[ Seven ]

9K 93 0
                                    

SEXUAL UNDERSTANDING SEVEN

Namimiss

 

xxx

 

Panay ang lunok ko sa aking lalamunan habang nasa byahe kami. Iniisip ko kung saan niya ako dadalhin at kung sino ang mga taong naroon. Ngayon lang ako makikipagdate ng hindi prepared at mukhang sosyal ang pupuntahan namin.

Dito rin kaya niya idinadala ang mga naging babae niya? Bigla kong naisip, bagay rin pala sa kanya ang magsuot ng pormal. Kahit na nakapusod ang medyo malago niyang buhok ay makisig pa rin siyang tingnan.

Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay kong kanina pa nanlalamig at naninigas.

“Are you nervous?”

“Sa tingin mo?” asik ko sabay bawi rito.

“Haha ang sungit mo talaga ngayon, Miss. We’ll just eat and enjoy the moment.” Aniya habang nakangising nagmamaneho.

“Whatever.”

Pinagbukasan niya ako ng pintuan nang tumigil kami sa parking lot ng Sikatuna Hotel. Pulos mga foreigner ang mga nakakasalubong namin na nakapormal rin. Halos lahat ng mga empleyado ay tumitingin sa amin at nakangiti pa sa kasama ko. Iginiya kami ng isang crew sa may elevator saka pinindot ang P Button.

May mga kasabay din kaming ilang pinoy at foreigner sa loob ng elevator subalit mas nauna silang lumabas. Kaming tatlo na lang ang natitira kaya naisip kong sa roof top ang tungo namin. Bago bumukas ang elevator ay piniringan pa ni Klause ang mga mata ko. Anong drama ng lalaking ito?

Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso habang inaalalayan akong maglakad. Naririnig ko ang mabibining tunog ng violin sa saliw ng sikat na tugtugin ngayon. Mas kumalabog ang dibdib ko at halos manikip ito nang may binulong siya sa kanang tenga ko. Doesn’t he know that his smell is melting me?

“This is my first.” Aniya saka tinanggal ang piring sa mata ko.

Gusto ko sabihing impossible ang sinabi niya subalit hindi ko nagawa dahil pinaupo niya ako agad. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar na kinalalagyan namin ngayon. Nagkalat ang mga kulay pulang rosas sa paligid ng table namin. At mula rito’y makikita mo ang iba’t-ibang liwanag ng siyudad. Bagay na bagay ang effects ng light na ginamit.

Kami lang ang guest nila sa lugar na ito? Pulos kasi nasa garden ang iba. Naglagay ng wine sa kopita ang waiter na naroroon. Isa-isa na ring isinerve ang mga pagkain sa aming mesa. Agad akong natakam sa mga pagkaing nakikita ko subalit hindi ko alam kung mauubos ba namin ang mga ito.

Ibinaling ko ang aking paningin sa mga tumutugtog at dinama ang mensahe ng kanta. Hindi ko talaga maisip na first time niya rin ang ganito gayong parang sanay na siyang makipagdate sa mga ganitong lugar.

“N-nagustuhan mo ba?” nauutal niyang tanong sa akin kaya napangiti ako at tumango.

STATUS: S.U. SEXual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon