[ Two ]

17.9K 118 5
                                    

Sexual Understanding Two

 

 

BABALA: Lenggwahe

 

 

xxx

 

Nagising ako sa lamig ng hanging humahaging sa balat ko. Hinila ko ang kumot upang takpan ang bahagi ng aking katawan na nilalamig. Napamulagat ako nang mapagtantong wala pala akong damit kaya ganun ang aking pakiramdam.

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang mga brasong yumapos sa akin. I suddenly froze for a moment bago ko tuluyang lingunin ang nagmamay-ari ng matitipunong brasong yun. Napatda ako sa itsura ng gwapong lalaking katabi ko na wala ring kahit anong suot.

Shocks! Mukhang badboy na anghel!

 

Imbes na maisip ko kung anong nangyari sa amin ay iyon pang pumasok sa utak ko? Nagulat pa ako nang magmulat siya ng mata sabay ngisi kaya napasigaw ng ng wala sa oras.

“AAaaaaaaaahhhhhh!!!!” sigaw ko at hindi sinasadyang nasipa ko siya ng malakas kaya nahulog siya sa kama. Oh shit kama? Kaninong kama ito?

“Ano ba? Aga-aga ang ingay mo! Tsaka bakit mo ko sinipa?”

Napakamot siya ng ulo at biglang tumayo. Heaven! Hindi niya ba alam na nakahubad pa siya? Gosh! Napamulagat na naman ako sa ginawa niya pero agad ko ding tinakpan ang mga mata ko.

“Arte ha. Natikman mo na yan kagabi.” Aniya bago pumasok sa pintuan ng banyo na humahalakhak dahil binasal ko siya ng unan.

“Manyak!” Argh! Nakakainis ang lalaking yun! Naririnig ko pa hanggang ngayon ang kanyang halakhak sa loob.

Nakabihis na ako nung lumabas siya sa pinanggalingan niya. Tumalikod ako para hindi na makita yung nakaliliyo niyang alaga. Papuri na rin masyado. Palibhasa may maipagmamapuri nga naman.

 

Nakiramdam ako sa kanya kung tapos na ba siyang magbihis para makapag-usap kami ng tungkol sa mga nangyari kagabi. As in mga nangyari talaga.

Pinakiramdaman ko rin ang parting yun ng katawan ko. Sabi kasi nila’y masakit daw iyon sa unang beses. Baka namamanhid pa kaya hindi ko maramdaman?

Nabalik lang ako sa ulirat nang binasal niya ako ng unan. Bwisit talaga ang unggoy na to! Mabuti naman at bihis na din siya. Nagpapakiramdaman muna kaming dalawa kung sinong unang magsasalita at kung papaano bubuksan ang topic tungkol doon.

Nagsindi siya ng sigarilyo at ibinuga paitaas bago nagsalita.

“I’m Klause.” Aniya at matamang nakatingin sa akin.

“Sandy.” Tugon ko. I really feel very awkward. I’m sure he also is. Parang walang namagitan sa amin kagabi. Naubos na niya ang unang yosi at nagsindi uli ng isa pa.

STATUS: S.U. SEXual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon