

"Hi, Tita Rose, si Reb po?"

Ngumiti ang si Mrs. Rivas at hindi na nakakitaan ng gulat ang maganda nyang mukha. Di na ko nagtataka na hindi sya nagulat dahil araw-araw to, walang palya. Walang palya ang pagsugod ko kay Reb sa bahay nila para sawayin.

"Just follow the sound of his guitar." Sabi nya sakin sabay kindat.

Tumango-tango na lang ako. "Thanks Tita." Sabay karipas ng takbo papasok sa bahay nila.

Tulad ng sabi ni Mrs. Rivas, sundan ko lang daw ang tunog ng pesteng tunog ng gitara ni Reb at makikita ko ang kumag na yon. Tama nga sya.

Nanggagaling ang tunog sa kwarto ni Reb! Patay talaga sakin yung Reb na yon!

Tinakbo ako patungo doon at dere-derechong pumasok. Habang papalapit ng papalapit ako sa kwarto ay papalakas din ng papalakas ang ingay. Dere-derecho kong pinasok ang kwarto nya. Andun nga si Reb, nakatalikod habang tumutugtog.

"Reb, bwiset ka talaga! Itigil mo yang ingay na yan!!!" Sumigaw na ko pero mas malakas pa rin ang tunog ng gitara nya. Hindi sya lumingon at sobrang busy pa rin sa pag-iingay kaya pinulot ko ang unan sa kama nya at lumapit ako sa kanya.

"REBBBB!!!!" Sigaw ko sabay hampas ng unan sa balikat nya. Saka lang sya napalingon sakin.

Ilang sandaling natigilan ako ng humarap sya sakin. Naka maroon hoodie jacket sya na nakabukas ang zipper. Wala syang suot na kahit sando man lang sa loob ng jacket nya! Trouble talaga tong Reb na to.

"Ang aga mo naman dumalaw." Bungad nya sakin ng nakangiti. Showing off his perfect set of teeth and... and his abs! Bwiset. Ganyan si Reb. Nakakaasar.

"Di kita dinadalaw, ang kapal mo! Pwede bang tumahimik ka? God, Reb! Sa araw-araw na lang ba kailangan pa kong pumunta dito para sawayin ka? Ang ingay mo! Hoy, teka, hoy... nakikinig ka ba?" Daldal ako ng daldal habang sya magsisimula na ulit tumugtog ng gitara.

Lumingon sya sakin at kumindat. "Good Morning to you too." at nagsimula na ulit sya tumugtog at kumanta. This time hindi na rock or hardcore music...

"I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening..."

Parang hinahaplos ang puso ko sa mala-anghel at malamig nyang boses. Kung ganyan ba naman ang tinutugtog nya tuwing umaga edi walang problema.

Instantly narelax ako at napaupo sa kama nya. Napapapikit na ko. Nakakaantok... Nalilibang na ko sa "Song number" nya ng bigla syang tumigil at nagsalita.

"Ang ganda mo talaga kahit bagong gising." Malambing nyang sabi.

Napamulagat ako. Tama ba ang narinig ko? Maganda daw ako kahit bagong gising? Bahagya akong namula.

"A-anong sabi mo?"

"Hmm? Anong anong sabi ko?" Ibinaba nya ang girata sa stand at pabagsak na humiga sa tabi ko. Exposing his beautifuly curved abs. Lalo ata akong namula ah...

"Ahh... yung sinabi mong maganda ko kapag ano, kapag bagong gising?" Para kong sinisilihan sa "you know where". Ewan ko din pero may naramdaman akong konting kilig. Pero konting konti lang. Kumag kasi tong si Reb.

Napabangon sya at naguguluhang tumingin sakin.

Naghintay lang ako sa isasagot nya.

Maya-maya bigla syang tumawa ng malakas.

Nainis ako kaya hinampas ko ang balikat nya. "Ano?! Bakit ka natawa??"

"Aray ko! Napakarahas mo talaga." Hinimas-himas nya ang balikat na hinampas ko pero tuloy pa rin sa pagtawa.

Gigil na gigil na ko. "Bakit ngaaa???" Kinurot kurot ko sya sa tagiliran. Tawa sya ng tawa at ilag ng ilag kaya hindi sinasadyang napapadaiti ang kamay ko sa abs nya.

"I was talking to Massie, not to you." Sabi nya na halatang pinipigil ang tawa

.

"Kay Massie mo sinabi yon?" Napataas na naman ang boses ko.

"Yeah. Akala mo sayo?" Natatawang umiling iling sya.

Feeling ko nausok na ang ilong at tenga ko sa labis na inis at pagkapahiya. Pang-asar talaga tong kutong lupang to kahit kailan.

"I hate you! Nakakainis ka talaga! Bwiset ka tala--"

Tinakpan nya ang bibig ko gamit ang kamat nya. "Ssshh... Keep it down. Magagalit si Massie. Baka akalain inaaway mo ko." Pabulong na sabi nya.

Pagkarinig ng pangalan nya, lumapit samin si Massie, A beautiful black Labrador Retreiver, at kumakawag ang buntot na dinila-dilaan ang binti ko.

"Good Girl Massie." Tinanggal nya ang kamay sa bibig ko at hinimas-himas ang ulo ni Massie.

"Buti pa ung aso mo may modo, ikaw wal--" tinakpan nya na naman ang bibig ko.

"Sigaw ka ng sigaw, nagtoothbrush ka na ba?" Kumunot ang noo ko, oo nga... hindi pa ko nagtu-toothbrush. Iww. Pero hindi ko naman kailangan magpabango ng hininga para sa Reb na to noh!

Marahas na inalis ko ang kamay nya na tumatakip sa bibig ko. Teka... Teka lang...

"Eto bang kamay na to ang pinanghawak mo kay Massie?" Hawak-hawak ko ang kamay nya habang winawagayway iyon.

Napatitig lang sya sa kamay kong nakahawak sa kamay nya at ngumiti. "I think so..."

Tinulak ko sya at pinaghahampas ng unan. "Kadiri ka talaga!"

Tulad ng dati, tawa lang sya ng tawa. Nakakaasar kaya nagwalk out na ko. "Ewan ko sayo! Isunusumpa talaga kita! Grrr!"

Si Reb Rivas... ang nakakairita kong alarm clock.

The Guitarist Boy Next DoorWhere stories live. Discover now