Chapter 3

5 0 0
                                    

Allison's pov

1 month later...

Haysssss nakakapagod mag aral mapaka daming project at assignment tsaka bakit ba kasi kailangan pa mag exam? Hay

Mag fi-first periodical exam na kami biruin mo yun ang bilis ng panahon maya maya graduate na ko ng high school di ko pa namamalayan.

Kasama ko ngayun si Den nandito kami sa canteen at kasalukuyang nakain

"Uy bat ang tahimik mo?" Tanong nya

"Uhm wala lang iniisip ko lang na ang bilis pala ng panahon biruin mo malapit na matapos ang first quarter" sagot ko sa kanya

"Oo nga ehh para tuloy ayaw ko nang umalis sa high school ibagsak ko na lang kaya lahat ng exam ko? Hahahaha pero syempre hindi pwede kasi papatayin ako ni mama pag nag kataon hahahaha" eto talagang babaeng to kug anu anu pumapasok sa utak pag kalokohan pero pag lesson wala

"Hahaha ikaw bahala basta ako ga-graduate ng high school"

"Bakit sinabi ko bang hindi ako ga-graduate ha?" Oo nga naman noh

"Hindi" tipid na sagot ko

Pinag patuloy ko na lang ang pag kain ko ng may biglang humalik sa pisngi ko tiningnan ko iyon at nakita ko si Dwight na nakangiti

"Hi" bati nya ng nakangiti. Sinuklian ko yung ngiti nya tsaka sya binati

"Hi"

"Nga pala Ally nag te-training ka na ba? Malapit na yung labanan ng mga school sa swimming ahh" tanong nya

"Hindi pa madami kasing project at may paparating pang exam kaya hindi pa ako makapag training hayaan mo baka next week mag start na ko ng training"

"Ahh ok basta wag mo masyado pagurin ang sarili mo ha mag pahinga ka rin" paalala nya kaya mahal na mahal ko sya ehh hindi nya ko nakakalimutang palalahanan

"Yes boss hahahah"

Swimmer ako mga five years na din akong nag swi-swimming at every year may laban ang ang mag kakaibang schools sa larangan ng swimming lagi akong umuuwing panalo kung hindi naman ay may medal pa rin. Iba ang swimming sa ibang sports di tulad ng basketball na per team sa swimming pwedeng individual or relay.

"Ally mauna na ko ha may hahanapin pa kasi akong book sa lib." sabi sakin ni Den

"O sige sasabay ka ba sakin umuwi?"

"Hindi na siguro may dadaanan pa din kasi ako sa bayan ehh sige bye Ally, Dwight"

"Sige bye ingat" sabi ko

"Bye" sabi naman ni Dwight

Pag ka-alis ni Den humarap ako sa katabi ko

"Dwight"

"Hmmm" sagot nya habang nakain

"Kelan nga pala ang start ng training nyo sa basketball?" Tanong ko.

"Siguro next week bakit?"

"Uhmm wala naman gusto lang sana kita makasama bago mag start ang mga training natin ehh" nahihiya kong sagot na mi-miss ko na sya medyo matagal na din kasi nung huli kaming nakapag bonding ehh

"Sige may gagawin ka ba sa Sabado?" Tabong nya

"Wala naman akong gagawin ikaw baka meron kang gagawin" sabi ko sakanya inakbayan nya naman ako

"Labas tayo sa Sabado na mi-miss na kita ehh andami kasi nating ginawaga kaya pag minsan lang kita makasama pero okay lang yun dahil alam ko namang pareho tayong busy sa pag aaral para sa future natin" tama sya don

"Sige payag ako dyan san ba tayo pupunta sa Sabado?" tanong ko excited na ko hehehe

"Secret sakin na muna yun kung san tayo pupunta susunduin na lang kita sa inyo ng mga 10 okay?"

"Sige"

"Tara hatid na kita pauwi wala na naman tayog klase ehh"

Pag dating ko sa bahay nag bihis muna ako. Pag ka bihis ko bumaba muna ako para kumain.

"Princess!!!!" ay palaka! Jusko naman bat naman kasi nanggugulat si Kuya

"Kuya naman ehh alam mo namang ayaw ko sa lahat yung ginugulat bago gugulatin mo ko." Hayyyyss

"Sorry na princess hindi na uli kita gugulatin" bago niyakap nya ko. Niyakap ko din si kuya matagal kaming hindi nag kita kaya na miss ko sya.

"Sabay ka na sakin kumain Kuya."

"Sige tamang tama gutom na ko nakakapagod mag byahe ehh" tumayo na ako para kuhanan ng plato at kusara si Kuya alam ko namang hindi yan kukuha dahil tamad yan

"Kumusta kayo dito nila mama at papa?"

"Okay naman kami" sagot ko

"Ehh kayo ni Dwight kumusta?" Alam ni kuya ang tungkol kay Dwight kasi nandito sya nung nililigawan pa lang ako ni Dwight at nung sinagot ko sya

"Okay lang din naman kami lalabas nga kami sa sabado ehh"

"Uhm pwede bang sa ibang araw na lang kayo lumabas Princess?"

"Bakit kuya?" Tanong ko nakakapag taka lang okay lang naman kasi kay Kuya pag lumalabas kami ni Dwight ehh

"Kasi kakauwi ko lang at balak ko sana kayo ilabas nila mama sa Sabado." Ahh kaya pala

"Sige kakausapin ko sya. Ahh kuya pwede bang sumama na lang sya sa atin? Medyo matagal na din kasi nung huli kaming nag bonding ehh" pleasee pumayag ka please

"Sige okay lang naman" yesss

"Thank you Kuya!"

Na miss ko talaga si kuya sa lahat ng tao na nakakasama ko palagi  kay kuya ako pinaka close. Nag tatrabaho si Kuya sa Japan at kaka uwi nya lang. Pag minsan lang sya umuwi kaya sobra ko syang na miss. Sya lang ang napapagsabihan ko ng mga problema ko. Love na love ko yang kuya kong yan di ko alam kung ano mangyayari sakin kung wala si kuya.

                                        ***

Pag datig nila Mama at Papa syempre nagulat sila kasi nandito si Kuya.

"Yuen Matthew! Bat di mo sinabi samin ng Papa mo na uuwi ka pala?!" Pasigaw na tanong ni mama habang nakayakap kay kuya hahaha muss na miss na talaga ni mama si kuya

"Sorry na ma. Gusto ko lang naman kayo isurprise ehh heheheh" hahahaahah pa cute si kuya kahit di cute hahahahaha

"Nak kumusta ka na? Tagal na kitang di nakita ahhh parang lalo tayong gumagwapo ahhhh hahaha" si Papa talaga daming kalokohan

"Hahah syempre ako pa manag mana sayo tong anak mong to tingnan mo gwapong gwapo hahaha" hahaha

"Hahahaha mamaya na kayo ma mag kamustahan kumain na muna tayo ng hapunan gutom na ko haha" sabi ko sa kanila dahil gutom na talaga ako

"Hahahah Princess talaga lagi ka pa ring gutom" sabi ni kuya kaya inirapan ko sya tsaka dumiretso sa kusina.


As Each and Every Star Started to FallWhere stories live. Discover now