Habang nakahiga sa kama, iniisip ko kung pupunta ako sa gig na sinasabi ni Reb. Like, as if may mapapala ako dun diba? Pero... The look on his face... parang nakakaawa naman. Baka wala syang friends na manood.
Napabalikwas ako sa kama. Oh sige na nga. Tutal bored ako.
I dialed my bestfriend's phone number. Isasama ko tong lukaret na to.
"Hello teh? Anong ganap?" Bungad nya sakin sa kabilang linya.
"Tara sa gig ni Reb."
Tumawa sya. "Ano namang nakain mo at gusto mong pumunta dun, ha?"
"Dami mo pang tanong. Eh kasi... ininvite nya ko. Yun lang."
Totoo naman kasi, ininvite nya ko. Hindi naman dahil sa muntik na kaming maghalikan.
"Nako Girl! Ayoko may awra ako! Ikaw na lang. Goodluck! Bye!"
I was really thinking hard if I should go to his gig, I mean... What will he think kapag nagpunta ko? Baka mag assume pa sya na gusto ko sya! Like, No waaaaaay! But...
Napabuntong hininga na lang ako. Hmmm... Sa bagay wala din naman ako mas magandang gagawin so, OKAY!
I decided to wear a We Bare Bears printed shirt paired with ripped jeans and sneakers. This will do!
On my way to the "Gig Place", may lumapit sakin na batang kalye. "Te bili ka na! Nagiipon ako pang samgyupsal, sige na te!" Nagmamakaawang sabi nya sakin. Naawa naman ako sa kanya kaya pinakyaw ko ang mga naninda nya. Ngumiti naman sya sakin at nagpasalamat.
"Wag mong pangra-rugby yan ha!"
"Oo te! Salamat po!"
Yun lang at naglakad na ko paalis.
Madaming tao sa Gig Place nang dumating ako. Everyone is obviously having a good time. I looked around, searching for him. I decided to occupy one of the vacant seat on the left side corner. Dapat pala hindi ako nagpunta dito ng mag-isa. Oh Well!
Mayamaya lang ay may lumapit saking waiter. "Hi Maam! Care for some drinks?"
"Libre ba yan?" Napangiwing tanong ko. Tumawa naman ang waiter, lumabas ang malalim nitong dimple sa kanang bahagi ng pisngi. Pinagmasdan ko sya, maputi, matangkad, cute... In fairness! Bigla akong nagblush, Nakakahiya naman, PG lang ang peg!
Napakamot sa ulo ang waiter. "Baka ibawas sa sweldo ko Maam eh. Mani na lang Maam, may pamani po kami dito!" Ay! Taray! May pa mani!
"I was just joking! Okay lang! May mani na ko!"
Tumawa ng malakas ang waiter. Bakit sya natawa? Anong nakakatawa kung may mani na ko? Kinuha ko ang bag na daladala ko at inilabas mula doon ang isang plastic ng mani na binili ko sa batang kalye kanina. "Eto oh! Madami to, supplyan ko pa kayo ng mani." Tumawa lang ang waiter at tumango tango. "Sige Maam! Enjoy!"
Nagkibit balikat na lang ako at tumingin na naman sa paligid.
Nagsimula nang ipakilala ng MC ang susunod na tututog. Lahat nagsipalakpakan at nagsigawan.
Nagawi ang tingin ko sa stage. Reb was standing there, holding his electric guitar and he is looking goooood! He smiled when he saw me. Tinanguan nya ko. May konting kilig naman akong naramdaman nang bigla syang kumindat pero nang lumingon ako sa likod, may maganda at sexy na babae pala sa likuran ko. Agad na napalitan ng inis ang konting kilig na naramdaman ko kanina. Bwiset talaga! Sa inis ko ay nainom ko ang basong dala dala ng cute na waiter na napadaan. Huli na ng marealize ko na hindi pala sakin yun.
"Oh Shoot! Im sorry! Sorry!" Kasalanan to ni Reb!
Ngumiti lang ang waiter. "Okay lang Maam! Handa na kong mabawasan ang sweldo ko kung kasing ganda mo naman ang makakausap ko."
Tumawa lang ako. "Ano ka ba, sorry talaga. I'll pay for it, okay?"
"No really, It's okay. My name's Cole! Ikaw ba Maam?" He offered his hand. Nagulat ako ng bigla syang nag English! Sabi ko na nga ba at hindi sya ordinaryong waiter lang.
"I... uhh... Zoe! My name is Zoe." kinamayan ko sya. "Sorry talaga! Eto, as payment, sayo na lang tong mani ko!" Nagtawanan lang kami and he said "Enjoy the night!" Sabay kuha nag mani at saka naglakad paalis.
Binalik ko na ang pansin ko sa stage. Reb looked soooo pissed! I wonder why. Meh. Whatever.
Napatapos na nag kantang tinutugtog nila, bigla na lang padabog na nag walk out si Reb.
"Attitude talaga nitong lalakeng to!" Takang taka ko kung bakit biglang bad mood sya samantalang kanina pakindat kindat pa sya sa mga ate ghorl sa likod ko.
Tumayo ako at hinabol si Reb na papalabas na ng Gig place. Sobrang dilim ng expression ng mukha nya.
"REBBBB!!! Wait up!" Halos maubusan na ko ng hininga kakahabol sa kanya. Anong problema nya bigla? Pinapunta nya ko just to do this kind of BS to me??? Like, WTF!
Tumigil sya sa paglalakad. Hinila ko sya paharap sakin. "What the heck, Reb! What was that all about?"
"Wala. Go home." Malamig nyang sagot sakin.
"Bakit ba?" Inaano kita? Ako na nga tong nag aksaya ng oras na manood sa gig mo!" Naiinis na talaga ko ha. Inaano ko ba sya, kung may problema sila ng mga kabandmate sya, labas ako dun!
"You didn't even watched!"
"I watched! I was there! I watched you strum your guitar like crazy! Anong problema mo??"
"Yeah sure, I bet you were so busy flirting with the Gig Place's owner! Ganyan ka ba talaga? Unang beses mo pa lang nakikilala, kung ano ano na binibigay mo?!"
"Gusto mo ba yung mani ko? Kasi babawin ko sa kanya ngayon din! Yun lang ba pinagkakaganyan mo?? Ibibigay ko sayo! Sayong sayo na! Bwiset!"
Sagad na ata pagkabadtrip nya. "Mothr Fcker! You already gave him your... What??"
"W-hat? Who?" Nalilito na talaga ko. Ano ba pinagpuputok ng butse nitong lalakeng to.
"Forget it! Sorry for wasting your time!"
Just like that, Reb walked out on me like, DUUUUDE! What the hell did I do??
CZYTASZ
The Guitarist Boy Next Door
RomansZoe fell in love with Reb the moment she heard him play his guitar but she is always too stubborn to admit it even to herself. Paano nya nga ba aaminin dito ang feelings kung sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay inaasar sya nito? Maamin nya na...