INTRODUCTION
This story of my LARGE imagination is dedicated to my FRIENDS at ang story ko na ito ay magulo pero intindihin niyo nalang po, Haha. ^_^
At gusto ko pong malaman niyo na ang ibang mga pangyayari sa story na ito ay halaw sa totoong buhay.
Chapter 1 - Flashback and Present Time
Nabasag ko ang baso na hawak-hawak ko kaya pinalo ni mama ng sinturon ang kamay ko,tiniis kong wag umiyak,nasanay na ko eh..
Tiis2x lang ang kailangan para hindi na lalo magalit si mama. Hinintay ko nalang na matapos si mama sa pagpalo sa kamay ko.
Pagkatapos non ay umalis siya at naiwan ako sa bahay kasama ang nakatatanda kong kapatid na babae.
Lumapit siya sa akin at hinimas ang kamay ko na pinalo ni mama.
"Pasensya ka na Jade ha, walang nagawa si ate para hindi ka mapalo."
"Okay lang yun ate, sanay na naman ako saka kasalanan ko naman talaga eh"
"Cge,ganito nalang. Gusto mo pasyal tayo sa park ? Bibilhan kita ng ice cream saka wag kang mag-alala wala naman si mama eh, saglit lang din tayo don."
"Talaga ate? Sige, gusto ko din kasing pumunta doon."
"Sige, bihis muna ako, wait ka lang dyan, sandali lang ako, ok? "
"Yes Maam!" sabay saludo ko
"Ikaw talaga" nakangiting sabi niya sa akin habang ginugulo ang buhok ko.
Naiwan naman ako sa sala namin, hindi ko na kailangang magbihis pa kasi kakaligo ko lang at kakapalit lng din ng damit.
Yun nga pala ang nag-iisa kong ate, siya si Rainyelle, 3rd yr.high school palang siya.
Tinignan ko ang kamay kong kakapalo lang ni mama, masakit talaga pero nasanay na din kasi ako kay mama, kapag nagkakamali kasi ako ay may parusa kaagad, kung hindi palo ay pinapagawa ako ng mga gawaing bahay, ang pinaka hindi mabigat sa mga parusa niya sa akin ay ang kanyang napakahabang sermon.
Hindi ko nga alam kung bakit ganon ang trato niya sa akin, pero sanayan nalang din siguro ang kailangan.
Papunta na nga kami sa park, masakit parin ang kamay ko, mapula pa nga eh! Hinimas himas ko nalang.
Makalipas ang maikling minuto ng paglalakad ay narating na din namin ang park. Pina-upo ako ni ate sa isang bench na nandoon.
"Jade, dito ka lang muna ha? Bibili lang si ate ng makakain natin at syempre yung ice cream na pinangako ko sayo, babalik ako agad"
Tumango nalang ako sa sinabi niya.
Habang hinihintay ko si ate ay may tumama na bola sa aking kamay, naramdaman ko na mas lalo itong sumakitn at hindi ko na talaga matiis kaya umiyak nalang ako. Hinimas-himas ko ang kamay ko para maibsan naman kahit papa-ano ang sakit.
Naramdaman ko na may papalapit sa akin, pinahiran ko kaagad ang luha ko at nakita kong may kamay na kumuha sa bola na nasa paanan ko.
'Sorry pala kung natamaan kita. Bilang peace offering ko, sayo na to oh! "
Kahit nakayuko ay kitang-kita ko na may iniaabot siya sa akin. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang isang nakangiting mukha ng isang binatilyo.