Allison's pov
"Allison! Gising na. Allison! Allison Shan Villaruz! Wake up!" sigaw sakin ni mama. Anu bayan inaantok pa ako ehh gigisingin na agad
"Maya maya na ma. Inaantok pa ko ehh" sabi ko sabay balik sa pag tulog
"Anong maya maya gusto mo bang ma late sa first day mo sa school ha?!" dahil sa sinabing yun ni mama napabalikwas ako ng bangon. Sh*t first day of shcool nga pala ngayun.
Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo. Di ako pwedeng ma late sa first day. Ayaw na ayaw ko pa naman na na la-late.
"Ma pahanda na po ng bihisan ko maliligo lang po ako ng mabilis!" sigaw ko kay mama pagkapasok ko sa banyo
Dali dali akong naligo. Hindi ako pwede ma late sa first day. Pagkatapos ko maligo dali dali akong nag bihis tsaka bumaba para kumain. Dahil sa pag mamadali ko kumuha na lang ako ng tinapay at iced coffee sa ref bago dumiretso palabas ng bahay.
"Allison! Bumalik ka muna dito at kumain!" sigaw sakin ni mama bago ako makalabas ng bahay.
"Hindi na ma sa school na lang ako kakain! Bye!" sigaw ko kay mama pabalik.
Dali dali aking tumakbo pakabas ng subdivision namin at nag abang ng jeep. Bago pa ako makasakay sa jeep may tumigil na isang black na trailblazer sa harapan ko.
"Sakay na" sabi ng taong nag dri-drive ng sasakyan.
Di na ako tumanggi pa tutal pagod na din naman ako sa kakalakad tsaka naka libre na din ng pamasahe. Pag ka sakay ko sa sasakyan nag seatbelt ako at sinimulang kainin ang tinapay na bit bit ko.
"Tanghali ka na naman nagising ano? Hahahaha. Halata naman di ka pa nga nakakapag suklay ehh hahahahah" sabi ng lalaking nasa tabi ko ngayun. Binatukan ko na pinag tawanan pa ako ehh.
"Aray ko! Ito naman binibiro lang ehh." reklamo nya sa ginawa kong pag batok.
"Wag mo kong kausapin di tayo bati!" sigaw ko sa kanya. Na ba-badtrip ako tanghali na nga ako nagising aasarin pa ako ng lalaking to bahala sya di ko sya kakausapin mag sawa sya. Pati pag kain ko giinugulo nya.
"Uy Ally. Ally sorry na" sabi nya di ko sya pinansin. Manigas ka dyan.
"Sorry na. Ito naman binibiro lang ehh" sabi nya habang nakatingin sakin. Kahit di ko sya kita alam kong nakatingin yan sakin. Hayyyy matitiis ko ba naman tong lalaking to. Nilingun ko sya. Never ko naman sya matitiis ehh.
"Ano bang problema mo? Kita mo namang nakain ako diba?" sabi ko sa kanya ayaw na ayaw ko kasi sa lahat yung ginugulo ako habang nakain maliban na lang kung importante talaga.
"Ito naman ang init init ng ulo umagang umaga. Bat ba ang init ng ulo mo?"
"Kasi nga late ako nagising. Di pa ba halata? Bago di pa ako nakakain kaya mainit ang ulo ko. Sorry na alam ko namang di dapat kita pinag iinitan ng ulo" nagui-guilty tuloy ako sa mga sinabi ko sa kanya.
Itinigil nya yung sasakyan sa gilid. Tsaka sya humarap sakin. Inayos nya yung buhok ko. Tsaka nya ako niyakap.
"Ayus lang yun. Alam ko namang di mo yun sinasadya." nakakainis kasi alam nya namang ayoko ng guguluhin ako bago ngayun may payakap yakap pa para pansinin sya nakakainis lang.
Hanggang sa napagisipan na naming pumunta sa school bago pa kami tuluyang ma late. Pupunta pa kami sa office ng registrar para kunin ang schedule namin.
Boyfriend ko si Dwight. Mag kasing edad lang kami pero di ko pa alam kung magiging mag kaklase ba kami o hindi. Sana maging mag kaklase kami para lagi ko syang makasama. Dati kasi halos di ko na sya makasama dahil magkasalungat yung schedule namin.
Nasa Registrar's office na kami ngayun para kunin ko yung schedule ko. Ewan ko lang dito sa kasama ko kung anong gagawin nya dito. Ang alam ko nakakuha na sya ng schedule at nalaman nya na din kung anong section nya.
Pag ka kuha ko ng sched. ko lumabas na ako ng office ano ba namang gagawin ko don ehh nakuha ko na sched ko. Tiningnan ko yung sched ko. Nasa Section 1 pa rin ako gaya nang dati.
"Psst anong section mo?" tanong ko sa kanya
"Section 1 pa din . Ikaw?" sagot nya.
Yesssss kaklase ko sya. Sa wakas ntupad na din yung hiling ko na maging kaklase sya.
"Section 1 din sa wakas naging mag kaklase na tayo" sabi ko sa kanya ng nakangiti.
Pag katapos non hinila nya ko papuntang canteen. Gutom siguro to.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko
"Manunuod siguro ano?" sarcastiko nyang sabi.
Tsss iba din talaga to ehh di na lang sumagot ng ayos.
Hinila nya uli ako papunta sa isang table sa tabi ng bintana. Airconditioned naman tong canteen kaya kahit papano hindi masyadong mainit.
Tinanong nya ko kung anong gusto kong order. Tinanong ko din sya kung libre nya ang sabi nya oo daw kaya dinamihan ko na ang order. Umalis muna sya saglit para umorder ng pagkain namin.
Habang hinihintay ko sya tinawagan ko muna si Den. Ang bestfriend ko.
"Hello Den nasan ka na? Nasa school ka na ba?" tanong ko
"Malapit na antraffic kasi dito samin nakakainis. Di ko pa alam kung anong class ko at kung ano din schedule ko tssss." sagot nya
Halata naman sa gaot nya na bagot na bagot na sya sa byahe pero wala syang magagawa. Hahahahha anlayo kasi ng bahay ayan tuloy.
"Geh bye pag dating mo diretso ka dito sa canteen kasama ko si Dwight intayin ka namin dito. Bye" ani ko
"Sige sige iorder nyo na rin ako ng pag kain para pag dating ko dyan kakain na lang ako hahaha" sabi nya
"Cge pero babayadan mo ko ha." sabi ko sa kanya alam na alam ko na ugali n babaeng to ehh. Mag papalibre na naman. Well asa sya kasi di ko sya ililibre hahahaha
"Tsss oo na basta iorder mo ko ng kahit anong masarap. Bye" sagot nya
Maya-maya dumating na din si Dwight dala yung order namin. Kinuha ko naman agad yun order ko.
"Sino yung kausap mo kanina? Kita ko may kausap ka" tanong nya
"Si Den tinaranong ko kung nasan na ang bagal kasi kumilos kaya yan na traffic hehehe." sagot ko sa kanya
"Ahhh si Den talaga nag bagal kumilos parang ikaw din hahahah"
Sinamaan ko sya ng tingin. Di pa nga ako nakaka kain mang aasar na naman kaya nakakainis to minsan ehh.
Habang nakain ako biglang dumating si Den sa wakas dumating din to. Pag kadatig nya sa table namin umupo sya sa tabi ko at sumandal sa balikat ko. Tong babaeng to akala mo napakagaan ng ulo kung makasandal. Tss.
"Hay sa wakas nakaupo rin kanina pa ako lakad ng lakad. Nasan yung order ko?" tanong nya. Nalimutan ko pala sya iorder hahahaha.
"Nalimutan kong iorder ka sorry. Ikaw na lang umorder tutal nandto ka na din naman." sagot ko sa kanya
"Hay nakaka inis ka talaga. Dwight sabihan mo nga tang girlfriend mo na wag masyadong maging makakalimutin" sabi nya.
******************************************
A/N
Hi guys short chapter po muna ito. Bawi po ako sa next chapter.
-PrincessOfMidnight-
YOU ARE READING
As Each and Every Star Started to Fall
RomansaWe were happy until every star started to fall. Will I still be happy after everything started to fall down? Will the stars still be beautiful even when everything is broken?