Karmyleigh's POV
Unang araw nga pala ngayon ng school. Panibagong taon, panibagong kapaguran nanaman. Yan naman ang mga hinihintay ko. Jusmee!!
Hindi agad ako bumangot. Ganun talaga ang daily routine ko. Gumigising nang maaga ngunit hindi magiging produktibo. Facebook, Instagram, Tweeter at kung ano ano pang pwedeng gawin sa social media.
Boring naman, pero ewan ko ba sa mga kabataan ngayon.'Wow, kung makapagsalita naman ako ahh.'
Nang mapansin kong alas 6 na ng umaga, bumangon na ako. 7:30 nga pala ang unang subject ko ngayong Senior High School na ako. Its Pre Calculus
Nakakairita!! Unang subject math agad.
'Cringe'
Pagkatapos kong maligo'y inayos ko muna ang aking mukha.
Liptint na konte at cheek tint para naman magmukang lasing ako. Hahaha Gg.
Mahilig lang talaga ako ng mga pampabeauty."Karmy, are you done? Ihahatid ka daw ng daddy mo sa first day mo anak." Sabi ni mommy pagkatapos niyang kumatok sa pinto. Hindi siya pumapasok sa kwarto ko lalo na pag umaga dahil alam niya nahihiya ako pag nakikita ng iba na magulo ang kwarto ko at maging ang mukha ko.
"Yes nana! Almost done." I replied para naman hindi siya maghintay doon.
"Okay, bilisan mo na para hindi ka ma-late. Remember maghahanap ka pa lang ng section mo." Oo nga pala. Arghhh! I almost forgot na hindi ko nga pala inabot ang orientation sa school.
"Yes Nana, coming!!" Sabi ko sabay tayo at kinuha ang bag ko at ang class schedule ko.
"Goodmorning sweetie!" Bati saakin ni daddy.
"Morning dada, panibagong school year..."
"Panibagong kapaguran nanaman." Sabay na sabi nina mommy at daddy at kasunod ng tawanan naming tatlo. Ito talaga ang mga linya namin na hindi namin alam kung saan galing.
Natapos kaming kumain ng umagahan. Itinanung ni mommy kung sino raw ba ang kasama ko sa paghahanap ng section ko. Sabi ko, since wala naman ang kaibigan kong si Mechaela wala naman akong choice kundi mag-isang maghanap.
Habang si daddy naman todo ang padala sa akin ng first aid kit. Hay nako! Mga doktor nga naman.Nang makarating na ako sa school. Nagulat ako dahil 7:00 am na at napakarami nang estudyante.
Nagpunta agad ako sa pinakamapit na school map para mahanap ang section ko. Kinuhanan ko ito ng litrato kasi malamang hindi ko naman kayang imemorize yun eh.Agad kong sinudan iyun. Nasa ikatlong building pala ako ng STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics). Medyo malapit lang kumpara sa ibang strand.
Pero hindi naman sinabi ng mapa na 3rd floor pala ang section ko.
'Gawwddd! Malolosyang ako nito kung araw araw ganito ako. Wala bang elevator dito?'
Makalipas ang 15 minutes sa wakas at nakarating na rin ako sa Class A ng strand namin. Pagod at hinihingal pa kaya napahawak ako sa ding ding.
Mabuti na lamang at wala pang guro. Agad akong nagtungo sa loob matapos kong ayusan ang sarili ko para matanggal ang bahid ng haggardness.Marami na akong mga classmates na hindi ko naman kilala. Siguro yung iba dito naliligaw pa kaya mamaya papalipatin pa ng section.
Napilitang kong maupo sa natitirang upuan na malapit sa pintuan. Sabi kasi ni mommy dapat daw malapit ako sa exit para kung sakaling may disaster makakasurvive ako. Sabi ko naman sa kanya kung mamamatay ako wala na talaga akong magagawa. Nainis lang siya sa akin at tinanung ako kung bakit gusto ko na daw mamatay. Hindi ko naman sinabi na gusto ko eh. Si mommy minsan hindi ko alam kung doktor ba o miyembro ng NDRRMC .