Chapter 4

12.2K 385 24
                                    

ISAAC

Napahiga ako sa kama ko. Naalala ko na naman ang Manang na iyon. Ang tapang tapang para siyang si Gabriela Silang kulang na lang may itak siyang hawak. Nakasaya kasi din iyon. 

Bakit ko pa pinagkakaabalahan isipin ang Manang na iyon.

Babalik na pala kami sa PMA by next week. Kailangan ko ng lubusin ang bakasyon ko. Kailangang umariba ng umariba para makarami. Magiging tigang na naman ang kaguwapuhan at kamachohan ko kapag nasa loob na ako ng PMA.

Pagkalabas ko ng pinto bigla akong napaatras. Shit! Ano na naman ang ginagawa ng babaeng ito dito. Naisara ko bigla ang pinto. Nilock ko ito at iniharang ang malaking aofa para hindi ito makapasok. Mukha akong tanga sa pinaggagawa ko.

Tinawagan ko si Daphne ang kapitbahay ko dito sa condo.

"Hello, bakit ka napatawag, Sac?" tanong nito sa kabilang line.

"Daphne, sumilip ka nga sa labas ng pinto mo kung nandiyan sa harapan ng pinto ko iyong babae." sabi ko.

"Okay, wait lang." Narinig ko itong naglakad at bumukas ang pinto nito. "Naku, Sac nasa harapan pa din ng condo mo. Bakit hindi mo na lang pagbuksan? Mukha tuloy tanga dito sa labas. Doorbell nang doorbell. Nabibingi na ako Sac, naririnig ko doorbell sa line mo!" reklamo nito.

"Ganito gawin sabihin mo sa babae na umalis na ako. Na may dala akong maleta. At hindi na babalik" sabi ko.

"Grabe ka Sac. Gagawin mo pa akong sinungaling, gago ka talaga!" singhal sa akin ni Daphne.

"Please. . . please?" pakiusap ko.

"Okay, nakakaawa naman ang pagmumukha mong mukhang puwit ng kalabaw!" sabay tawa nito. What the fuck ako mukhang puwit ng kalabaw?!

Napamake face ako. Kahit hindi naman niya nakikita. Narinig kong kinakausap na nito si Shiela ang babaeng baliw.

Baliw na baliw sa kaguwapuhan at kamachohan ko. Maganda naman siya at napakasexy kaso may sapak sa ulo. Ayoko ng ganoong klaseng babae. Baka isang araw bigla na lamang niya akong sakalin.

Napahinga ako ng maluwag ng umalis na ito. Base sa pag-uusap ng dalawa.

"Hello, Sac. Umalis na iyong babaeng humahabol sa iyo" sabi nito.

"Salamat, Daphne. Ano libre kita," sabi ko.

Oh ,sure! Kasama ko ang pinsan ko huh?!" magsasalita pa sana ako inendcall na nito ang tawag. What the fuck bakit isasama niya pa Manang iyon.

Kandairap sa akin ang Manang ganoon din ang ginagawa ko.

"Hoy, kayong dalawa mag-iirapan na lang ba kayo?!" sabi ni Daphne sa amin.

"Bakit mo ba kasi isinama pa iyan?! Ikaw lang naman ang ililibre ko hindi naman siya?" simangot na sabi ko. Sabay irap ulit kay Manang biday.

" Hoy anong libre sinasabi mo. Binili ko itong kape no?! Madami akong pera! Tsura nito! Akala mo naman ikinaguwapo niya ang manlibre. Gago din eh no?!" mataray na sagot sa akin.

"Kayong dalawa huh? Tigil tigilan niyo na ang pagbabangayan. Mamaya niyan kayo ang magkatuluyan!" napabaling bigla ang tingin ko kay Daphne.

"Ano?!/ What?!" sabay naming sabi ni Manang biday. Sabay din kaming nag-irapan.

Napapailing na lang sa amin si Daphne.

"Oh my god, Sac! Si si si.." hindi matuloy tuloy ang sinasabi ni Daphne itinuro na lamang niya. Napatingin ako sa itinuturo niya. Nanlaki ang mata ko.

BARAKO SERIES 7  Faraway (Isaac Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon