Chapter 17

11.6K 339 15
                                    

ISAAC

HINDI ako makapaniwalang nakabalik na kami sa kabihasnan. Dalawang buwan din kaming nasa kabundukan. Sobrang saya ko nang mayakap ko ang mahal kong biday. Na-miss ko siya ng sobra. Kahit walang toothbrush nag-kiss kaming dalawa. Hindi naman nagreklamo ang mahal kong Marieyah kahit puro cavity ang ngipin ko. At bad breath na nga ako.

"Anak! Diyos ko salamat naman at ligtas ka!" yumakap sa akin si Mommy habang umiiyak.

"Don't cry Mom, nandito na ako," sabi ko habang hinahaplos ang likod ng Mommy ko. Habang si Daddy ay nakatingin sa akin.

"Thanks god, you are safe anak," sabi ni Daddy. Tinapik niya ang balikat ko. Akala ko nga hindi na ako makakabalik pa.

"Nasaan po si Marieyah?" tanong ko sa magulang ko.

"Pinauwi na muna namin para makapagpahinga naman ang batang iyon. Masyadong nag-alala sa iyo. Pabalik balik siya sa kampo para makibalita." Napangiti ako dahil mahal na mahal talaga ako ni Marieyah.

"Kailangan mo munang magpahinga. Ang laki ng hinulog ng katawan mo, anak. Ipapa-admit ka namin sa ospital para ma-check kung wala kang sakit. Salamat sa diyos at ligtas ka. Akala ko mapapatay na kayo ng mga terorista. Mga halang pa naman ang kaluluwa ng mga iyon." 

Hindi ko na lang sinabi na talagang halang ang kaluluwa ng mga taong iyon. Buti nga lang hindi pa kami pinugutan ng ulo. May balak na. Mabuti na lang nakatakas kami.

"Huwag na Mommy, okay na ako. Sa bahay na lang. Magpapahinga lang ako at magiging okay na ako," sabi ko kay Mommy. Sinabi naman ng tuminging doctor sa amin na okay naman kami. Walang ibang sakit maliban lang sa na-dehydrate kami.

Buong maghapong akong natulog. Wala akong matinong tulog ng ilang buwan. Bumangon ako nang makaramdam ng pagka-gutom. Kailangan kong kumain ng marami upang bumalik ang alindog at ka-machohan ko. 

Nagpasya akong bumaba. Napatingin ako sa kaliwa ko. Naalarma ako dahil nakakita ako ng taong palito. Pagkatingin ko ulit, salamin pala ang nadaanan ko at ako pala iyon. Bagsak ang balikat kong nagpatuloy sa paglalakad. Tanginang kamote yan. Wala na ang kaguwapuhan kong taglay. Nahihiya na akong lumabas ng silid ko.

Napaatras ang ka-machohan ko. May mga bisita si Mommy. Nahiya na akong tumuloy dahil ayokong makita nila ang ganito kong hitsura.

"Baby!" napahinto ako sa pagpasok sa silid ko. Napalingon ako sa tumawag. Si Marieyah pala. Lumapit ito at yumakap sa impis kong katawan.

"Baby, napadalaw ka," tipid na sabi ko. Nalulungkot kasi ako sa nangyari. Hindi na kasi ako macho.

"I miss you, baby, kaya dinalaw kita. Kumusta ka na? Halika nagluto ako ng ulam. Kain ka na ng madami," sabi nito. Umaliwalas ang mukha ko. Napangiti sa akin si Marieyah nang pumayag akong kumain.

ILANG buwan ang lumipas bumalik ang dati kong katawan dahil sa tulong ni Marieyah. Masasarap naman kasi ang nilulutong pagkain ni Marieyah para sa akin.

"Thank you, baby, sa pag-aalaga mo sa akin," sabi ko at niyakap siya. 

"Ano ka ba? Trabaho ko iyon bilang girlfriend mo para maging malusog ka. Tingnan mo ang laki ng ipinagbago ng katawan mo. Macho ka na." Hinagkan ko ang noo ni Marieyah.

"I love you, baby," sabi ko.

"I love you too, baby," tugon nito. Nagyakapan kaming dalawa ng mahigpit.

NATUTUWA ako dahil nakabalik na ako sa trabaho. Na-miss ko ang mga kasamahan ko.

"Cmdr. Dela Costa!" napalingon ako sa tumawag. Napangiti ako nang malawak ng makilala ko si Major Manuel. Nakipagkamay ito sa akin.

BARAKO SERIES 7  Faraway (Isaac Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon