[ Eight ]

7.1K 68 4
                                    

SEXUAL UNDERSTANDING EIGHT

Impossible

 

xxx

 

Nang sumunod na araw ay panay ang kulit sa akin ni Micah. Tinatanong ako kung hinatid lang daw ba ako ni Klause o kung may dinaanan pa kaming iba. Syempre ay sinabi kong inihatid lang niya ako sa may kanto papuntang bahay namin.

Break time namin kaya nasa student’s nook kami. Ibinibida ni Micah yung crush niyang taga Engineering Department. Nakita niya daw kasi itong maglaro ng basketball kaya mas lalo siyang humanga. Hindi naman ako nagkukumento dahil panay ang sulyap ko sa cellphone ko.

Bakit kaya hindi siya nagtetext sa akin? Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Pangatlong araw na simula nung nakita ko siyang muli. Napangiti ako sa sarili ko nang maalala ang bago nitong gupit na buhok. Nakinig kaya siya sa sinabi ko kaya siya nagpagupit?

“Ano ba yan? Kanina pa ako nagkukuwento tas mangingiti ka lang ng sarilinan dyan? Hay naku inlove ka na nga talaga sa pinsan ko.”

“Ha? Anong sinasabi mo dyan?” sabi ko habang nagpipigil ng ngiti.

“Sus, ayan oh kitang kita na Sandy. Deny pa more? Inlove ka na ka Kla--Ouchy!“

Naguluhan ako kung bakit nakapalibot sa amin ang mga classmate naming taga BSBA Department. Tutok na tutok ang mga mata nila sa akin. Natatandaan ko sila. Sila yung mga naririnig kong nag-uusap nung nakaraan tungkol kay Trevor.

“Hi. Pwede ka ba naming makausap?” Nagkatinginan muna kami ni Micah bago ako sumang-ayon sa sinabi ni Arra.

“Tungkol saan?” tanong ko.

“Kay Trevor. Ikaw ba ang bago niyang girlfriend?” diretsahang tanong ni Jayson sa akin.

Nabigla ako sa tanong niya. San nanggaling ang impormasyong iyan? “Trevor Madrigal? Hindi ko pa siya nakikilala.”

“Impossible. Pero magkasama kayo nung nakaraang araw lang.”utas ni Adrian.

Napakunot ang noo ko. “Paanong mangyayari iyon eh hindi ko pa nga siya nakikilala sa personal? Kahit sa text o tawag nga ay hindi pa nagkakamali sa numero ko. Kilala ko lang siya sa pangalan.”

“Mukhang wala siyang alam guys. Si Trevor na lang ang tanungin natin.” sabi naman ni Harvy.

“Mabuti pa nga. Puntahan na rin natin si Riri. Dumating na siya kahapon galing Singapore.” sabi naman ni Christian. Tinapunan muna nila ako ng tingin bago umalis.

Pagkaalis nila ay agad namang nagpaalam si Micah sandali. Naiwan akong nagmumuni sa kinauupuan ko. Sino ba talaga si Riri at si Trevor? Bakit nadamay ako sa love life nung dalawa? Hindi pa nga ako nakakamove on sa gulong pinasukan ko kay Klause eh. Pasalamat na lang at hindi pa ako nasusugod uli ni Aria Catheri na yon.

STATUS: S.U. SEXual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon