"You know what, shar? You are so wasted! Kaya tara na, ihahatid na kita sa inyo" dada ng bestfriend kong kokak.
"Guuuurl, dibale ng wasted atleast straight. Eh ikaw? Di malaman kung shokla ba o lalaki talaga!" Pang aasar ko pa lalo kay dave na nakapagpausok ng ilong niya. Haha!
"Anong kinalaman ko dito sa pag iinom mo, aber?" He said in a husky voice.
Punyetaaaaa! Ang gwapo sanang pakinggan ng boses niya kaso yung mga salita niya naman tila galing sa beki dictionary--arghh!
"Besh, just shut up and drink na lang din kasi o kaya maghanap hanap ka ng papi dyan sa tabi! Basta samahan mo lang muna ako dito, okeeee?" I said in a pleading tone.
"Nako shaaaar, sinasabi ko lang talaga sayo! Kung di lang kita mahal baka iniwan na kita dito kanina pa at hinayaang lapain ka ng mga lalaking kanina pang hayok na hayok sayo--ano ba naman kasing klaseng damit yan oo!" Asar na speech niya at sinuklay niya ang kaniyang nga buhok gamit ang mga kanay niya.
Shet! Hawt namern ni besh! Kaso pumilantik pa yung kamay. Wala na, ekis na. Nyetaaaaa!
"Mahal mo naman pala eh, bakit di mo ko jowain?" pang asar na tanong ko sabay hagikgik ng maloko.
"Gaga! Mahal as a friend, maghunos dili ka nga Sharlene Cruz!" At ayan na nga, nasstressed na si besh Dave.
Lalo akong natawa nang dahil sa sagot niya. Kinuha ko ulit ang shot glass at nilagyan ng panibagong inumin at tsaka ito nilagok ng dirediretso.

BINABASA MO ANG
My Gay Friend
Romansa"pag ba bakla, may needs din?" Sharlene asked to her Gay friend